Cʜᴀᴘᴛᴇʀ ғɪᴠᴇ

2 0 0
                                    

"Please welcome, the Philippines King of Hearts, Erico Pablo."



Nagsisigawan ang mga ibang studyante na nandito sa covered court ngayon at kasabay nun ay ang paglabas nang isang artisang nangangalang Erico Pablo. Kumanta ito kaya kilig na kilig at tiling tili ang mga ibang studyante na nandito ngayon sa loob.



Ngayon ay ang Seniors Week namin at dahil wala kaming mga pasok ay pinayagan kaming hindi mag uniform muna sa loob nang isang linggo. I am wearing a simple green t-shirt at may rose na design ito sa harap, blue tattered pants at white na rubber shoes.



We are now here gathered in the covered court at tinipon kami dito para daw i-announce ang opening nang aming Seniors Week. Well honestly, puro tilian lang pala and sisigawan ang maririnig mo dito at mas mabuti nalang pala sana ay nagpahuli nalang ako kanina at pinatapos ko nalang ang pa opening program nila.



Sa tingin ko nga ay mabibingi ako dahil sa kakasigaw nila sa iisang tao. Sabagay sikat na artista naman yun kaya di mo rin naman mapigilan sumigaw at kiligin kapag kumanta ito. Lalo't lalo na maraming fans club itong si Erico. Wow, first name basis. Well, wala naman kayong pakialam dahil story ko to.



"Hi fren. Kanina kapa dito?"



Biglang lumitaw sa harapan ko si Jes na nakangiti sa akin na parang tanga. Napatulala pa ako sa kaniya hindi dahil sa ganda niya kundi sa suot nito.



"Fren sino tayo ngayon? Anong nangyari sayo? Di mo sinabi na ikaw pala ang nawawalang kasapi nang minions? Wala kana ba sa shooting nang Despicable Me?" sabi ko sabay tingin mula ulo hanggang paa nito.



As in literal na kulay dilaw lahat nang suot niya. Mula sa kulay yellow na T-shirt, papunta sa dilaw na stretchable pants hanggang sa rubber shoes nito na kulay saging.  Dagdag mo pa na ang buhok nito ay naka-ponytail at hinati sa may gitnang ulo na may kasama ring pangtali na kulay yellow rin.



"Anong meron sa padilaw natin ngayon? Araw ba ngayon nang mga hinog na manga? Sinong pumitas sayo at nagdala dito? Mabuti nalang talaga at maputi ngipin mo at hindi rin dilaw, no? Baka isipin nila kasi na boyfriend mo si Bumblebee." sabi ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.



Halos pinagtitinginan na siya nang ibang mga studyante dito dahil sa suot niya pero samantalang ang iba ay busy parin sa tili at pagsisigaw sa kumakantang sa stage. Well di ko naman sila masisi dahil literal na mapapalingon ka talaga kapag makikita mo ang suot nito na mala bumblebee.



"Alam mo wala kang kasupport-support sa akin. Kaibigan ba kita? Maganda kaya ang suot ka ngayon. Do you know that yellow symbolizes intelligence? Kaya shut up ka nalang dahil matalino ako ngayon. Palibhasa inggit lang kayo." sabi nito at ipinagmamalaki pa ang damit sa mga estudyanteng naki-kidaan sa amin.



"Sino naman ang maiingit sa suot mo? Jusko fren, mukha ka ngang saging diyan eh." pero inirapan niya lang ako ulit at nakitili nalang kasabay ang ibang mga estyudyante na nandito sa covered court ngayon.



Di ko alam kong bakit yellow ang color of the day niya ngayon pero nakakatawa lang talaga tingnan na makita na ito ang suot-suot niya hanggang mamayang hapon. Maganda si Jes pero minsan may pagka- out of the world siya na ugali. Yung tipo siya lang ang nakakaintindi at iba ang gusto niya kumpara sa mga karaniwang tao. Ewan ko lang pero mukhang mas maliwanag pa tingnan ang damit niya kaysa naman sa kinabukasan ko.





Natapos narin ang pa-opening program nila kaya nagsilabasan na rin ang mga ibang studyante na nasa loob at pati narin kami. At dahil Seniors Week nga ngayon ay maraming booth kaming nadaanan. Malamang puro naglalandian na mga magjowa ang laman nang booth na nada-daanan namin. Picture duon at picture dito tapos sabay post sa FB with caption na "My Forever" eh maghihiwalay din naman.



Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon