CHAPTER 13

4.4K 75 3
                                    


LUMIPAS ang mga araw at naging normal ang lahat.

Busy lagi si Sir sa trabaho niya kaya hindi na kami madalas magkita. Pero para sa akin mabuti na rin 'yon kasi iniiwasan ko talaga siya.

Nagigising ako ng umaga nakaalis na siya. At saka kapag gabi naman natutulog na akong hindi pa rin siya dumarating.

Sobrang namimiss ko na siya. Minsan nga naiiyak na lang ako sa gabi dahil sa pangungulila ko sa kanya. Kahit ang pagsusungit niya namimiss ko rin.

Si Drew naman pumupunta rito sa bahay kung minsan, dinadalaw niya si Kianna at nakikipag usap sa akin. Magaan ang loob ko sa kanya kasi nga sobrang bait niya sa'kin.

Kinagabihan habang nilalaro ko si Kianna. Dumating si Sir. Himala ang aga niya yata ngayon? Kasunod niya si Drew na may dalang gitara.

"Hey Dude! What are you doing here?" seryosong tanong ni sir kay Drew.

"Ah Bro, I'm here to visit Krista. Is it okay with you?" he asked to Jandro. He look at me and smiled. I smiled back.

"Sure," tipid niyang sagot kay Drew. Tumingin muna sa'kin si Sir bago umakyat sa itaas.

Nag-usap kami ni Drew hanggang sa makatulog si Kianna sa kandungan ko. Nagpaalam muna ako sa kanya na ipapahiga ko lang si Kianna sa kwarto niya. Tumango naman siya.

Ipinaghele ko pa si Kianna para siguradong diretso na ang tulog niya. Pagkatapos kong mapatulog si Kianna sa taas ay bumaba ulit ako at pumunta kay Drew.

"Sorry ha, natagalan ako. Ipinaghele ko pa kasi si Kianna eh," paliwanag ko.

"Okay lang, pwedi bang doon na lang tayo sa labas. Sa garden na lang tayo mag-usap," ani Drew.

"Sige," pagsang ayon ko at naglakad na kami palabas ng bahay at naupo kaming dalawa sa garden.

"Krista, I want to sing for you," sabi pa niya sa akin. Tumango ako.

"Sige!" excited kong sabi. At nag-start na siyang magstrum ng gitara.

Ang sarap mong magmahal by Night shift. Ang kinanta niya.

Kung malayo ka sa akin
Hinahanap-hanap kita
Di ko alam ang aking gagawin
Laging laman ng isip ko'y ikaw

Marinig lang ang boses mo
Umaapaw sa tuwa ang aking puso
At sana'y lagi tayong magkasama
Mababaliw ako pag nawalay ka

Ang sarap mong magmahal
Napakalambing mo
Yan ang hinahanap ko
Ang sarap mong magmahal
Napapawi ang problema ko.

Ang ganda ng boses ni Drew!

"Ang galing naman!" Masaya kong sabi at pinalakpakan siya.

"Thank you, nagustuhan mo ba?" tanong niya.

"Siyempre naman. Hindi ko nga alam na may talent ka pala mag gitara at kumanta eh," ani ko.

"Actually bago kami naging business man ni Jandro meron kaming banda sa campus namin no'ng college, bale five members kami. Si Jandro ang vocalist ako naman ang leadguitarist. Pero si Jandro magaling din siya sa lahat ng instruments," kwento niya. Natuwa ako sa narinig. Parang na-excite ako sa nalaman kong 'yon tungkol kay Sir Jandro.

"Talaga? Bakit hindi niyo pinagpatuloy ang pagbabanta? Sa tingin ko magaling ang grupo niyo, kasi magaling ka, eh. "

"May mga sarili na kasi kaming mundo na dapat naming asikasuhin, lahat may sari-sariling kompaniya na dapat patakbuhin. Kami na lang ni Jandro ang nandito Pilipinas iyong tatlo kasi nasa ibang bansa na," kwento niya. Nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. Ano kaya kung nakita ko na si Sir dati na kumakanta sa banda, siguro ma-i-inlove na ako sa kanya.

"Drew," tawag ko sa kanya.

"Bakit?" tanong niya.

"Kilala mo ba ang mommy ni Kianna?" Pag-iiba ko nang usapan.

"Ah, hindi eh. Nasa America ako no'ng time na nagkaroon ng girlfriend si Jandro at nang magkaanak sila. . .wala ako sa posisyon na magkwento Krista pero ang nalaman ko, naging katulong niya dati ang mommy ni Kianna hanggang sa magkagusto siya do'n at nagkaroon nga sila ng anak, pero pagkapanganak daw kay Kianna ay iniwan na siya kay Jandro dahil sumama raw iyong babae sa iba," mahabang kwento ni Drew.

"Gano'n ba, nakakaawa naman pala si Kianna. Dapat mommy niya ang nagbabantay sa kanya eh, hindi ang katulad ko," malungkot kong sabi kay Drew.

"'Wag kang magsalita ng ganyan Krista. Napakabait mo kay Kianna at proud ako sa iyo dahil magaling kang mag-alaga sa kanya," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang magkahawak naming kamay at tumingin ulit sa kanya.

"Salamat Drew, pero para sa akin kung ako ang magiging ina, gusto kong maging hands on mommy, mas maganda pa rin ang pag-aalaga ng tunay na ina 'di ba?" paliwanag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Alam mo, napaka bait mo." At pinisil ang pisngi ko. "Weh? Nababaitan ka sa'kin?" biro kong tanong.

"Oo nga! At saka maganda pa." Namula ako sa sinabi niyang iyon, buti na lang at gabi na. Hindi niya iyon makikita.

"Krista, now you know now kung bakit laging masungit at bitter ang amo mo." Tumatawa niyang biro.

"Oo nga eh," sagot ko at biglang nalungkot.

Bumigat ang dibdib ko sa nalaman tungkol sa Mommy ni Kianna. Nakakaawa naman si Kianna, pero mas lalo siguro kay Sir dahil nasaktan siya dahil sa panloloko sa kanya.

Natapos ang usapan naming iyon ni Drew. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate. "Bye Drew mag-iingat ka!" Nakangiti kong paalam sa kanya.

"Goodbye  Krista and Goodnight! Thank you for giving me time to chit-chat with you."

"Walang anuman, goodnight!" paalam ko at umalis na siya sakay ng kotse niya.

Pagkasara ko ng gate ay nagulat pa ako ng nasa harapan ko na si Sir Jandro. "S-sir!" nagulat kong sabi.

Madilim ang tinging pinukol niya sa'kin.

"Did you enjoy in Drew's company?" he asked in a dangerous tone. Nagulat ako sa way ng pagkakatanong niyang iyon.

"H-ha? Bakit po sir, may problema po ba?" takang  tanong ko sa kanya.

"Yes! because I don't want you to be near to any men even to Drew! " He said it with authority in his voice. Inuutusan niya ba ako? Nakaramdam ako ng inis sa kanya.

"Bakit niyo nasasabi 'yan Sir? Wala kang karapatan na diktahan ang dapat kong gawin sa buhay ko at kung sino ang gusto kong kausapin. At saka labas na kayo sir sa personal ko na buhay," matapang kong tugon.

"Bakit gusto mo na ba si Drew?! Huh!" Sarkastiko niyang tanong. At lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang magkabila kong braso.

"Sir nasasaktan ako," pagmamakaawa ko na sa kanya pero hindi niya ako binibitawan.

"I don't care!" sabi pa niya.

Sa inis ko dahil hindi niya ako binitawan nasabi ko ang hindi dapat.

"Oo gusto ko na si Drew, bakit may paki ka ba!?" matapang kong sagot.

Natigilan siya. Medyo lumuwag ang kamay niya sa braso ko. Nakita ko ang pait na dumaan sa mga mata niya. Kunting minuto lang ang lumipas at umalis na siya sa harap ko at pumasok na sa loob ng bahay. Gusto ko man siyang habulin, pero 'di ko magawa.

Naiwan akong natigilan. Nakonsensya ako sa nasabi ko sa kanya. Nasaktan ko siya.

Tumulo na lang bigla ang luha sa aking pisngi. Nalilito ako sa pinapakita niya sa akin. Hindi ko malaman kung mahal niya rin ba ako. Nagseselos ba siya kay Drew? Bakit hindi niya masabi sa akin? Nahihirapan na ako. Sa nararamdam ko para sa kanya at sa sitwasyon naming dalawa.

Matagal akong nakatulog nang gabing iyon. Iniyakan ko ang pangungulila ko kay Jandro. Nasa harapan ko na siya kanina pero hindi ko man lang siya mahawakan at mayakap. Galit pa siya sa akin.
Hindi ko alam kung anong oras akong natulog ng gabing iyon, basta ang alam ko lang natulugan ko na ang pag-iyak.

The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon