Chapter 3-Truth

17 1 0
                                    

Truth

Ilang beses nang nag-apologize si Klea sa akin dahil sa mga sinabi ng tita niya kagabi sa engagement party nila. Wala naman na akong pakialam sa kung anuman ang naging reaction ng mga tita niya sa sinabi ko. Sa totoo lang, I had a great sleep last night.

"Ash! Are you sure it's okay?" Hindi pa rin mapakali sa pagtatanong si Klea habang nagkakape ako sa veranda ng beach house.

Mabilis naman akong tumango bilang sagot. Hindi ko naman iniisip kung anuman ang opinyon nila sa buhay ko. I'm okay with my life, it's their problem if they see it the other way. Ang alam ko wala naman akong tinatapakang tao, bakit kailangan nilang makialam?

"Klea, kapag sinabi kong walang problema, wala talaga. You know how I speak frankly, so don't mind whatever happened last night." I said so that she'd stop thinking about it.

"Oo, alam kong hindi ka basta-basta naaapektuhan sa anumang sinasabi ng iba. Pero nag-walk out ka kagabi sa event. I was worried na baka pati sa akin mag-isip kana rin. Kilala mo naman ang ibang relatives ko and how they speak with other people."

"Yeah. It's not a big deal anymore. I had a good sleep. Umalis ako ng party because I want to unwind. Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga party."

Klea heaved a deep sigh. She knows when to stop arguing with me. Masyado na niya akong kilala para kulitin pa niya at hindi paniwalaan ang salitang binitiwan ko. Besides, I won't stop an argument if my point is not yet proven.

"By the way, I would like you to meet someone!" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Klea nang may matanaw siya sa di-kalayuan.

Kaagad niyang kinawayan 'yon. Hindi na ako nag abalang tumingin at sumimsim na lang sa aking kape.

"Jami!" Sigaw pa ni Klea habang tinatawag ang taong 'yon.

Ilang sandali pa ay may mga yabag na papalapit sa kinatatayuan namin. Akmang lilingunin ko na ang bagong dating nang bigla siyang magsalita.

"Oh, insan! Bakit? Anong breakfast?"

Napakunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na masiglang boses. Pati pala sa umaga, hindi siya nauubusan  ng energy.

"Jami, I want you to meet my best friend. Hindi ko kayo mahanap last night kaya ngayon ko pa lang kayo ipapakilala sa isa't-isa." Masayang panimula ni Klea at sinenyasan ang lalaking 'yon.

Nang maupo siya sa silyang katapat ko ay doon ko na mas nasilayan ang kanyang hitsura. He's now wearing a white v-neck shirt paired with a black jogger pants. Wala siyang headphone ngayon at ang specs naman ay suot niya pa rin. Mas maaliwalas pala ang kanyang mukha lalo na't natatamaan siya nang kaunting liwanag mula sa pagsikat ng araw sa labas. May pagkasingkit din ang kanyang mga mata na natatakpan ng makapal na lens ng kanyang salamin. Clean cut ang kanyang gupit subalit may kaunting bangs na tumatakip sa makakapal niyang kilay. Matangos ang ilong, manipis ang labi na palaging nakangiti at makinis na mukha. Mukhang hindi nga siya naaarawan dahil sa kaputian ng balat niya.

"Dione!?" Ang malakas na boses ni Klea ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

Halos masamid ako dahil sa kahihiyan. Alam kong hindi naman obvious na pinagmamasdan ko siya pero nakakahiya pa rin na nahuli nila akong tulala!

"Guys, maiwan ko na muna kayo ha! Baka gising na ang fiancé ko. Bye!"

Hindi na hinintay ni Klea ang sasabihin ko dahil mabilis na siyang nakalayo sa amin. Mukhang kanina pa siya may sinasabi pero ako itong nawala sa konsentrasyon.

"So you're name is Dione or Ash?" He asked after a long silence.

"Dione Asha," maiksing sagot ko at muling uminom ng kape.

Our First Sunset (A Novelette)Where stories live. Discover now