Cheers
I've immediately went out from my car as I've arrived at my best friend's private beach house in Bataan. I noticed some familiar faces outside but the one who caught my attention was my friend's voice who shouted my name from afar.
"Ash!"
Klea Astellar, my one and only long time best friend and partner-in-crime walked towards me while having a huge smile on her face. Ilang buwan rin mula nang huli kaming magkausap nang personal. Obviously, na-miss niya ang presensiya ko lalong-lalo na ang mga kaseryosohan ko sa buhay.
"Klea," I said in a monotone right after she gave me a warm hug.
Sumimangot naman siya dahil masyadong matamlay ang aking boses. Well, napagod ako sa pagmamaneho at hindi rin biro ang ilang oras na biyahe papunta sa Bataan.
"Ash, why are you so serious? Hindi ka ba excited para sa akin?" She asked with a crease on her forehead.
I smiled a bit and tapped her shoulder. Hawak ko sa kabilang kamay ang traveling bag na dala ko. Balak kong mag-stay dito kahit ilang araw lang.
"Of course, I'm happy. It's your birthday today."
Tinaasan niya ako ng kilay nang sabihin ko 'yon. Nandito na kami sa kwarto na ookupahin ko pansamantala. May kalakihan din kasi ang beach house nila at may mga villas din sa ibang parte nito. Sa ngayon ay iilan pa lang ang bisita nila dahil inaasahan na gabi sila darating para sa celebration.
"Dione Asha," sinamaan niya ako ng tingin.
Wala naman akong naging reaksiyon at nagpatuloy lang sa ginagawa kong pag-oorganize ng damit ko sa cabinet.
"Seriously? Hindi ba halata!?" Mataas na ang boses ni Klea kaya't nagbaling ako sa kanya ng tingin.
"Anong mayroon?" Walang ideya kong tanong.
Napapadyak na siya sa kinatatayuan. Sinuyod ko naman ng tingin ang kabuuan niya. Wala namang kakaiba. She's wearing a floral summer dress paired with a strappy sandals. Klea is tall and slim that's why her dress suits her well. Maputi rin siya at mahaba ang buhok na may pagka-natural blonde ang kulay.
"Bestfriend ba talaga kita?" Naka-pout niyang tanong na ikinatawa ko nang mahina.
"Hindi mo sure," pagbibiro ko.
Napairap na lang siya at nilahad ang kamay sa harapan ko. Saglit lang na kumunot ang noo ko hanggang sa mapansin ang kakaibang bagay sa daliri niya.
"Klea," ang sambit ko nang pagmasdan ang white diamond ring na nasa daliri niya. It was a simple design yet very elegant.
"Congrats! Kailan pa?" Tanong ko nang mag-sink in sa akin ang nais niyang sabihin.
I saw an excitement on her eyes upon hearing my question.
"Last week. Austen proposed during the yacht party of his parents' wedding anniversary." Masaya niyang pagkukuwento.
Kaagad ko siyang niyakap. Nakikita ko ang labis na fulfillment sa mukha niya. Matagal na rin silang magkasintahan ni Austen. They're together for 7 years and counting. Hindi ko aakalain na this year sila ma-eengage.
"I'm so happy for you, Klea. When is the wedding? Is it early?" I asked as I released her from my embrace.
She wiped a single tear on her eye. Alam kong emotional siya ngayon. Sino ba namang hindi?
"We've talked about it. I guess, the next few months after our short preparation. Hindi rin naman namin gusto ang engrandeng kasal. Mas gusto naming kakaunti lang ang naroon at intimate lang ang wedding.." she answered while holding my hand.
YOU ARE READING
Our First Sunset (A Novelette)
RomanceSynopsis Dione Asha Zaldivar believes that everything takes time. But, some people says that she's hard to deal with because of her intimidating personality. They often call her as a woman of high standards and distinct preferences. Despite of that...