Chapter Sixteen: The Witness

1.6K 107 17
                                    

May kalahating minuto nang naghihintay si Minah sa harap ng isang palapag na bahay na iyon sa Malibay, Pasay. Mababa ang gate at kasalukuyang madilim ang paligid ng kabahayan. Ang tanging nagbibigay lang ng liwanag bukod sa streetlights ay ang ilaw sa pathway.

Ang taong sadya niya roon ay ang nag-iisang tao na posibleng may alam kung ano ang nangyari noon kay Damara sa Iloilo. Si Isabel, ang tour agent na nag-alok ng car rental service sa kanyang kapatid.

Ayon kay Aldin, ang imbestigador na malapit na niyang i-demote bilang goon, ang naiiwan sa bahay ay kasambahay at isang dalagita na madalas nakikitang naka-wheelchair. Kapatid ito ni Isabel at ilang buwan nang nagda-dialysis.

Ilang araw matapos mapabalita ang insidenteng kinasangkutan ni Leigh, hindi na sumipot si Isabel sa pinagtatrabahuhan. Ngayon nga ay nagtatrabaho ito bilang call center agent sa isang telecom sa SM Aura.

Mula sa mansiyon ng mga Fuego, sa bahay ni Isabel dumeretso si Minah. Humigpit ang hawak niya sa manibela nang maalala si Vincent.

Alin na lang sa dalawa: alam nito na hindi siya si Damara o wina-warning-an siya nito na puwede nitong gawin sa kanya ang ginawa nito kay Leigh.

Minah scoffed. She was sorry to disappoint him, but she was not as easy target as Leigh. She would fight back—at marunong siyang mandaya.

Mayamaya lang, nakita niya ang pagbukas ng gate at ang natataranta at nagmamadaling pagtulak palabas ng isang may edad na babae sa isang wheelchair na may nakasakay na patpating babae.

Kalmanteng pinagmasdan niya ang natataranta at paulit-ulit na pagtanaw nito sa kaliwa at kanan ng kalsada. Was she waiting for someone to arrive o tumawag ito ng Grab o taxi? Mamaya pang alas-diyes ng gabi ang dating ni Isabel.

Napansin ni Minah na maya't maya ang sulyap ng kasambahay sa hawak na cell phone. Lumipat ang tingin niya sa babae sa wheelchair—na obviously ay ang nakababatang kapatid ni Isabel. The girl didn't look well.

What a perfect way to introduce herself. Binuhay niya ang makina ng kotse at inihinto sa tapat ng kinaroroonan ng magkapatid.

"Ikaw ba ang Grab driver?" tanong nito agad nang ibaba niya ang bintana ng kotse sa gilid niya.

"No. But since this looks like an emergency, sumakay na ho kayo," sabi niya.

"Salamat, hija. Sandali lang!"

Nagkukumahog itong kumilos. Relief flooded her face, panay ang usal nito ng pasasalamat. Binuksan nito ang backseat ng kotse at inalalayan sa pagsakay ang pasyente. Pagkatapos ay isinakay nito ang tiniklop na lumang wheelchair.

"Saan tayo?"

"Pasay General Hospital."

Pinaandar ni Minah ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay nakailang sulyap siya sa dalagitang nakapikit sa pagkakasandal sa balikat ng yaya nito. She must be hurting somewhere, naka-on ang air-conditioner ng sasakyan pero maputlang-maputla ito at nagpapawis.

"Nanay Mela..."

Tinapik ni Aling Mela ang kamay nito. "Papunta na ang ate mo sa ospital. Baka mauna lang tayo nang kaunti. Huwag kang mag-alala."

Nakita niyang mahinang tumango ang dalagita. Lihim siyang umingos. Hindi niya makakalimutan na may kinalaman ang kapatid nito sa pagkamatay ni Leigh.

Naka-cross legs sa pagkakaupo si Minah sa Monobloc chair na makikita sa waiting area ng ospital kung saan niya inihatid ang dalawa.

Mayamaya lang, nakita na niya ang pagdating ng nag-aalalang si Isabel. Saglit nitong kinausap ang doktor na noo'y kausap ni Aling Mela, ang stay-out na kasambahay.

Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon