February 12, 2010
Dumangas, Iloilo Philippines
Matatag ang ekspresyon sa mukha na ipinagpatuloy ni Minah ang paghakbang papasok sa loob ng sikat na boutique shop na iyon. Malayo pa kanina ay nakatanaw na sa kanya ang lalaking nakatayo sa gilid ng watches' display.
Si Juan Miguel Fuego.
Madali niya lang nakuha ang cell phone number ng lalaki. Diana resigned from her job pagkatapos ng komprontasyon nito sa lalaki no'ng nakaraang araw. Umahon ang pagdududa niya kaya inalam niya kung sino ang may-ari ng bahay-bakasyunan na pinagtatrabahuhan nito.
Hindi nga siya nagkamali, the property was owned by Juan Miguel's friend at marahil ay hindi iyon alam ng ina no'ng umpisa kaya excited pa nitong tinanggap ang trabaho.
Ang kaibigan mismo ni Juan Miguel na si Bernardo Reyes ang nakasagot ng tawag niya. Ibinigay ng lalaki ang cell phone number ni Juan Miguel matapos niyang magpakilala.
Nang tawagan niya si Juan Miguel, she told him she wanted to meet him at hindi nga nagsayang ng sandali ang lalaki. He sounded excited and happy.
Ipinagpaliban nito ang flight pauwi ng Maynila nang araw na iyon at nagdesisyong makipagkita sa kanya sa lugar na siya rin mismo ang pumili.
Araw ng Sabado kaya walang pasok sa eskuwela pero kinailangang tumakas ni Minah kay Diana dahil aabutin din ng ilang oras na biyahe mula sa Dumangas papunta sa siyudad.
Blangko ang ekspresyon sa kanyang mukha at nakakrus ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib nang huminto siya sa harap ng may edad na lalaki.
"Kumain ka na ba? May mga restaurant sa ibaba," Juan Miguel asked, searching her face. May pakiramdam siyang nagpipigil itong abutin siya at yakapin.
"Eighteen years, hindi ka naman siguro mamumulubi kung sisingilin kita kahit paano sa naging pagkukulang mo sa 'kin," sa halip ay sabi niya. Nakatingin siya rito nang deretso sa mga mata.
Bahagyang lumamlam ang mga mata ni Juan Miguel nang mahimigan ang talim sa boses niya.
"Pick everything you want, hija," sabi nito sa malumanay na tinig.
Longing—it was the best word that would describe the way Juan Miguel was looking at her. Too bad, nakatatak na sa utak niya na ito ang dahilan kung bakit marami siyang pinagdaanang hirap simula pagkabata.
Alam ni Minah na nakasunod sa kanya ang nananabik na tingin ni Juan Miguel habang namimili siya ng damit, bag, at sapatos para sa sarili, kina Diana at Leigh.
Nang masigurong kontento na siya sa mga nabili, lumapit siyang muli kay Juan Miguel na nanatiling nakatayo sa gilid ng watches' display panel.
Bumaba ang tingin niya sa feminine Rolex watch na hawak nito kanina pa. "Maganda?" tanong niya.
Hindi pa man ito nakakasagot, kinuha na niya sa kamay nito ang relo, saka sinipat iyon. Wala naman siyang alam sa halaga ng ganoon kamamahaling bagay but it was an eighteen-carat white gold watch with baguette cut diamonds at three, six, nine and twelve o'clock, ayon sa shop assistant.
It must cost a fortune.
Minah raised her eyes on Juan Miguel's face. "Para kanino?"
Tumikhim si Juan Miguel.
"For your sister. Her name's Ava. Birthday niya no'ng nakaraang buwan."
Sister. Minah scoffed. "Mas bagay 'to sa totoo kong kapatid." Ipinatong niya ang relo sa gabundok na pinamili niyang mga damit. Saka sinenyasan ang shop assistant na umpisahan nang i-punch ang lahat ng nasa tray.
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)
RomanceUmalis nang mahina, Bumalik nang palaban taglay ang ibang mukha...