Chapter Nine: Pine

1.3K 98 21
                                    

Nakapikitang mga mata na umungol si Minah. A smell that seemed very familiar to her was tickling her nostrils, parang ginigising ang inaantok pa niyang diwa. Mula sa pagkakadapa sa kama, ibinaon niya ang mukha sa mabango at malambot na unan.

Pinaghalong wine at pine. Or perhaps she was the one who smelt like wine dahil sa nainom niya kagabi? At ang pine?

Minah's eyes flew open. Napabalikwas siya. Her silky soft black hair dropped to her face. Mabilis niya iyong hinawi, saka disoriented na iginala ang tingin sa paligid.

Inaasahan niyang asul na kalangitan at tahimik na poolside ang makikita pero sa halip, painting ng isang kawal na nakasabit sa puting dingding ang sumalubong sa kanya. At imbes na sofa, malawak at malambot na kama ang kinahihigaan niya.

Minah checked herself, maayos siyang nakakumot at suot pa niya ang damit. Ang misteryo na lang ay kung paano siya nakarating doon nang hindi niya napansin.

Lumipad ang tingin niya sa pinto nang bumukas iyon at patakbong sumugod papunta sa kanya si Angel.

"You kept your promise!"

"Nasaan ang daddy mo?" tanong niya, naalala ang totoong sadya. May ideya na siya ngayon kung paano siya nakarating sa kuwartong iyon.

"He's at the office. He said he has something to discuss with Uncle Blair. But he'd be back soon so you can wait for him."

Tahimik siyang napamura. Wala siyang tiwala kay Night. Baka kung malilingat siya, takasan na naman siya nito.

Bumaba siya ng kama, hinagilap ang sapatos niya, saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Nakasunod sa kanya si Angel. Tinunton niya ang hallway pababa sa hagdan habang mabilis na inaayos ang sarili.

Iginala niya ang mga mata nang marating ang living room. Clear. She walked towards the kitchen. Naaamoy niya ang beef guay teow na nanggagaling doon.

Sino ang nagluluto? When she entered the kitchen, everyone inside snapped their heads in her direction. Isang lalaking mukhang Italian at nakasuot ng chef uniform at isang babaeng tingin niyang pang-housekeeping ang suot ang naabutan niya roon.

Inilapag ng chef ang hawak na bowl ng soup sa mesa.

"Sawatdee Dton Chao," bati ng dalawa nang halos sabay.

"Angel, halika..." tawag ng isang babaeng nahuhulaan ni Minah na yaya ni Angel.

Pero hindi ito pinansin ni Angel. "He's not here yet, Vintah. Let's eat together," si Angel na nasa likuran na pala niya.

Nagugutom siya. Isang pirasong tinapay lang ang kinain niya kagabi pero kailangan niyang unahin si Night. Hindi siya puwedeng maisahan ng lalaki.

Tumunog ang telepono sa sala. Si Angel ang tumakbo para sagutin ang tawag. Malungkot na sumulyap ito sa kanya matapos pakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

"She said your friend's waiting for you at the lobby," sabi nito, nakatingin sa kanya.

Mabilis na lumakad si Vintah palapit. Kinuha niya ang telepono sa kamay ni Angel, saka naupo sa sofa nang naka-cross legs. Exasperated na boses ni Molia ang bumungad sa kanya hindi pa man siya nakakapag-hello.

"Thank God, Vintah! Basta mo na lang ako iniwan kagabi. Ni hindi namin alam kung saang kuwarto ka hahagilapin. Alam mo ba kung gaano kagalit si Innif? Kulang na lang basagin niya ang eardrums ko kakasigaw at kakatili! Buong magdamag niya akong binungangaan, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako naghihilamos, pinapasundo ka na niya sa akin dito."

"You must have overslept. Alas-nuwebe na ng umaga," sabi niya na sinulyapan ang suot na wristwatch.

"Traffic. Anyway, bumaba ka na dito, Vintah, at umuwi na tayo please. You have a very important meeting with Tempted Wear tomorrow morning."

"Nadala mo ba ang cell phone ko?"

"Yes. At dalawang beses tumawag si Nathaniel kagabi."

Natigilan si Minah. Napaupo siya nang tuwid. "Si Nathaniel? Ano'ng sabi?"

"Hindi ko sinagot. Alam kong ayaw mong pinapakialaman ang gamit mo."

Frustrated na huminga siya nang malalim. Naalala niyang halos ipasesante niya noon si Molia nang basahin nito ang text message na galing kay Nathaniel may isang taon na ang nakalilipas.

"Pero nag-text siya. Dalawa."

"Papunta na 'ko," sabi niya at nagmamadaling ibinaba ang telepono.

Minah had a good feeling about it. Sa loob ng nakalipas na tatlong taon, kagabi lang tumawag si Nathaniel. Madalas na siya ang nangungulit dito sa tawag, chat, at email.

Napasulyap siya sa naka-hang na life-size painting sa dingding. Hindi niya iyon napagtuunan kagabi ng pansin. Painting iyon ng isang magandang babaeng napapagitnaan ng limang mga lalaking pawang nakakurbata.

Kumunot ang noo niya. Hinagod isa-isa ng tingin ang limang pawang nakangiti sa kuha.

"Are you leaving?" tanong ni Angel, nakatingala sa kanya. "I thought you want to meet my father?"

Hindi siya sumagot. Hindi mapagkit ang titig niya sa painting. All five men looked clean and decent and good-looking. Habang bagaman mukhang may hitsura din naman, astang gangster na hindi nakasingil ng pautang ang natatandaan niyang Night sa Kusu Island.

"Nasa painting bang ito ang tatay mo?"

"Yes, why?" inosenteng tanong nito. "The one in blue coat and tie is my Papa and the girl on her left is my Tita Danielle."

"What's the name of your father?"

"Tobias. He is a good man, Vintah. When you meet him later, can you marry him and be my mom?"

Pakiramdam ni Minah ay umikot ang paligid niya. Tobias? Natutop niya ang noo, saka malakas na tumawa, ang tanga-tanga niya. Nagsayang siya ng isang buong gabi sa pag-aabang sa maling lalaki.

"Why?" Naguguluhang napamata sa kanya si Angel.

Tumalima siya paharap sa bata. Ipinantay niya ang mukha sa mukha nito, ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, nagtatanong. She really looked like an angel. Maamo ang mukha at expressive ang mga mata.

Pinagod siya nito kagabi. Inutos-utusan siyang magluto. Ang ending, wala naman siyang nahita dito.

Itinaas ni Minah ang kanang kamay at idiniin ang hintuturo niya sa tungki ng maliit at matangos nitong ilong.

"Cute ka. But no, I don't like good kids and I don't fancy good men like your father. Sell him to other women, baka sakaling tanggapin." Pinakawalan niya ang ilong nito.

Kumurap-kurap si Angel. "Why are you... so mean?"

"You forgot the word nasty and despicable, sweetheart," pagtatama niya. "And I don't like you for a daughter. I only want a daughter that could match my wickedness. Ayoko sa anghel, they're useless and weak."

Tumuwid siya sa pagkakatayo. Bago pa makapagsalita ang bata, tumalima na siya at lumakad palabas ng pinto.

Natanaw agad ni Minah si Molia na nakaupo sa hotel lounge area. Malalaki ang mga hakbang niya papunta sa babae. Tumayo agad ito sa kinauupuan pagkakita sa kanya, saka mabilis na iniabot sa kanya ang cell phone nang ilahad niya sa harap nito ang palad niya.

"So, have you met Night? Did you catch him with Jay-Dee?" tanong nito.

Iniikot niya ang mga mata. Nabubuwisit siya sa sarili. She should have confirmed first kung saan dinala ni Night si Jay-Dee. And speaking, ni hindi nga siya sigurado kung si Night nga ang kausap ng ilusyanadang babae.

Minah clearly heard her say sky suite, eh, iisa lang ang sky suite sa hotel na iyon. At ang sky suite ay okupado ni Angel at ng papa nito na natitiyak niya ngayon na hindi lang basta regular VIP ng hotel.

He could be one of the owners, lalo at nakita niya ang naka-hang na painting ng pamilya nito sa dingding.

Nag-umpisa siyang maglakad palabas ng hotel habang binubuksan isa-isa ang text messages na ipinadala ni Nathaniel.

I sent you a package. You'll find your passport there, said the first text message na nagpahinto sa kanya sa paglalakad. She opened the next message.

We need to wrap things up. Pabalik na si Vincent sa Pilipinas.

Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Minah. Sa wakas.

Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon