"Cargas, Lipa at Alfonso University hali na kayo at isahan na ito. May lima pang bakanteng upuan dito."
Sigaw nang konduktor nang jeep na nasa kanto kaya agad akong tumakbo nang mabilis para makakuha pa nang puwesto. Ito ang palaging eksena ang naabutan ko sa araw-araw kaya palagi akong nala-late sa first subject namin. Algebra pa naman ang first subject namin sa umaga at pag minamalas ka nga naman ay ang prof pa namin na pinanganak na may kakambal na galit sa mundo ang naging professor ko. Galit sa mga estudyanteng late pero pag sila naman ang late ay okay lang sa amin.
Paano ba naman ako hindi malalate sa araw-araw eh ang usapan namin nang bwesit kong alarm clock ay 6 a.m niya ako gi-gisingin pero ang ending ako pa pala ang gigising sa kaniya. Alas siyete na nang umaga pero mahimbing parin ang tulog nang alarm clock ko. Ang galing, sana sinabi niya sa akin na puyat pala siya para ako na ang nag-adjust. At sana man lang ay alam niya ang pakinabang niya sa buhay ko no.
Sumakay na ako nang jeep na nasa kanto at mabuti naman dahil may puwesto pa kaya nakaupo ako nang maayos. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at muntik ko na mabato ito nang makitang alas 7:25 na nang umaga at 7:30 ay ang umpisa nang klase namin sa Algebra. Imbyerna pa naman ang prof namin sa akin dahil palagi akong late sa klase nito araw-araw.
Pahamak talaga tong alarm clock ko sa bahay eh. Pag ako talaga napadalhan nang allowance nang mga tita ko ay number 2 ko talaga sa shopping list ko ay ang alarm clock. Papalitan ko talaga ang alarm clock na iyon. Syempre number 1 padin ang bigas at pagkain no. Baka kasi matuluyan na akong matulog habang buhay dahil sa gutom pag inuna ko pa ang alarm clock.
"Kuya hindi paba aalis to?" tanong nang isang pasahero na katabi ko kaya napalingon sa kaniya ang konduktor nang jeep. "Hindi pa, may dalawa pang bakanteng upuan." sagot naman nang konduktor at binalik ang atensiyon sa paghahanap nang pasahero.
Eto rin ang isa sa mga dahilan kung bakit palagi akong late araw-araw dahil hindi aalis ang sinasakyan kong jeep kapag hindi ito napupuno nang pasahero. Kailangan talaga mapuno nila ito bawat kanto na hinihintuan nila oara madami ang kita. Pero kaming mga pasahero siyempre hintay-hintay din kung kailan ito aandar. Baka kasi ma-imbyerna ang konduktor at bugbugin kaming pababa nang jeep nito kapag nag-complain kami. Akala naman nila na wala silang pasaherong estudyante dito at akala nila ay walang kaming mga sariling schedule na sinusunod.
Maya't maya ay may sumakay nang dalawang pasahero kaya umandar na ang sinasakyan kong jeep. Hindi rin ako sigurado kong makakapasok paba ako sa first subject ko kahit alam kong late na late na ako ngayon. Dagdag mo pa na 20-25 minutes pa naman ang byahe mula sa amin papuntang University na pinapasukan ko.
Bachelor in Hospitality and Hotel Management or BHHM ang kinukuha kong course ngayon. Sa totoo, lang di ko alam kong sure ba ako sa kinuha kong kurso at di ko rin alam kong bakit ko kinuha ang kursong ito.
Basta ang sabi nang iba ay madali raw ako makakakuha nang trabaho kapag Hotel Management ang kinuha ko dahil marami na ngayon mga Hotel sa buong mundo. Madali ka raw maka-kapasok kapag may diploma kang pinatakita ma graduate ka sa kursong iyan at kung naka internship kana raw or fully experienced.
"Alfonso University lang po kuya."
Pag para ko nang mapansin na malapit na kami sa University na pinapasukan ko. Mga tita ko ang nagpapa-aral sa akin dito at sila din ang nagbibigay nang allowance sa akin araw-araw pero minsan hindi sila nakapag-papadala sa akin tulad ngayon at nuong nakaraan na buwan dahil may mga sariling pamilya din ito kaya ako nalang minsan ang nagdi-diskarte para makahanap nang pera panggastos araw-araw.
BINABASA MO ANG
Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)
Teen FictionWhat if ang taong inakala mong siya ay di pala. What if kung nagpapanggap lang pala siya? Mamahalin mo parin ba siya? Tatanggapin mo parin ba siya? This is the story of Kristine Lico and Trek Sean Vallarde. This story witness how these two person me...