After one week, natapos na ang pagtulong ko kay Mommy sa boutique. Kaya tinawagan ko agad si Aiden at sinabing pwede na kaming pumunta sa Batangas.
Ngayong araw na 'to ang alis namin. Matapos kong makapag-ayos ay kinuha ko na lahat ng gamit ko at bumaba. Dumiretso ako sa kusina at tumabi kay Mommy na kasalukuyang umiinom ng kape.
"Good morning, Mom."
"Good morning. Ngayon na ba ang alis mo?"
"Opo," sabi ko.
Napatango-tango siya. "Nga pala, sino nga ba ang sinasabi mong kasama mo lagi sa paghahanap?"
Napahinto ako sa pagkain. Hindi pa alam ni Mommy na si Aiden Searrs ang kasama ko. Si Aiden Searrs na isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas ngayon.
"Si... Aiden Searrs po," sabi ko.
Napatingin si Mommy sa'kin. "Aiden Searrs? Iyong CEO ng Searrs Group ngayon?"
"Opo."
Napatango-tango siya. "Paano kayo nagkakilala? You mentioned him before. So, magkakilala na kayo noong time na 'yon?"
"Opo. Mahabang story po kung paano kami nagkakilala, eh."
Natigil kami sa pag-uusap nang biglang may mag-doorbell. Pinuntahan iyon ng katulong at maya-maya ay bumalik din ito.
"Ma'am, may naghahanap po kay Ms. Lyza," sabi niya.
Napakunot-noo ako. "Sino daw?"
"Aiden Searrs daw po."
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Mommy.
"Papasukin mo," sabi ni Mommy sa katulong.
Umalis ang katulong at tumayo si Mommy. Tumayo rin ako at sumunod kay Mommy na papuntang living room. Bigla namang bumalik ang katulong at nakasunod na sa kanya si Aiden. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.
"Good morning," bati niya.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko.
"I have my ways," sabi niya.
Bigla namang tumikhim si Mommy na nasa likod ko. "Lyza?"
"Uhh, y-yeah. Mom, si Aiden po. Aiden, Mommy ko," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Good morning po. Pasensya na po kung nagpunta ako ng walang pasabi. Susunduin ko lang po si Lyza," sabi ni Aiden.
Ngumiti si Mommy. "Ayos lang, hijo. Ako nga ang nahihiya sa'yo dahil naabala ka ng anak ko sa trabaho mo. Alam kong busy kang tao kaya pasensya ka na."
"Hindi naman po. Naka-vacation leave po ako ngayon kaya okay lang po sa'kin," sabi niya.
"Ganoon ba?"
Bago pa tumagal ang usapan nila ay pinutol ko na ito.
"Uhh, Mom. Aalis na po kami. Baka maabutan pa kami ng traffic, eh."
"Ah, oo nga pala. Sige, mag-iingat kayo, ha? Aiden, ikaw na ang bahala sa anak ko," bilin ni Mommy.
"Ako na po ang bahala," sabi ni Aiden at umalis na kami.
Paglabas namin ng gate ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Nang makapasok ako ay sinuot ko ang seatbelt at kinausap siya.
"Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka. Ni hindi ko alam na alam mo na pala kung saan ako nakatira," sabi ko.
"Oh, well. Wala ka na bang nakalimutan?" tanong niya.
Nag-isip ako saglit at nang masigurong wala na ay umiling ako. Tapos ay umalis na kami.
BINABASA MO ANG
Finding The Right One
RomanceLyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big revelation was revealed. Kinailangan niyang magpaalam dito. Unfortunately, she can't because her be...