CHAPTER 1
KRISTA
Kailangan kong maghanap ng trabaho para sa kinabukasan ng dalawa kong kapatid. Ako ang panganay sa aming tatlo kaya ako na ang magsisilbing magulang sa kanilang dalawa. Bente dos anyos ako ngayon, ang pangalawa kong kapatid si Krishna ay disiseis anyos at bunso naming lalaki si Kristof katorse anyos. Parehas silang nag-aaral sa high-school kaya kailangan kong magsikap na makapagtapos sila ng pag-aaral.
High school lang ang natapos ko,dahil hindi na kasi ako nakapag-college kasi namatay si Mama. Napagpasyahan ko nang tulungan na si Papa sa paglalako ng mais sa aming lugar sa probinsya. Pero ngayong wala na rin si Papa ay napagpasyahan ko nang tumungo dito sa maynila para sa mataas na sweldo.
Lahat kakayanin ko para sa kanilang dalawa.
"Ineng ito na 'yong address ng bahay na nakalakip diyan sa papel na hawak mo," sabi ni manong tricycle driver na nasa kwarenta na siguro ang edad.
"Ganoon ho ba manong, magkano po?" tanong ko sa kanya.
"Bente lang sayo ineng." Nakangiting sagot ni manong. Natuwa ako sa narinig.
"Naku! Maraming Salamat po manong ha ang bait niyo po!" Nakangiti kong sabi, malayo kasi ang byenahe namin ni manong pero kaunti lang hiningi niya.
"Walang ano man Ineng, galing ka pa bang probinsya?" tanong niya.
"Opo eh, ngayon lang po ako nakapunta dito sa maynila."
"Ah ganoon ba, sige mag iingat ka ha!" paalam ni manong. Ngumiti ako sa kanya.
Bumaba na ako at kumaway kay manong.
Nag-doorbell ako sa bahay kung saan ako itinigil ni manong, naghintay ako ng limang minuto bago bumukas iyon. Linuwa ng malaking gate ang isang may edad na, na babae na nasa singkwenta na siguro ang edad.
"Magandang araw po, ako po si Krista iyong kinuha ni tiya Selma na magbabantay ng bata," magiliw kong bati sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Sige kung ganoon, pumasok ka na, " mataray niyang sabi pero walang emosyon ang mukha. Linakihan niya ang siwang ng malaking gate at pumasok naman ako.Sobrang namangha ako sa ganda at sobrang laki ng bahay. Ang ganda rin ng garden nila.
Giniya niya ako papasok sa loob ng salas. Nang makaupo ako sa black na sofa, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Puti at gray ang kulay ng pintura ng bahay. Ang mga gamit ay ganoon din. Sobrang ganda lalo na ang malaking chandelier sa gitna ng salas. Para iyong mga brilyante na kumikinang.
"Sumunod ka sa akin," sabi no'ng babaeng nagbukas sa akin ng gate.
Kaya napatayo agad ako kasi mukhang masungit ang babae. Parang nagme-menopause. Natawa ako sa naisip.
Umakyat kami ng hagdanan at nakarating kami sa isang kwarto na may pink na pintura. Ang daming barbie dolls at stuff toys sa loob.
"Siya si Kianna ang aalagaan mong bata. Dalawang taon pa lang siya pero matalino iyang bata. Medyo mapili iyan sa nagbabantay sa kanya, kaya ikaw ang bahala kung mapaamo mo siya, " sabi niya sa akin na tinuro ang batang tulog sa malaking crib.
Tumango ako habang nakatingin sa batang payapang natutulog.
Napakagandang bata. Brown at curly ang buhok. Mauumbok ang pisngi, mahahabang pilik mata at kissable lips. Na-excite tuloy akong alagaan ang ganito kagandang bata.
"Siya nga pala ako si Amalia. Pagdating ni Sir Jandro mamayang gabi, kakausapin ka niya tungkol sa pag-aalaga mo kay Kianna," sabi niya na walang ekspresyon ang mukha.
"Okay po ate Amalia." Nakangiti kong ani. Akmang aalis na siya ng kwarto ng may naisip akong itanong sa kanya.
"Teka po, pwedi pong magtanong? Nasaan po ba ang Mommy ni Kianna?" habol kong tanong.
"Wala na siyang Mommy, at saka 'wag kang chismosa ha!" masungit niyang sabi. Para nagtanong lang ang sungit naman. Ani ko sa sarili.
"Ah ganoon po ba," malungkot akong tumingin kay baby Kianna.
Kawawa naman ng baby na ito. Katulad ko,wala na rin siyang Mama.
Napagpasyahan ko ng tumayo. Nagligpit ako ng kunti sa kwarto niya at inilibot ang paningin ko sa loob niyon na sobrang daming laruan at libro.
Malaki ang kwarto niya, parang kalahati na ng laki nito ang bahay namin sa probinsiya.
Napaisip ako. Bakit kaya ang mayayaman, iniiwan nila ang baby nila sa isang kwarto ng walang kasama? Sa amin kasi tabi-tabi lahat matulog kasi ganoon kami sa bahay noong nabubuhay pa ang mga magulang ko. Nagkibit-balikat na lang ako sa naisip.
Tulog pa naman siya kaya napagpasyahan kong ilagay muna ang gamit ko sa magiging kwarto ko.
Bumaba ako at hinanap si ate Amalia. Tatanungin ko siya kung saan ang magiging kwarto ko.
Naabutan ko siya sa sala na nagpupunas ng mga figurines na naroon.
Tumikhim ako kaya lumingon naman siya sa akin.
Ngumiti ako. "Ah ate Amalia, pwedi ko bang itanong kong saan ang magiging kwarto ko? Para mailagay ko na po ang mga gamit ko, " wika ko.
Umismid siya at itinigil ang ginagawa.
"Sumunod ka sa akin at ituturo ko sayo." Tumango lang ako at sumunod sa paglalakad niya.Nakarating kami sa isang pasilyo na may tatlong pinto. Binuksan niya ang unang pinto.
"Ito ang magiging kwarto mo," aniya at itinuro ang binuksan niyang pinto. Pumasok ako sa loob.
"Maiwan na kita dito, may gagawin pa ako ro'n," dagdag pa niya.
"Salamat po." Tumango lang siya at umalis na palabas ng kwarto ko.
Maayos ang loob ng kwarto at may mga gamit na sa loob. May kabinet, lamesita sa tabi ng single bed at may puting kobre kama iyon at dalawang unan. May salamin sa pader at isang maliit na pintuan, siguro ito ang banyo. Napangiti ako.
Sana maging maayos ang pagtatrabaho at pagtira ko sa bahay na ito. Ani ko sa sarili.
Napagdesisyunan ko ng ilagay ang mga damit ko sa kabinet para makabalik na ako sa kwarto ni Baby Kianna, baka magising na kasi iyon.
Pagkatapos kong mailagay ang mga damit ko ay lumabas na ako ng kwartong iyon.
May nakita pa akong isang babae at nagpakilala siyang katulong din dito. Pagkatapos ng pakikipagkilala sa kanya ay naglakad na ako patungong hagdanan at umakyat patungong kwarto ni Kianna.
![](https://img.wattpad.com/cover/274294444-288-k449806.jpg)
BINABASA MO ANG
The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED)
RomanceREAD THE FULL VERSION ON NOVELA, FAMEINK, STORY ON, DREAME AND MOBOREADER. BLURB Namasukan si Krista bilang yaya sa isang napakagandang bata. Hindi niya aakalain na napakasungit pala ng daddy nito na si Sir Jandro. Pero take note! Super hunk at sin...