First
"Lien, I already told you. Na-process na ang mga accounts na 'yon. Yes, last week pa."
I immediately closed the door of my unit while holding my phone on my right ear.
"Oo! I've talked with Mr. Del Valle last week, right?" Hindi ko mapigilang mainis dahil hindi kami nagkakaintindihan ngayon.
Maraming trabaho ang kinaharap ko pagbalik ko ng Manila mula sa Bataan. Halos hindi ko na namalayan ang mga araw na lumilipas. Naging abala na ako sa trabaho at sarili kong buhay.
"Kaya nga, hindi niyo na pwedeng pakialaman 'yong accounts na 'yon. It was already settled. Tinapos ko na yung dapat. I'll be having a one week leave, starting tomorrow."
Ilang saglit pa kaming nag-usap bago ko ibaba ang tawag. Kaagad akong nagpalit ng pambahay na damit dahil init na init na rin ako sa corporate attire ko. Kinuha ko agad ang maleta na noong isang araw ko pa inayos.
"Shit! I almost forgot that tomorrow is Klea's wedding!" Nasapo ko ang noo nang makita ang wedding invitation na hindi ko man lang nabuksan.
Hinagilap ko ang maleta. Ang akala ko eh next week pa ang wedding ng bestfriend ko. Mabuti na lang at nag-file na ako ng leave kung hindi malaking problema sana. Ako pa naman ang maid of honor! Of course, aattend ako doon kaya lang eh alam kong isang araw lang naman ang kailangan at hindi na ako sasama para sa whole week celebration.
Natawa ako nang mahina nang mag-vibrate ang aking phone at dumating ang mensahe ni Klea.
From Bestie:.
Hi there, Ash! Tomorrow is a big day. Alam ko hindi ka available for the rehearsal kanina but it's okay. Just be on time bukas!
Napakamot na lang ako sa noo. Mabuti nalang at nakapag-prepare na ako ng mga damit na dadalhin ko sana sa out-of-town trip ko sa Cebu. Balak kong mag-unwind sa mga sikat na beaches doon. I deserve a break after a few months of working almost 24/7. Hindi ko na namalayan ang panahon! Muntik ko pang makalimutan na July 1st ang wedding day ng best friend ko.
Maaga akong gumising para maaga akong makapagmaneho patungo sa Batangas. Madaling araw ako nagsimulang bumiyahe upang siguraduhin na kaagad akong makakarating sa resort. Beach wedding ang gusto ng best friend ko at ng soon-to-be husband niya. Dream niya talaga 'yon noon pa man. Magaganap ito during the sunrise na siguradong sobrang memorable para sa kanila.
Ako? Wala akong ideya sa wedding na gusto ko. Ni wala nga akong manliligaw ngayon eh. I distanced myself from men within those months. Hindi na rin kami nagkausap muli ni Vince. I heard he's been living his life, well. Okay na rin naman na ganoon. Sana makahanap siya ng babaeng kapareho ng kanyang pananaw sa buhay.
On the other hand, Jaire and I never met again after almost four months. I don't know. Minsan sumasagi siya sa isip ko pero hindi ko naman siya hinahanap. Naniniwala akong magkikita rin kami in a perfect time. Ang alam ko lang, masaya yung mga araw na pinagsamahan namin sa Bataan. Thankful na ako doon at hindi na maghahangad pa.
"Ash, thank God! I thought hindi ka makaka-attend!"
Mabilis akong niyakap ni Klea nang puntahan ko siya sa kanyang room. Kasalukuyan na siyang inaayusan. She's wearing a pastel pink robe which is actually the motif of their wedding. Tila nabuhayan ang kulay sa mukha ni Klea nang dumating ako.
"Congrats! Sorry I wasn't there during the rehearsal" I gave her a light hug too.
She smiled genuinely. I can sense how happy she was. A bride to be! Hindi ko ma-explain pero kakaiba ang kislap sa mga mata niya. Ganoon ba talaga ang feeling ng ikakasal sa taong mahal mo? I never felt that before, even the most genuine kind of love. Sobrang guarded na siguro ng puso ko sa pakikipag-relasyon kaya't tila nagiging bato sa paningin ng mga lalaki.
YOU ARE READING
Our First Sunset (A Novelette)
RomanceSynopsis Dione Asha Zaldivar believes that everything takes time. But, some people says that she's hard to deal with because of her intimidating personality. They often call her as a woman of high standards and distinct preferences. Despite of that...