Three years later...
"That was great, Vintah!" bulalas ng baklang fashion designer na si Dacy Santino. Inabangan nito ang paglabas ni Minah ng studio at sinundan siya hanggang sa dressing room. Katatapos lang ng paid photoshoot niya sa sumisikat na clothing store na pag-aari nito.
Vintah was Minah's stage name. Her agency, Bold & Beautiful suggested it. A few months after her reconstructive plastic surgery, sumabak na siya sa catwalk training.
Hinubad ni Minah ang shawl na ginamit kanina sa photoshoot pagkapasok na pagkapasok niya sa loob. Kinuha iyon sa kanya ni Molia, ang kanyang manager con PA.
Hindi niya makakalimutan ang naging reaksiyon nina Juan Miguel at Margaux nang tawagan niya ang mga ito through video call sa unang pagkakataon mahigit dalawang taon na ang nakararaan. Iyon ang araw ng schedule ng pagtatanggal ng benda sa kanyang mukha at gusto niyang ang mga ito ang unang makakita.
Awang ang mga labi ng dalawa at matagal bago makahagilap ng mga salita.
"You looked beautiful, hija," komento ni Margaux habang si Juan Miguel ay nanatiling tahimik at nakamata. At nang tanungin niya kung nagustuhan nito ang kanyang bagong hitsura, halatang napipilitan pang sumagot ng...
"Of course, hija."
Nakita ni Minah ang mga litrato niya bago siya naaksidente. Noon pa man, may hawig na siya kay Diana pero matapos ang surgery, higit na lumitaw ang uncanny resemblance niya sa ina. Mas matapang nga lang ang features niya kumpara kay Diana.
Minah's perfectly arched eyebrows were paired with lustrous lush and fierce, dark brown eyes. She had a straight nose, haunted cheekbones, and sensual full lips na natural na mapula kahit hindi pahiran ng lipstick.
While other new faces spend a long time developing their walk, Minah only spent a few months training under pressure at the agency. Which only meant one thing, na maaaring may katotohanan ang sinabi ni Celine sa mga pulis—she was a struggling model in Singapore bago niya ito nakilala.
Sigurado si Minah na nakapag-training siya bago siya naging business partner ni Celine.
Nag-imbestiga si Nathaniel, at ayon sa lalaki, malaki ang laman ng dalawang bank accounts na pag-aari niya sa Singapore. Well, hindi na siya nabigla. Umpisa pa lang, hindi na niya isinasara ang posibilidad na masama talaga ang ugali niya. Ang mga kagaya niya na ayaw nang bumalik sa hirap, kung magigipit, kahit sa patalim na makakasugat, kakapit.
Sa loob ng nakalipas na tatlong taon, walang ginawa si Minah kundi paghandaan ang pagbabalik niya sa Pilipinas habang patuloy na inaalam kung ano ang naging buhay ni Leigh mula nang kupkupin ito ng mga Fuego.
Itinira ni Juan Miguel ang kapatid niya sa malaki at magarang bahay na hindi masisilip mula sa labas sa tayog at taas ng kulay-ginto at engrandeng gate.
Juan Miguel promised Leigh home, a family he said she could count on. Pero sa halip na sa magandang bahay, dinala nito si Leigh sa mansiyon na siyang nagsilbing kulungan ng kapatid sa loob ng nakakalungkot na pitong taon. Inilihim ng mga Fuego sa lahat ang totoong relasyon at pagkatao ni Leigh para hindi mabilad sa kahihiyan at madungisan ang iniingatang pangalan.
Hindi itinago ni Ava ang disgusto nito kay Leigh mula nang umuwi ito sa Pilipinas noong 2015. Habang si Vincent, lantaran naman ang pagpapakita ng kagaspangan ng ugali. Hindi nito nagugustuhan kahit ang pagtahi-tahimik at pagyuko-yuko ng ulo ni Leigh.
Nakapagtrabaho si Leigh sa mga Fuego bilang finance staff sa loob ng dalawang taon. That made Vincent and Ava hate her even more.
Naupo si Minah sa upuang nakapuwesto sa harap ng lighted dressing room mirror at mula sa repleksiyon sa salamin, nakita niyang naglalambing na lumapit sa likuran niya si Dacy.
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)
RomanceUmalis nang mahina, Bumalik nang palaban taglay ang ibang mukha...