CHAPTER 10

4.3K 91 1
                                    

Kinabukasan, maagang umalis si sir. Monday ngayon kaya pumasok na siya sa trabaho niya. Pinagbilin niya kay Sheila na mamayang hapon ay pupunta kami sa party. Meron na raw siya ng number ko. Kaya tatawag daw iyon.

Ginawa ko na lahat ng dapat asikasuhin lalo na kay Kianna. Pinaliguan ko siya, pinakain, naglalaro pa kaming dalawa sa kwarto niya kung hindi naman ay pinapanood ko siya ng nursery rhymes at binabasahan ng libro.

May pumupunta na rin sa bahay para magpaload sa akin. Natutuwa ako sa bagay na iyon dahil kahit papano kumikita ako ng kaunti sa pagpapaload. Nagpaalam kasi ako kay manong Anton na sabihan ako kapag may gustong magpa-load. Gusto ko nga rin magkaroon ng poster diyan sa labas na merong load na tinitinda dito para mas maraming makaalam.

Nagulat pa nga ako ng malaman ko kung magkano ang laman ng loadwallet na binili ni sir sa akin. Five thousand pesos! Akalain mo iyon? Kaya kapag na bawi ko na ang kapital, babayaran ko pa rin si sir. Nakakahiya naman, at saka iyong cellphone huhulugan ko na lang, kasi iyong unang sasahurin ko sa kanya ay kailangan na kailangan ko dahil ipapadala ko iyon para sa mga kapatid ko.

Kinahapunan, habang nililigpit ko ang mga pinaglaruan ni Kianna dahil tulig na siya ay may tumawag sa cellphone ko. Unknown number iyon pero sinagot ko.

"H-hello! Sino 'to?" tanong ko.

"Damn! Why are you asking like that? Is there anyone knows your number already?" inis niyang tanong sa kabilang linya.

Pero hindi ako naka-focus doon kundi sa magandang boses niya sa tawag kapag nagsasalita. Buong-buo at lalaking-lalaki. Para tuloy akong nakikinig ng DJ sa radyo.

"Are you there!" galit na sigaw niya sa kabilang linya dahil hindi ako nagsasalita. Kaya naputol ang pagpapantasya ko. Ayoko na lang pala ng boses niya kapag nagagalit ang panget. Tsk!

"O-opo sir, s-sorry po," agaran kong paumanhin sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. Kawawa naman ni sir, parang pagod na pagod na siya basi sa boses niya ngayon.

"I will be home at five P. M. But I want you and Kianna were ready for the party. Wear that dress we bought yesterday. Understood?" maawtoridad niyang sabi.

"Yes sir!" sagot ko at ngumiti. Excited na ako!

Agad kong binihisan si Kianna ng yellow gown niya pagkagising niya. Tinirintas ko rin ng paikot ang buhok niya at linagay ko ang little crown niya.

"Wow baby you're so pretty like me!" bulalas ko sa kanya pagkatapos ko siyang ayusan. She giggled too at saka nagpa-cute pa sa akin.

Bumaba na kami at nakitang nandoon si Sheila at saka si ate Amalia sa sala na nakaupo sa sofa.

"Wow ang ganda naman ni Princess, prinsesa talaga sa suot niya!" puri ni Sheila. Ngumiti naman ako sa kanya si Kianna at nagpa-cute.

"Akin na muna si Princess magbihis ka na din miss beautiful. Galingan mo ang pagpapaganda ha, para may maakit kang mayaman do'n," biro pa ni Sheila. "Halika na princess," anyaya niya kay Kianna. Ibinigay ko naman su Kianna sa kanya.

"Tsss kaya naman pala sasama dahil maghahanap ng malalandi roon," maarteng wika ni Ate Amalia sa akin.

Parang namula yata ang tenga ko sa inis dahil sa sinabi iyon ni ate Amalia. Parang gusto ko ng patulan. Hindi man lang marunong makinig ng joke saka seryosong usapan. Tsk! Huminga na lang ako ng malalim.

Nagtinginan na lang kami ni Sheila na parang nag-uusap gamit ang mata naming dalawa. Hindi namin pinansin ang Amaliang traydor ng buhay ko sa bahay na ito. Bakit ko pa siya papatulan eh parang kulang siya sa pansin. Hindi naman siya ang kausap sumasabat.

Napagdesisyunan ko nang magbihis baka kasi dumating na si sir. Excited na akong magsuot ng magandang damit at makapunta sa party ng mayayaman.

Dumating si Sir sa mismong oras ng sinabi niya. Nakasuot na siya ng formal suit, 'yong tinatawag nilang Amerikana. Nagpatulong naman ako kay Sheila mag-make up, hindi kasi ako masyado marunong sa ganoong bagay.

"Oh ayan ang ganda mo na!" sabi pa niya. Tinignan ko na man sa salamin ang repleksiyon ko,maganda nga. Simple lang ang pagka-make up niya sa akin, nilagyan niya ako ng eyebrow, kunting eyeshadow, blush on at saka red lipstick.

Sinalubong namin ni Kianna si Sir sa labas. Pagbaba niya ng kotse, ako agad ang tinitigan niya, parang nailang tuloy ako, kasi nakaka-intimidate ang way ng pagtitig niya sa akin. Napayuko na lang ako.

"Hi my beautiful princess!" masayang bati niya kay Kianna na naglakad din palapit sa kaniya.

"Daddy!" tawag ni Kianna at nagpakarga sa daddy niya. Ang sarap tignan nilang dalawa na ganyan ka-sweet. Hindi ko namalayan na ngumiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Lumingon sa akin si Sir. He smiled at me too.

Hala! Para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito. Bakit naman kasi ang gwapo mo sir? He has a killer smile, na makalaglag panty.

Para sa akin kaya ang ngiting iyon?

"Let's go?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako, parang hindi na ako makapagsalita sa titig ni sir sa akin.

Sa backseat niya ulit pinaupo si Kianna at pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot papunta sa driver seat.

Bago niya pinaandar ang kotse niya, sumulyap siya.

Nagulat ako ng lumapit siya sa'kin, iyong malapit na malapit. Hindi na ako humihinga ng may hinugot siya sa gilid ng inuupuan ko. Kala ko kung ano na, seat belt lang pala.

Ngumiti siya sa akin, parang namula yata ang pisngi ko, biglang uminit kasi.

Umalis na siya sa harapan ko at nag-start ng mag-drive. Nakahinga na ako ng maluwag dahil do'n.

Nakarating kami sa isang napakagandang bahay. Nasa labas pa lang kami, naririnig ko na ang tugtog sa loob ng kabahayan. May mga pumapasok din doon na mukhang mayayaman at may mga nakaparadang mga magagarang sasakyan.

Bumaba na kaming tatlo sa kotse. Hinawakan ni sir ang kamay ni Kianna at hinawakan din ni Kianna ang kamay ko. Para tuloy kaming isang pamilya.

Napangiti ako sa naisip.

The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon