Mabilis natapos ang araw ko dahil wala naman masyadong klase dahil iba sa mga teacher namin ay nanduon padin sa seminar. Matataas naman ang mga score na nakuha ko sa mga exams ko kaya goods nayun.
Total tapos na ang klase ko at wala naman akong gagawin dito sa loob nang university kaya naisipan ko nalang umuwi nang maaga. Di rin makakasabay sa akin si Jes dahil may meeting sila sa music club nila pagkatapos nang last subject nila kaya ibig sabihin ako nalang mag isa ang uuwi.
Naglakad-lakad nalang ako mag-isa papuntang main gate. Mukhang may practice si Trex kaya hindi ako siguro makakasabay sa kaniya. Sayang naman at di ako makaka-save nang pamasahe ngayon. Pero okay nalang din yun kasi nahihiya na ako na palagi na niya ako hinahatid pa uwi. Baka isipin nang ibang tao na girlfriend niya ako at may hatid sundo pang nalalaman. Lalabas na sana ako sa gate nang may tumawag at may kunalabit sa akin.
"Kristine sabay kana ulit sa akin."
It was Trex at naka-porma pa ito ngayon. Hindi ito naka basketball attire at di rin naka school uniform. Akala ko ba hindi pwedi pumasok ang mga hindi naka uniform? Well I mean pwede naman pumasok kung Friday at Saturday but Tuesday pa lang ngayon. Sabagay sa kanila rin pala ang school na to kaya malaya niyang gawin ang lahat nang gusto niya.
"Akala ko ba may training kayo? Bakit nandito ka?" tanong ko sa ka kaniya. "A-hmm nagpaalam ako kay coach. M-may kukunin lang ako sa bahay." napaiwas ito nang tingin sa akin.
Napatango nalang ako sa sinabi niya. "Pero ba't naka porma ka? Iba na pala uniform nang mga basketball player ngayon? Naka fitted jeans na? At may shades pang nakasabit sa polo, ha."
"A-ahhm may pupuntahan kasi akong party pagkatapos. Alangan naman na pupunta ako duon na naka basketball attire diba? N-nag paalam na ako kay coach." nauutal na dagdag nito kaya napatango nalang ulit ako.
Ngayon ko lang din napansin na iba naman ang pabangong ginamit niya ngayon. Mas mabango kaysa mga pabango na ginagamit niya nuon. Ganun ba karami ang mga perfume niya?
"Sabay kana sa akin. A-ahmm pauwi na rin kasi ako." he grabbed my wrist without my consent at nauna nang naglakad habang bitin-bitin ako.
Ramdam ko na nakatingin ang mga ibang estudyante sa gawi namin at mukhang hinuhusgahan ako kaya sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa kaniya pero masyadong mahigpit ang pagkahawak nito.
"A-ahmm Trex ang kamay ko. Baka may plano kang bitawan? Baka lang naman kasi." sabi ko sa kaniya pero di niya ako pinansin at dere-deretso lang ang paglalakad nito.
Hatak-hatak niya ako ngayon papunta sa kung saan at ngayon ko lang napansin na tinatahak namin ang daan papuntang parking area nang university. Nang nakita na niya ang kotse niya ay pinagbuksan niya ako nang pinto na labis na ikinagulat ko. Gentleman na siya ngayon? Eh nuon nga di pa ako nakakaupo ay pinapaharurot na niya ito nang mabilis sabay tawa. Pero ngayon may pabukas na siya nang pintuan na nalalaman. Anong nangyari? May lagnat ba siya ngayon? Magkasama naba sila ni Jes sumisinghot nang katol?
Nang makapasok siya sa loob ay agad niya itong pinaandar palabas nang university. Napansin ko rin na iba ang sasakyan na ginagamit niya ngayon kumpara sa sasakyan niya kahapon. Iba din talaga pag pinanganak na mayaman ang isang tao no? Pa-palit-palit nang sasakyan o mga bagay na gusto nila samantalang ako pacommute-commute lang.
Pero napatigil ako nang makitang mali ang daan na tinatahak namin. Wait parang may mali. Teka lang haha-tid niya ba ako sa amin? Pero hindi ito ang daan papunta sa amin? Dapat sa kaliwa kami dadaan pagkalabas nang University pero bakit kumanan siya? Pagkalabas kasi nang university ay dapat pakaliwa ang daan papuntang bahay namin pero dumiretso ito nang kanan at papunta ito sa syudad nang Cargas.
BINABASA MO ANG
Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)
Novela JuvenilWhat if ang taong inakala mong siya ay di pala. What if kung nagpapanggap lang pala siya? Mamahalin mo parin ba siya? Tatanggapin mo parin ba siya? This is the story of Kristine Lico and Trek Sean Vallarde. This story witness how these two person me...