Chapter Eight: The Angel meets the Devil

1.9K 109 6
                                    

"Vintah!" tawag ni Molia sa kanya. Nagkukumahog itong bumaba sa backseat at lumipat sa driver's seat para iayos ang pagkaka-park ng van na basta na lang niyang iniwan sa gitna ng kalsada.

Sinuyod ni Minah ng tingin ang maaliwalas at maluwang na lobby ng hotel nang makapasok. Hindi niya makita roon kahit anino nina Night at Jay-Dee. Dalawampu't walong palapag ang hotel kasama na ang sky suite na siyang nag-iisang kuwarto sa pinakatuktok. It wasn't just a room—it was more like a house actually, that only VIPs could occupy.

Inayos ni Minah ang sarili. She lifted her head and walked gracefully to the front desk. Wala siyang choice kundi dumaan doon. Ibang elevator car ang kailangan niyang sakyan para marating ang sky suite at kakailanganin niya ng access card para mabuksan ang private lift na nakalaan lang sa mga VIP.

The female receptionists—all four of them greeted her with a smile.

"Sawasdee ka."

"Sawasdee," sagot niya. "I want to talk to the person who stays at the sky suite," walang ligoy na sabi niya. She could not state Night's name dahil hanggang ngayon, duda siya sa pangalang ibinigay sa kanya ng lalaki.

Night? What kind of sick lazy parent would give their son that name?

"Can I have your name, Ma'am?"

"Minah. Call him. He knows me."

Nag-dial ang isa sa mga receptionist sa teleponong nasa tabi nito. Nang may sumagot, pasulyap-sulyap sa kanya. "I'm sorry, Ma'am. Our guest said he doesn't know anyone by the name of Minah."

Minah exhaled in a silent snort. The jerk had the audacity to deny her now? She did not waste three years of her life pretending to be Leigh kung tatablahin lang siya ng lalaki.

She could assure him she was ten times stubborn than him. Hell would freeze over kung papalipasin niya ang gabing ito nang hindi niya nababawi ang passport.

"How about Vintah? Damara Fuego?"

Kinausap muli ng receptionist ang nasa kabilang linya. This time, nakita niyang mukha itong nagpipigil ng kilig habang nakikipag-usap.

"All right, we'll escort her there then..."

Sa wakas, tumalima ito at iniabot sa lumapit na bellboy ang kulay-gintong envelope matapos maibaba ang receiver. It was obviously the access card. Pumayag si Night na kitain siya habang nandoon si Jay-Dee?

But Minah would make sure Night would send that bitch's ass home para makapag-usap sila nang maayos. Unless okay lang sa lalaki na marinig ng kiring babae nito ang pag-uusapan nila.

Sumunod siya sa bellboy nang magalang siya nitong igiya papunta sa hilera ng elevator doors.

Minah walked into the elevator assigned for the VIP guests. The bellboy swiped the access card then punched the sky suite button. Dahil VIP lang ang gumagamit ng elevator, siya at ang bellboy lang ang nasa loob ng lift.

Kainip-inip ang mga sumunod na sandali para kay Minah. Kulang na lang pati mga paa ay i-tap niya. Mabilis ang pag-akyat ng elevator pero nababagalan pa siya.

Mabilis siyang humakbang palabas ng lift nang sa wakas ay magbukas ang pinto sa twenty-eighth floor kung saan naroon ang daan papunta sa sky suite.

Two uniformed security personnel were stationed on that floor. They greeted her with a smile as she walked to the carpeted floor that would lead her to the three hundred eighty square meter suite.

Huminto sila sa harap ng malaki at malapad na pinto and swiped the access card to gain entry.

"Have a nice evening, Ma'am," sabi ng bellboy na alam niyang hanggang doon lang siya puwedeng ihatid.

Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon