February 12, 2010
Dumangas, Iloilo Philippines
MATATAG ang ekspresyon sa mukha na ipinagpatuloy ni Minah ang paghakbang papasok sa loob ng sikat na boutique shop na iyon. Malayo pa kanina nakatanaw na sa kanya ang lalaking nakatayo sa gilid ng watches display.
Si Juan Miguel Fuego.
Madali niya lang nakuha ang cellphone number ng lalaki. Diana resigned from her job pagkatapos ng kumprontasyon nito sa lalaki nung nakaraang araw. Umahon ang pagdududa niya kaya inalam niya kung sino ang may-ari ng bahay bakasyunan na pinagtatrabahuhan nito.
Hindi nga siya nagkamali, the property was owned by Juan Miguel's friend at marahil ay hindi iyon alam ng ina nung umpisa kaya excited pa nitong tinanggap ang trabaho.
Ang kaibigan mismo ni Juan Miguel na si Bernardo Reyes ang nakasagot ng tawag niya. Ibinigay ng lalaki ang cell phone number ni Juan Miguel matapos niyang magpakilala.
Nang tawagan niya si Juan Miguel, she told him she wanted to meet him at hindi nga nagsayang ng sandali ang lalaki. He sounded excited and happy.
Ipinagpaliban nito ang flight pauwi ng Maynila ng araw na iyon at nagdesisyong makipagkita sa kanya sa lugar na siya din mismo ang namili.
Araw ng Sabado kaya walang pasok sa eskwela pero kinailangang tumakas ni Minah kay Diana dahil aabutin din ng ilang oras na biyahe mula sa Dumangas papunta sa siyudad.
Blangko ang ekspresyon sa kanyang mukha at nakakrus ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib nang huminto siya sa harap ng may edad na lalaki.
"Kumain ka na ba? May mga restaurant sa ibaba," Juan Miguel asked, searching her face. May pakiramdam siyang nagpipigil itong abutin siya at yakapin.
"Eighteen years, hindi ka naman siguro mamumulubi kung sisingilin kita kahit papaano sa naging pagkukulang mo sa 'kin," sa halip ay sabi niya. Nakatingin siya dito nang deretso sa mata.
Bahagya namang lumamlam ang mga mata ni Juan Miguel nang mahimigan ang talim sa boses niya.
"Pick everything you want, hija," anito sa malumanay na tinig.
Longing - it was the best word that would describe the way Juan Miguel was looking at her. Too bad, nakatatak na sa utak niya na ito ang dahilan kung bakit madami siyang pinagdaanang hirap simula pagkabata.
Alam ni Minah na nakasunod sa kanya ang nananabik na tingin ni Juan Miguel habang namimili siya ng damit, bag at sapatos para sa sarili, kay Diana at kay Leigh.
Nang masigurong kontento na siya sa mga nabili, lumapit siya muli kay Juan Miguel na nanatiling nakatayo sa gilid ng watches display panel.
Bumaba ang tingin niya sa feminine rolex watch na hawak nito kanina pa.
"Maganda?" tanong niya.
Hindi pa man ito nakakasagot, kinuha niya na sa kamay nito ang relos saka sinipat iyon. Wala naman siyang alam sa halaga ng ganon kamamahaling bagay but it was an 18 carat white gold watch with baguette cut diamonds at 3, 6, 9 and 12 o'clock ayon sa shop assistant.
It must costs a fortune. Minah raised her eyes on Juan Miguel's face.
"Para kanino?"
Tumikhim si Juan Miguel.
"For your sister. Her name's Ava. Birthday niya nung nakaraang buwan."
Sister. Minah scoffed.
"Mas bagay 'to sa totoo kong kapatid," pagkatapos, ipinatong niya ang relos sa ibabaw ng gabundok na pinamili niyang mga damit. Saka sinenyasan ang shop assistant na umpisahan ng i-punch ang lahat ng nasa tray.
![](https://img.wattpad.com/cover/273760756-288-k318343.jpg)
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)
RomanceUmalis nang mahina, Bumalik nang palaban taglay ang ibang mukha...