Chapter Five: Who are you?

1.8K 100 19
                                    

Maraming gustong itanong si Minah pero matindi ang pagsigid ng pananakit ng ulo niya. Natutop niya iyon, nakangiwing isinabunot ang mga daliri sa kanyang buhok.

Ano ang totoong koneksiyon ng Night na ito sa kanya? Bakit hindi nito kino-contact ang kamag-anak at malalapit niyang kaibigan?

Bumukas ang pinto ng kuwarto pero hindi makuhang lingunin iyon ni Minah. Humakbang papasok sa loob ng kuwarto sina Manang Dolor at Patricia na may dalang tray. Pitsel ng tubig at baso na ang laman niyon. Tinapunan ni Manang Dolor ng nag-aalalang sulyap si Minah bago inilipat ang tingin sa amo.

"Papunta na si Dra. Rosauro," abiso nito.

"Huwag ninyong hihiwalayan ng tingin ang babaeng 'yan," utos ni Night sa dalawang bagong dating.

Nang tumalima si Night para tunguhin ang pinto, sinundan ito ni Minah ng tingin. Nakangiwi dahil sa sakit ng ulo pero hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang pangit at malaking peklat sa balikat nito.

Narinig ni Night ang tatlong mahihinang katok sa likod ng pinto ng library. Doon siya naglalagi para harapin ang paperworks tuwing nasa villa. Pumasok sa loob ng maluwang na kuwartong iyon si Dra. Rosauro.

Inilapag ng huli ang dalang case sa center table nang senyasan niyang maupo sa couch. Tumayo si Night sa swivel chair at naupo sa upuang kaharap ng babae.

"I've given her painkiller. Thankfully the cut wasn't too deep. You were right, she did not hit the artery. Puwedeng maulit ang self-harm so I suggest you keep an eye on her twenty-four-seven."

Tumango siya.

"The headache she experienced a while ago does not guarantee that she'll be able to recover her memories soon. It could be the opposite, we don't know yet. She had a severe concussion so we need to run more tests. At her state, you will need a lot of patience. So, tell me, do you want me to clean them for you?" tanong-tikhim ng doktora. She was now looking at the scratches on Night's neck and chest.

Hindi sumagot si Night pero alam na ng babaeng doktor ang sagot nito. They'd been friends for quite a long time. She knew he would not want any woman touching him or vice versa.

Kaya hindi ito makapaniwala nang marinig mula sa dalawang househelp kanina na ito mismo ang nagtali ng kapirasong tela sa pupulsuhan ng pasyente niya.

"Clean them up. Someone might think you wrestled with a kitten when they see you with all that," naiiling na komento nito bago tumayo sa kinauupuan. "I'm leaving. If you need anything, call me on my cell phone number." Patalikod na ito nang may maalala. Tumikhim at tumitig sa kanya. "She's going through a lot, Night. Don't be too hard on her."

Inihatid ni Night ng tanaw si Dra. Rosauro hanggang sa makalabas ito ng library. Sinalat niya ang kalmot sa leeg. Kung hindi pa binanggit ng doktora, hindi pa niya mararamdaman ang hapdi.

He did not wrestle with a kitten—he had a fight with a tiger.

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang magising si Minah mula sa coma. Sinikap niyang paglabanan ang kahungkagan at pangungulila. Binalikan niya sa isip kung sino siya bago ang sunog.

Mas naniniwala na siya ngayon sa sinasabi ni Manang Dolor na marahil, may rason kung bakit pareho siyang nakaligtas sa sunog at sa aksidente sa daan. Na may mga tanong pa siyang dapat hanapan ng sagot kagaya na lang kung paano siya napadpad sa Singapore at kung paano at bakit sila nagkahiwalay ni Leigh pagkatapos ng sunog.

Hindi na rin niya tinanggihan ang therapy at rehab pero habang lumilipas ang mga araw, hindi na siya mapakali nang nasa rancho lang. Gaano man kaganda ang rancho, mas gugustuhin pa rin niyang umuwi sa Pilipinas at balikan ang lahat.

Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon