Huminga nang malalim si Minah nang makalabas siya ng elevator na naghatid sa kanya pabalik sa sixteenth floor ng building. Habang naglalakad palapit sa cubicle ni Martina, ang sekretarya ni Juan Miguel, laman ng isip niya si Tobias.
Of course, she didn't need anyone to fight for her. Buong buhay niya, walang taong tumayo sa tabi niya para dumepensa sa kanya. Even her own father was absent no'ng mga panahong umaasa pa siya na sana katulad ng ibang mga bata, mayroon siyang ama na siyang magiging tagapagtanggol niya.
Pinilit niyang maging matapang at magsilbing tagapagligtas ni Leigh at ng mismong sarili dahil alam niyang kahit anong dasal at hintay ang gawin niya, no one would come to do it for her.
Pero bakit disappointed siya na walang ginawa si Tobias para komprontahin ang lalaki? Bakit nag-e-expect siya ng kahit kakarampot na concern mula rito gayong kung tutuusin ay estranghero ito?
Ang reaksiyon ni Tobias kanina ay katulad ng naging reaksiyon nito habang pinapanood ang ginagawa niya kay Donald sa main branch ng Tempted Wear. Mysterious. Emotionless. Cold.
Ipinilig ni Minah ang ulo. Kinatok niya ang makintab na desk ni Martina nang huminto siya sa harap nito. Tumayo ito sa pagkakaupo pagkakita sa kanya.
"Good morning, Ma'am," Martina greeted, all smiles.
"I am Damara. My father's expecting to see me," sabi niya sa tonong nag-iimporma.
"Ahm, yes, Ma'am. I was informed you're coming. This way please." Nagpatiuna na ito papunta sa opisina ni Juan Miguel.
Sumunod siya sa babae. Nasa harap na sila ng pinto nang marinig niya ang boses ni Tobias mula sa loob.
Kumunot ang noo ni Minah. Pinigil niya si Martina nang akmang kakatok ito para ipaalam sa mga naroon ang presensiya niya. Sinenyasan niya itong umalis at iwan siya. Ano ang ginagawa ni Tobias sa opisina ni Juan Miguel?
"But I can't decide about my daughter's marriage, Tobias. Though I know I'm getting old and I wanted to secure their future, pagdating sa ganyang usapin ay hindi ako makikialam."
Marriage. Umingos si Minah. So, the brute was asking Ava's hand for marriage. Kaya ba ganoon na lang kalagkit ang mga titig ng half-sister niya kay Tobias dahil may relasyon ang dalawa?
Speaking of the devil, nakita niya ang pagdating ni Ava sa kanyang peripheral vision. Mayamaya lang, lumitaw na sa paningin niya ang pares ng kulay-silver nitong stiletto at red off-shoulder dress na umabot lang ang haba sa gitna ng mga hita nito.
"Your mother clearly failed to teach you some manners. Eavesdropping at your age? That's ridiculously immature. 'Sabagay, ano pa ba'ng inaasahan ko sa 'yo? I don't even know where you came from. Basta ka na lang sumulpot galing sa kung saan."
Ngumisi si Minah. "Ipinagpipilitan mo pa rin na hindi ako si Damara? I wonder if you did something to me that makes you so sure I won't be coming back."
"She said she won't be coming back! Matagal na niyang gustong bumalik sa pinanggalingan niya."
Nagkibit siya ng mga balikat. "I was forced to leave. And if my memory serves me right, isa ka sa mga pumuwersa sa akin."
Ava glared at her. "What the hell are you talking about? I'm warning you, don't cross the line. Alam kong nandito ka dahil may masama kang binabalak."
Humalukipkip siya, pumalatak. "Kalma, Ava. Why don't we continue eavesdropping first and talk later?" Inginuso niya ang pinto. "Something might shock you more kung mas pipiliin mong makinig."
"I'm not like you at lalong hindi ako bababa sa level mo." Hinawakan ni Ava ang seradura ng pinto at saka akmang itutulak nang marinig ang tinig ni Juan Miguel mula sa loob.
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)
RomanceUmalis nang mahina, Bumalik nang palaban taglay ang ibang mukha...