Chapter 4-Time

14 0 0
                                    

Time

"So how was your date with him?"

Naalimpungatan ako sa boses ni Klea gayundin ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Tamad akong bumangon at hinarap siya.

"What?" I asked with my sleepy voice.

Klea just rolled her eyes and placed a tray of breakfast on the bedside table. Hindi ko na namalayan ang oras! Madaling araw na rin kami nakauwi ni Jaire from our two-day trip. Ilang oras palang ako nakakatulog tapos inabala pa ako nitong si Klea.

"So ano? Magkwento ka nga, girl!" Excited na sabi niya at naupo sa tabi ko.

Marahan kong inayos ang magulong buhok at ipinusod.

"Wala namang dapat i-kwento. We just had a long road trip around Bataan." Walang buhay kong sagot at humigop sa kape na dinala niya.

"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong niya na sinundan ko naman nang pagtango.

"Jaire and I are only good acquaintances. He's fun to be with, iyon lang. Wala namang dapat na humigit pa doon."

Napatayo na si Klea, halatang nawalan ng excitement sa naging sagot ko.

"I can't believe this!" Palatak niya at mukhang nag-iisip pa.

"Jami is Austen's cousin in mother side. Magkapatid ang mga nanay nila! Ayon kay Austen, Jami is really friendly with girls. Pero...pero kakaiba naman kasi 'yong trip niyo eh. Kahit ikaw, Ash. You've never had an adventure with a guy, especially a stranger!"

Napanguso ako. May point naman kasi siya. Pero naniniwala rin akong mabuting tao si Jaire. I know some part about his life, para masabi ko 'yon.

"Wag mo nang isipin na big deal 'yon, Klea. It's just that...I wanna try something new. Masyado kong kinulong ang sarili ko sa mga limits ko noon. It's about time to search for anew and learn from it." I reasoned out.

Klea nodded, seems convinced.

"But are you sure, you don't like him?"

Mabilis akong umiling.

"Definitely no."

Nagkibit-balikat siya at iminuwestra ang pagkaing nasa tabi ko. Wala naman akong nagawa kungdi ubusin 'yon. Gutom na rin kasi ako eh. Hindi rin siya nagtagal sa kwarto ko at nagpaalam na may aasikasuhin pa sa kusina.

"Hoy!"

Kumaway pa si Jaire nang ilang beses nang matanaw ako mula sa sun lounger na kinauupuan. Kaaahon niya lang mula sa dagat. He's only wearing board shorts and topless! Hindi naman ako na-intriga doon! Ang payat kasi niya! Well, hindi naman as in sobrang payat pero yung katawan niya hindi hunk ang datingan. Yung mga ex ko, alagang gym 'yon. Samantalang siya, mukhang babad sa aircon at computer eh.

Well, bakit ko ba iniisip? Wala lang, gusto ko lang mag-komento sa katawan niya. Maybe because he's tall that's why he looks skinny. Pero okay lang naman, flat naman ang tummy niya even without abs. Mabuti nga at naaarawan siya kasi ang puti niya talaga!

"Hoy!"

Inis ko siyang nilingon. Nasa harapan ko na pala siya at malawak pa rin ang ngisi sa akin. I can't believe this man!

"Akala ko umalis kana," he started to talk.

Sa buhangin siya nakaupo habang sinusuklay ng daliri ang kanyang basang buhok.

"Maybe tomorrow or the other day. Susulitin ko lang ang bakasyon ko."

He smiled when he gave me a glance. Nanatili namang seryoso ang ekpresiyon ko.

Our First Sunset (A Novelette)Where stories live. Discover now