CHAPTER 8

4.4K 89 1
                                    

"Sir! Krista! Iyak nang iyak si Kianna!" sigaw ni Sheila sa labas ng opisina.

Agad naman akong lumayo sa kanya.

"Kapag hindi na matutulog si Kianna, bihisan mo siya at ikaw rin. We're going out," sabi niya at tinalikuran na ako.

"Okay sir," dali-dali akong lumabas ng kwartong iyon, nasa labas si Sheila ng pinto, may sinasabi sana kaso tumakbo na ako at umakyat ng hagdanan papunta sa kwarto ni Kianna.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Kianna, naririnig ko na ang iyak niya. Binuksan ko ang pinto. Nakatayo na siya sa crib while crying. Lumapit ako sa kanya, nakitang kong ang daming luha ng pisngi niya, parang nadurog ang puso ko sa nakita. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Sorry baby, andito na si Yaya," alo ko sa kanya at hinalikan siya sa ulo. Humihikbi na rin siya, kanina pa siya siguro umiiyak. Parang naluluha tuloy ako.

"Mommy!" hiyaw niya habang umiiyak.

"Yaya is here baby, please stop crying," sabi ko sa mahinang boses, pinipigilan kong maiyak.

Ang ginawa ko, kinatahan ko na lang siya ng nursery rhyme na napanood namin sa TV habang isinasayaw siya. Tumigil naman siya sa pag-iyak.

"Skidimarink a dink a dink, skidimarink a doo, I love you!

I love in the morning and in the afternoon.

I love you in the evening and underneath the moon."

Oh skidimarink ka dink ka dink, I LOVE YOU!"

Pagkasabi ko ng last word ng kantang iyon saka naman sumulpot sa harapan namin si Sir kaya para tuloy sa kanya ko sinabi iyong word na 'I LOVE YOU!' . Sa kanya kasi ako nakatingin, bigla tuloy akong nahiya. At saka teary-eyed pa ako kaya tumalikod ako sa kanya para punasan iyon.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Sir sa akin.

Humarap ako sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata.

"Ah wala po sir, iyak lang po siya nang iyak kanina," sagot ko.

"Why did you cry?" tanong ulit niya habang nakatitg sa akin.

"H-hah? Wala naman po sir," sabi ko sabay punas ng mata. Tinitigan niya ako ng seryoso. Ganoon din ako tinignan ko rin siya, nakapagbihis na pala siya. Nakasuot na siya ng gray na sweater saka black na pants. Why so handsome naman sir?

He wrinkle his nose ng hindi inaalis ang titig sa akin.

Bigla kong na-realized na baka may muta ako kaya niya ako tinititigan! Hala! Pinunasan ko ulit ang mata ko pero wala naman.

"Bihisan mo na si Kianna, then after give her to me para makapag bihis ka na rin," sabi pa niya at umalis na ng kwartong iyon.

Nakatitig pa rin ako sa dinaanan ni Sir.
Bakit kaya ganoon makatitig si Sir? Ah alam ko na baka nagagandahan siya sa akin. Nagdiwang ang puso ko. Ang saya naman kung ganoon. Kaso malabo eh. Nalungkot ako bigla. Ayy ewan!

Binihisan ko si Kianna ng dress, nilagyan ko siya ng headband na may malaking ribbon at shoes na may ribbon din. Pagkatapos kung siyang ayusan, bumaba na kami.
Nakita ko si Sir nakaupo sa sofa sa sala. Lumapit kami sa kanya at binigay ko na sa kanya si Kianna.

"Magbibihis na po ako sir," paalam ko. Tumango lang siya at naglakad na ako papuntang kwarto ko. Bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko ay tinawag ako ni Shiela.

"Kris saan kayo pupunta nina sir?" Nakangiti niyang tanong.

"Hindi ko nga rin alam eh," blangko kong sagot at umiling.

"Parang family date siguro, parang buong pamilya lang ang peg besh. May Mommy, daddy at baby!" sabi niya na parang kinikilig. Pumalakpak pa siya na akala mo ay excited.

"Ewan ko sayo Sheila, yaya ako tandaan mo 'yan! Tigilan mo na iyan na Imagination mo," sita ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "Oh anong susuotin mo dapat maganda. Sandali, may bago akong damit. Ipahiram ko muna sayo. Bagay iyon sayo sandali lang ha. Kukunin ko muna," at tumakbo na siya papuntang kwarto niya. Hindi na ako nakapag protesta.

Bumalik siyang may dalang supot. "Oh bilis, magbihis ka na naghihintay na ang daddy!" Tinulak na niya ako papasok ng kwarto ko at siya na ang nagsarado ng pinto.

Pagkapasok ko, tinignan ko iyong binigay niya. Isang high waist denim pants at saka squared neck croptop. Parang naaalangan akong suotin ito, hindi kasi ako nagsusuot ng ganito,kaso baka magalit na si Sir. Matatagalan pa kapag naghanap pa ako sa cabinet, kaya sa huli ay sinuot ko na lang.

Nilugay ko na lang ang buhok ko at naglagay ng kunting polbos saka ako lumabas.

Pagkarating ko ng sala si Sheila agad ang nakakita sa akin.

"Wow! Ang ganda at saka ang sexy naman ni Best!" bulalas ni Sheila.
Nahiya tuloy ako ng tumingin din sa akin si Sir. Ito kasing si Sheila parang ewan.
Nakita ko tuloy kung paano ako hagurin ng tingin ni sir mula ulo hanggang paa saka lumunok. Bakit kaya? Nakakainis talaga! Pahamak kasi tong si Shiela.

"Okay let's go," aya na ni sir at kinarga ko na si Kianna at lumabas na kami ng bahay.

Binuksan ni Sir ang pinto ng kotse niya sa backseat at nilagay ang baby car seat yata ang tawag doon. Kinuha niya sa akin si Kianna at pinahiga ro'n. Sasakay na sana ako at uupo sa tabi ni Kianna nang magsalita si Sir.

"You'll seat beside me Krista," sabi niya at naupo na siya sa driver seat. Parang kinilig naman ako do'n, nagdiwang ang puso ko, dahil gusto niya akong makatabi? Natuwa ako!

Nawala ang ilusyon ko nang magsalita siya ulit. "Para niyo akong driver  niyan kapag umupo ka sa likod," seryoso niyang sabi. 

Umawang ang bibig ko. Gumuho tuloy ang imahinasyon ko. Binuksan niya ang pinto sa papasukan ko. Nag-aalangan man ay sinunod ko na lang ang sinabi niya.
Pero nag-aalala ako na baka umiyak si Kianna sa likod. Nilingon ko siya, naglalaro naman pala dahil hawak niya ang maliit na laruan na nakakabit sa car seat niya.

Akala ko pa naman kung gusto talaga akong makatabi ni Sir. Etchusera kasi, ayan tuloy nasasaktan. Humaba tuloy ang nguso ko at nalungkot.

The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon