Cʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜʀᴇᴇ

4 2 0
                                    


"Hi bestfriend."



Tawag sa akin ni Trex nang makalapit sa siya table namin at nakita ko kung paano nag bago ang mukha nang mga babaeng kilig na kilig kanina. Mukha sila ngayong mga babaeng pinagbagsakan nang langit at lupa at di makapaniwala sa narinig na pagtawag ni Trex sa akin nang bestfriend.



Well kilala rin si Trex sa buong campus namin na babaero o maraming babae at di sila siguro makapaniwala na may kaibigan itong babae na tinatawag na bestfriend. At tsaka mukhang bago pa lang ang mga babaeng katabi namin dito na tumambay kaya di nila alam na parating sumasama si Trex sa table namin araw araw.



Tinaasan ko sila nang kilay nang makitang paano sila umasa kanina. Gusto ko sila pikunin at laitin. Oh diba? Humopia kayo no? Umasa kayo? Diba? Feelingera kasi.



Napairap ang mga ito sa amin at bumulong sa isa't isa. "Di naman sila magaganda. Makikinis lang yung mga balat nila but they are not beautiful like us. Mga ambitous frog." bulong nang mga ito sabay tingin sa amin.



Bulong lang daw pero dinig na dinig ko mula sa pwesto namin. Kami pa talaga ang ambisyosa ha? Sige, kami ang mga ambisyosa pero kayo ang mga frog sa ambitious frog.



Oo tama ang nadinig niyo na tinawag akong bestfriend ni Trex. Sa totoo lang di ko talaga alam kung bakit niya ako naging bestfriend. I mean nagsimula lahat nang yun nung first year ko dito sa Alfonso University.



Science class ko nung time na yun at magkaklase din kami and seatmate pa. May ginagawa kaming expirement about sa chemical reaction that time at sabi nang prof namin ay p-present namin daw yun sa harap. Tapos na yung akin samantalang yung sa kaniya ay hindi pa nasisimulan dahil hindi niya raw naiintindihan ang instructuon na sinasabi nang prof namin. Dahil siya ang nakabunot nang number 3 na mag peperfom ay dali-daling kinuha niya ang akin dahil mag-seatmates kami at ipinakita sa mga kaklase namin na parang bang siya ang gumawa.



Tapos ang ending ako pa pala ang walang score nuong time na yun. Bilib na bilib pa nuon nga ang prof namin sa kaniya dahil kuhang kuha raw nito ang instruction. Ito naman si Trex ay todo pasalamat na akala mo naiintindihan ang mga pinangsasabi nang prof namin.



Grabi ang inis ko sa kaniya simula nang  araw na iyon. Gusto ko siyang sakalin, saktan at suntukin pero di ko magawa dahil baka paalisin ako sa school nang lolo niya. Ang naiisip ko lang na paraan paano ako makaganti sa kaniya nuon ay ipakulam siya pero di ko nagawa dahil sabi niya sa akin ay araw araw niya akong ihahatid pauwi bilang kapalit nang ninakaw niyang grades sa akin.



Which is okay naman dahil makakatipid na ako nang pamasahe pauwi pero ma-issue lang talaga ang mga students dito at sinasabing isa raw ako sa mga babae ni Trex. Pero sa totoo lang din siya lang talaga ang nagsasabing mag bestfriend kami kahit ayaw ko sa kaniya.



Una dahil babaero ito at baka isipin nang ibang students na kapag magkasama kami ay one of the girls niya ako at naglalandian kami o may ginagawang kababalaghan. Ma-issue pa naman ang mga students dito na patay na patay kay Trex. Hindi ba nila alam na babaero yan?



Pangalawa ay napaka-hangin niya at pinagkakalat niya sa buong campus na ubod raw siya nang kagwapuhan at nang umulan raw nang kagwapuhan ay nandun daw siya sa langit, sumasayaw at isa daw siya sa mga nagpapaulan nuon dahil umaapaw na ang kapogian nito.



Oh diba? Napaka-hangin? Sa sobrang hangin niya ay tuluyang pumasok na ito sa utak niya. Di ko talaga alam bakit nagustuhan siya nang mga babae dito sa school namin kahit alam nila na babaero ito at mahangin ito. Sa lahat nang babae dito sa school at mapa pusong babae ay kami lang ata ni Jes ang di nagkakagusto sa lalaking to. Siguro? Ewan ko lang din sa isang to.



Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon