Settle
Time is constantly changing. Hindi ko na nga namalayan ang mga lumipas na araw, buwan at taon na kasama ang mga taong mahalaga sa buhay ko. Ang bilis lang! I can't even imagine that we're slowly getting the things we've worked hard for.
"Nice! Patapos na talaga."
Kahit ako ay namangha dahil matatapos na ang construction ng bahay sa loob lamang ng halos dalawang taon. Finishing touches na lang at interior design ang kailangang tapusin para maging fully-finished na talaga ang bahay na pinapangarap namin ni Jaire.
"Mahal, nagustuhan mo ba? May ilang changes din kasi na ginawa si Engineer eh. For sure napansin mo." Jaire said while holding my hand.
Papasok na kami sa loob ng bahay pagkatapos naming libutin upang tingnan ang buong disenyo nito sa labas. Oo, may mga napansin akong ilang pagbabago ngunit hindi naman nakasira 'yun sa preference namin ni Jaire. Baka may kailangan talagang baguhin dahil na rin sa availability ng materyales at supplies during the construction.
"I like it. Mas maganda ngang tingnan kung fully-furnished na, love." I said as we went upstairs to check the second floor of the house.
"In a few months, matatapos na 'to. Excited kana ba, mahal?" he asked while we're both leaning on the railings of the terrace.
Tamang-tama din ang location ng magiging bahay namin dahil may overlooking view mula dito sa terrace. Madaling makikita ang nagtataasang kabundukan sa paligid. Marami ring puno ang nakapalibot sa bahay kaya't pakiramdam ko'y wala kami sa siyudad.
"I am very much excited to live here, love. Alam mong matagal natin itong hinintay diba? Finally, it's happening..." I can't help but to feel mixed emotions while roaming around the place.
Mas ramdam ko ang hindi maipaliwanag na saya dahil kasama kong titira sa bahay na ito ang lalaking pinakamamahal ko. Aside from the fact that this house was built according to our mutual plans, it was also founded with love and sincerity. It feels good to live in a place that could make you feel home and at peace.
"I love to see our little kids playing there, mahal."
Natawa ako nang mahina nang ituro niya ang gagawing playground para sa magiging anak namin. Nasa bandang likuran ito ng bahay at balak din naming magpagawa ng small nipa hut doon or tree house. Ang dami pa ngang gusto ni Jaire eh, kaya lang mukhang kukulangin kami sa space. He seems excited about having kids with me. I am sure he could be a good father in the future.
"Mahal, gusto ko sama-samang maglalaro yung lima nating anak dito ha. Kaya dapat talagang magkakasundo sila sa lahat ng oras. Huwag natin silang hahayaang mag-away." Natatawang sabi niya habang nakangisi nang malawak sa akin.
My eyes widened from disbelief. Seriously? Five kids?
"What did you say?"
He chuckled.
"Limang anak natin, mahal."
Hindi ko na napigilan na pandilatan siya ng mata at mahinang hampasin sa braso.
"Seryoso ka ba? Ang dami naman 'nun!"
"Eh hindi 'yon! Mas masaya kapag maraming makukulit na bata, mahal." He defended, convincing me that it's a good idea.
Napahalukipkip na lang ako at tinalikuran siya.
"Eh di ikaw ang manganak, Jaire!" nagdadabog na sabi ko habang pababa ng hagdan.
Narinig ko lang ang malutong niyang pagtawa na para bang masaya pa siya na napipikon ako sa pang-aasar niya. Naku! Limang anak? I can't believe him! I'm not a pig to bear those children inside my tummy in a short period of time. One or two kids are enough!
YOU ARE READING
Our First Sunset (A Novelette)
RomanceSynopsis Dione Asha Zaldivar believes that everything takes time. But, some people says that she's hard to deal with because of her intimidating personality. They often call her as a woman of high standards and distinct preferences. Despite of that...