CHAPTER 2
Tumayo ako sa kinauupuan ko ng makitang gumalaw si baby Kianna.
Nakaupo na siya sa kanyang crib habang nagpupungas ng mga mata gamit ang maliliit niyang daliri.
"Hi baby Kianna! Ako na ngayon ang bago mong yaya!" bulalas ko sa kanya, ngumiti ako sa kanya at lumapit.
Tumayo siya at humawak sa railings ng kanyang crib.
"Mommy!" Tawag niya sa akin. Kaya dali-dali ko siyang kinarga. Nanggigil talaga ako sa kanya. Super cute!
"No baby, I'm not your mommy. Pero sure ako, kasing ganda ko ang mommy mo." Natatawa kong sabi.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Naipikit ko ang aking mata. Para akong kinomfort ng haplos niya.
"Halika na baby punta na tayo sa baba, kailangan mo ng kumain, yehey!" Panggaganyak ko sa kanya.
She clap her hand gleefully.
Kung magkakaanak ako sana ganito ka-cute. Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan si baby Kianna.
Pakarating namin sa kitchen.
"Baby let's wash your hands first before you eat ha." Hinugasan ko na ang kamay niya.
"Wash...wash," kanta ni Kianna.
"Yes baby wash, para malinis ang kamay."
Linagay ko siya sa highchair niya at kinuha ang steamed vegetables na niluto ni Shiela. Katulong din siya rito, siya iyong tagaluto at tagalinis ng bahay. Nakita ko siya kanina pagkatapos kong magligpit sa kwarto ko.
Nilagay ko ang mga gulay sa maliit niyang plato at nilagay sa harap niya kasama ang spoon niya.
Nakita kong umiling siya.
"No!" she shouted.
"Bakit baby? Masarap ito at saka masustansya," masigla kong ganyak sa kanya habang sinusubuan siya.
"No!" she shouted again.
Hayy paano ba ito? Anong gagawin ko para mapakain ko siya?
May naisip ako!
Ini-slice ko ang sayote ng dalawang bilog saka linagay ko ang karrots para magmukhang ilong tapos may nakita akong saging sa counter table kaya kumuha ako ng isa at ginawa kong bibig. Ayan tapos na!
"Hey baby, look at this. This is a face. May eyes, nose and mouth. Eat ka na!" masigla kong sabi.
She clap her hands. At nagsimula na siyang kumain. Pagkaubos niya ay nilagyan ko siya ng cereals sa plato niya at naubos niya rin iyon.
Kukuha na sana ako ng tubig nang makitang naroon pala si Shiela at saka si ate Amalia sa hamba ng kusina.
"Hi sa inyong dalawa!" masaya kong bati.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Ate Amalia at saka umalis. Si Shiela naman ngumiti sa akin.
"Alam mo hindi ganyan si Kianna sa mga nakaraang yaya niya," si Shiela.
"Talaga? Bakit? Okay naman siya ah. Malambing na bata," paliwanag ko habang pinapainom ng tubig si Kianna.
"Hindi siya napapakain ng gulay o prutas. Ang galing mo magpaamo sa bata, tingnan mo napaubos mo iyong niluto ko," mahaba niyang sabi.
"At saka alam mo ang ganda mo, ano nga ulit pangalan mo?" puri niya sa akin.
"Krista ang pangalan ko. Naku! 'Wag mo naman akong biruin ng ganyan Shiela. Bibigyan kita ng limang piso niyan," biro ko pa, sabay lagay ng buhok ko papunta sa likod ng tenga. Nag-pabebe kumbaga.
Nagtawanan kaming dalawa.
"Totoo naman talaga! Asan na ang limang piso ko, ibibili ko ng gluta para gumanda rin ako," sabi pa niya.
"Naku hindi na kailangan, maganda ka na eh," ani ko.
"Salamat ha! Pangalawa ka sa nagsabing maganda ako. Si nanay at saka ikaw. Simula ngayon best friend na kita Krista ha?" nakangiti niyang sabi.
"Sige ba. Pero bakit naman? Siguro mga bulag sila noh at hindi nila makita ang kagandahan mo?" Sa katunayan maganda rin si Shiela, hindi siya kaputian pero makinis ang balat at may maamong mukha.
"Tama ka diyan Best!" pagsang-ayon niya. Nagtawan lang kaming dalawa.
JANDRO
Amalia told me that the new yaya was in the house. I fired so many yaya for my little princess, because all of them are attractive to me. Gustong-gusto nilang inaakit ako pero I don't like them. They are trash, a gold digger like the mother of my princess. Oh damn! I don't want to remember that bullshit!
It's seven o'clock . So I decided to go home early.
Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay bumukas agad ang gate. Kasi automatic ang gate ng bahay ko. Pero kapag kotse ko lang saka iyon bumubukas, there's a CCTV installed, thats why.
Pagkapasok ko, wala si Manong Anton, ang guard namin.
Hindi ba siya pumasok? Pero walang pasabi. I thought.
Pagkababa ko ng kotse. Naglakad na ako papasok. Nakita kong nasa pinto ng bahay si Mang Anton, nasa singkwenta na siya.
Ano kayang ginagawa niya? Parang ang saya-saya ng pinapanood niya basi sa nakikita ko.
"Mang Anton," tawag ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng lumingon siya sa akin."Sir, ikaw po pala, good evening po! Pasensya na po. Babalik na po ako sa gate." Nakayoko niyang sabi.
"Ano hong tinitignan niyo diyan?" sumilip ako, then I saw my princess dancing with her...beautiful yaya.
Napatigil ako sandali at tinitigan silang dalawa. Nanood sila ng nursery Rhymes at sinasabayan ang kanta at sayaw.
"Old mc Donald had a farm E I E I O!" They sang happily. While my baby is dancing and singing too.
Pati ang yaya ay parang ang sarap tingnan. Nakakadala ang mga ngiti niya sa ginagawa niya. Naramdaman ko na lang na ngumiti ako.
Pinilig ko ang aking ulo. Tsss! Ano bang iniisip ko? Protesta ng isip ko.
Pare-pareho lang naman silang mga basura! Kaya binalingan ko si Manong Anton.
"Sandali lang ho Mang Anton!" tawag ko, kaya lumapit siya sa'kin.
"Dahil lang sa nakita niyong sumasayaw iyong bagong yaya ni Kianna, iniwan niyo na ang gate?" inis kong sabi.
"Pasensya na ho kayo sir." Nakayoko niyang paumanhin.
"Sa susunod ayoko na pong maulit ito, paano na lang kong may pumasok ng hindi niyo namamalayan?" nagpipigil sa inis kong sabi.
Hindi na siya umimik.
"Sige na, bumalik na po kayo roon." At naglakad na siya papuntang gate.
Pumasok na ako sa loob. Ganoon pa rin ang dalawa.
I cleared my throat to get their attention.
Lumingon sa'kin ang dalawa. Kianna ran towards me. I lowered down to kiss the cheek of my princess.
"Daddy!" she called me and hug me with her little arm. Nawawala ang pagod ko dahil sa kanya.
I looked up. Then I saw her new yaya smiling at me.
"Mommy!" she said pointing her yaya.
Tsk! Pati bata, tinuruan niya agad na tawagin siyang mommy. Ilusyunada!"No baby, I'm your yaya," paliwanag niya kay Kianna na nakangiti.
Binaling niya ang tingin sa akin.
"Good evening sir!" masayang anito at lumapit sa akin. "Ako po si Krista sir, ang bagong yaya ni Kianna.""I know. I will talk to you later," I said coldly, binigay ko sa kanya si Kianna. Then I kiss my princess before I go upstairs.
BINABASA MO ANG
The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED)
RomanceREAD THE FULL VERSION ON NOVELA, FAMEINK, STORY ON, DREAME AND MOBOREADER. BLURB Namasukan si Krista bilang yaya sa isang napakagandang bata. Hindi niya aakalain na napakasungit pala ng daddy nito na si Sir Jandro. Pero take note! Super hunk at sin...