Family
Jaire and I were dating for almost six months. Our beginning was quite easy but along the run, we saw each other's differences. I admit, we had misunderstandings but we both talked about it and figured things out. Both of us are willing to change our unjust behavior and also for us to grow better.
Hindi naman talaga madali. Kahit ba nauunawaan namin parehas ang pagkakaiba naming dalawa, may mga pagkakataon na hindi kami nagkakasundo. But still, we always choose to stay and fix the argument. Sa aming dalawa, ako ang madalas na makipagtalo. Siya naman ang madalas na nagpapakumbaba. Pero ni minsan, he never tolerate my mistakes. Madali niyang nai-explain sa akin ang mga bagay na dapat kong ayusin.
There is no perfect relationship. Habang tumatagal kami, mas lalo kong nauunawaan kung bakit tama ang naging desisyon ko. Before, I was too distant and expectorant. But Jaire did his best to broke the walls I built within myself. Idagdag pa na halos lahat ng standards na hinahanap ko ay nasa kanya na.
It's okay to have a high standards. Ang mahalaga naman ay ka-vibes at nagkakaintindihan kayo ng partner mo. You should not settle for less just because you have no choice. Ako? Alam ko sa sarili kong siya na ang best para sa akin dahil siya ang pinili ko. Hindi ko kailangan isa-isahin ang mga magagandang bagay na mayroon siya. I know he is more than enough and I will never ask for more.
"Love, you're 15 minutes late."
Iyon agad ang unang salubong ko kay Jaire nang bumaba siya sa kanyang pick-up. Sinulyapan ko muli ang wristwatch kong suot. Kasalukuyan akong nasa parking space ng mall na pinuntahan ko. Hindi ako nakapagdala ng sariling sasakyan dahil coding ito ngayong araw.
"Ash, I'm sorry. Traffic kasi eh." Kakamot-kamot pa sa noo si Jaire habang nakangising lumapit sa akin.
Sinuklian ko lang siya ng irap pero hinagilap lang niya ang kamay ko. Sanay na siguro siya na bossy ako minsan at ayaw ko nang pinaghihintay ako. Mahalaga ang bawat oras sa akin.
"Sana nagtext ka man lang. At isa pa, sabi ko magco-commute na lang ako. Hindi mo na ako kailangang sunduin."
Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kotse at inalalayan pa akong maupo. Nakangiti lang siya kahit na nagsisimula na akong manermon sa pagiging late niya. Siya na rin ang nagkabit ng aking seatbelt.
"Gusto kong sunduin ang girlfriend ko. Hindi ako nakapag-text dahil lowbatt ang phone ko. Ayaw ko ring nagco-commute ka. Mag-aalala ako." He said and then planted a soft kiss on my forehead.
Napabuntong-hininga na lang ako. Mabilis siyang umikot patungo sa driver's seat. Nagmaneho na siya patungo sa condo unit ko.
"Kailan nga tayo pupunta sa inyo, love?" I asked after a couple of minutes.
Nilingon niya ako habang nakangiti. Sa aming dalawa, siya ang madalas na cheerful. Hindi siya nauubusan ng energy sa katawan. Madalas pa nga na siya ang clingy at sweet eh.
"Next week na, mahal. Ready kana ba?" Tanong niya habang nakangisi nang malawak.
"Oo naman. Anong akala mo sa akin?" Kampanteng sagot ko na ikinanguso lang niya.
Hindi pa kasi namin naipapakilala ang isa't-isa sa pamilya namin. We took a little time for the family introduction.
"Sus. Pero don't worry, mahal. Magugustuhan ka naman nila eh. Matagal kana nilang gustong makilala nang pormal." He said then held my hand.
Tumango na lang ako. I also told my parents about him. Pero iba pa rin na personal nilang makikilala ang boyfriend ko. Napagkasunduan naming ako muna ang ipapakilala niya sa pamilya niya. Wala namang problema 'yon. Handa naman akong harapin ang pamilya niya anumang oras.
YOU ARE READING
Our First Sunset (A Novelette)
RomanceSynopsis Dione Asha Zaldivar believes that everything takes time. But, some people says that she's hard to deal with because of her intimidating personality. They often call her as a woman of high standards and distinct preferences. Despite of that...