Epilogue

21 1 0
                                    

Epilogue

I can't help but to smile a bit when I went out from the provincial bus. Nasa terminal na ako ngayon dito sa Maynila. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa mga nagtataasang building at bagong establisyemento sa paligid. Parang kailan lang noong huli akong tumapak dito pero pansin ko na agad ang maraming pagbabago.

Habang hawak ang dalawang strap ng aking backpack ay nagsimula akong maglakad sa sidewalk. Mabuti na lang at hindi mainit ang panahon ngayon. Tanging puting t-shirt at kupas na maong jeans lang ang aking suot. Medyo nadumihan na nga ang aking gray rubber shoes na luma na rin kung titingnan.

"Hello again, Manila." I uttered as I stopped in front of a huge billboard.

Dati pangarap kong mailagay ang aking larawan sa naglalakihang billboard sa siyudad. Pangarap kong magtagumpay sa larangan ng Advertising at Public Relations. Pangarap kong manatili sa air-conditioned office habang nakaharap sa aking Macbook at abala sa mga paper works. Pangarap kong mai-feature sa mga sikat na TV shows at magazines in both local and international platforms.

Pero noon 'yon.

Napailing na lang ako sa alaala ng nakaraan na pumasok sa isip ko. Kinapa ko ang aking bulsa at hinagilap ang kapirasong puting papel na bahagyang nagusot. Nakasulat doon ang address ni Klea dito sa Maynila. Wala na kasi kaming komunikasyon dahil wala namang signal ang cellphone sa lugar na kinaroroonan ko. I disposed all of my gadget years ago. Kaya ang tanging paraan para makita ang pamilya at kaibigan ko ay ang puntahan sila dito sa Maynila. Palipat-lipat din naman kasi ako ng lugar kaya wala akong eksaktong address na maibibigay sa kanila. Besides, they respected my decision back then. Hindi sila nagtanong. Hindi sila tumutol kung bakit iyon ang naging desisyon ko noon.

Ilang oras lang ang naging biyahe sa pampasaherong jeep at narating ko na ang address nila Klea. Sa isang exclusive subdivision 'yon kaya naghintay pa ako sa entrance para itawag sa bahay ng kaibigan ko ang tungkol sa aking pagbisita. Ilang sandali pa ay may dumating na sasakyan na sa tingin ko ay driver nila para sunduin ako. Nagpasalamat ako sa guard kahit noong una ay sinungitan niya ako.

I don't know. Maybe because of the way I look that's why he treated me that way. Kung nakasuot siguro ako nang mas pormal o disente ay baka hindi niya ako tiningnan nang ganoon. Bahagya ko pang pinagmasdan ang aking repleksiyon sa rearview mirror ng kotseng sinasakyan ko. Okay naman ang hitsura ko ah!

Mukha lang talaga akong probinsiyana dahil sa suot ko at kulay ng balat. I no longer have my natural long black hair, bob cut na ang hair style ko ngayon na mas komportable para sa akin. I admitted that I became tan since I've spent my days most of the time outside unlike before. Kaya siguro hindi na rin ako makikilala agad ng mga taong nakasalamuha ko noon dahil sa pagbabago sa akin maging sa pisikal. I lost weight and became slimmer. I even got a tattoo on my right arm. Bible verse ang ipinalagay ko doon.

"Asha!"

Patakbong lumapit sa akin si Klea nang bumaba ako ng sasakyan. Agad niya akong niyakap nang mahigpit hanggang sa maramdaman ang luha niya sa aking balikat. Ganyan siya palagi kapag umuuwi ako. Iiyak siya nang ilang oras na tila ba ilang taon akong hindi nagpakita sa kanya.

"Asha! Bakit ngayon ka lang dumalaw ha? You're so heartless! Twice a year ka lang ba talaga magpapakita sa amin?" maluha-luha pa ring tanong ni Klea habang nakaupo kami sa veranda ng bahay nila.

I smiled a bit.

"Alam mo namang wala ako masyadong panahon. Isa pa eh mahirap ang basta lumuwas." Sagot ko at sumimsim sa tasa ng kape na hawak ko.

"Asha.." she started while getting teary-eyed again.

Napailing na lang ako. Hindi pa rin niya siguro matanggap na ganito na ang buhay na pinili ko. Alam kong gusto niyang malaman mula sa akin kung bakit ako naging ganito ngayon.

Our First Sunset (A Novelette)Where stories live. Discover now