Nakatiimang anyo na dinakma ni Minah ang kamay ni Donald kasabay ng pagtayo niya sa kinauupuan. Tiningala siya nito, nabura ang ngiti sa mga labi nang makitang kulang na lang ay maglabas ng apoy ang kanyang mga mata.
Tinangka nitong bawiin ang sariling kamay, pero napilipit na iyon ni Minah at mabilis na naipatong nang walang kahirap-hirap sa ibabaw ng mesa.
Minah pressed the button of the retractable ballpoint pen she had been holding the entire time, saka walang salitang isinaksak iyon sa nakabukang palad ni Donald.
Umalingawngaw ang sigaw ng lalaki sa apat na sulok ng meeting room kasabay ng hindik na singhap ng mga naroon.
Habang nanlalaki ang mga mata ni Demi na natutop ang bibig, si Molia naman ay mas piniling ipikit ang mga mata.
Padarag at patulak na pinakawalan ni Minah ang kamay ni Donald. May namumuong luha sa gilid ng mga mata nito at naglalabasan ang ugat sa leeg nito nang tingalain siya.
"Fuck you! Bitch! Fuck!" singhal nito. Hindi makapagdesisyon kung tatanggalin ba ang ball pen na nakasaksak sa palad nitong nanginginig o hahayaan lang iyon doon.
Tumayo nang tuwid si Minah, kumikinang ang mga mata habang pinapanood niya ang pagsasalitan ng galit at sakit sa mukha ni Donald.
"You messed up with the wrong person, Vintah! Sisiguruhin kong maba-ban ka sa industriyang ito. Gagawin ko ang lahat para masira ang pangalan mo! No one will sign you!"
Akmang susugurin siya nito but Minah was quick to act. She gave him a hard kick on the stomach hindi pa man ito nakakalapit nang tuluyan sa kanya. Sumadsad si Donald sa paanan ng iniwan nitong silya.
The scum had the audacity to fight back. At paano naman ang galit niya? Dumantay ang marumi nitong kamay sa balat niya!
Nang akmang babangon si Donald sa pagkakasadlak, Minah charged towards him, nakukulangan sa nakikitang ngiwi sa mukha ng lalaki. But Molia grabbed her waist, pinipigil siyang sumugod uli.
"Vintah!"
Nagpumiglas si Minah. Itinulak niya si Molia.
"Vintah, please. You need to calm down—"
Calm down? Bakit parang kasalanan pa niya na naghuhuramentado siya? She was violated, iginaganti lang niya ang sarili.
At nagpipigil pa siya ng lagay na iyon. Dahil kung tutuusin, gusto niyang katayin ang lalaki at ipatapon sa gate ng impiyerno na may suot sa leeg na placard na may nakasulat na "Manyakis. Huwag tularan" in bold letters.
"Why are you just looking, idiot?! Call the police, Goddammit!" singhal ni Donald kay Demi na hindi alam ang gagawin.
Nagtagis ang mga ngipin ni Minah. Naikuyom niya nang mahigpit ang mga palad.
"Give me fifteen minutes before you call the police, Demi. I'm going to murder this dickhead right now, right here!"
Napaatras si Donald nang damputin niya ang ball pen sa katabing upuan. Pinagpaplanuhan kung ano ba ang uunahin niyang saksakin. Dibdib nito o bumbunan?
"Call the police right this instant, Demi!" natatarantang utos ni Donald. Nagkukumahog itong umikot sa kabilang bahagi ng mesa para iwasan siya.
Natigil sa paghakbang si Minah nang pumasok ang dalawang security.
"Sir..." sabi ng isa na nakatingin sa matangkad na lalaking nasa entrada.
Noon lang napansin ni Minah ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya, kalmante ang anyo.
Chiseled jaw, straight nose, sensual red lips na parang hindi gaanong ngumingiti, and a pair of achingly familiar dark eyes. There was this bizarre feeling na parang hindi iyon ang unang beses na nakipagtitigan siya sa pares ng mga matang iyon.
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)
RomansUmalis nang mahina, Bumalik nang palaban taglay ang ibang mukha...