Chapter 25

7.3K 152 3
                                    

Tahimik lang kaming kumakain ni Mommy ng agahan. Walang nagsasalita ni isa sa'min. Hindi rin ako tumitingin sa kanya at ganoon din siya sa'kin.

Pagkatapos kong sabihin ang mga gusto kong sabihin sa kanya kahapon ay hindi ko na muli siyang kinausap. Besides, wala na rin naman akong sasabihin at hindi rin naman niya ako kinakausap. Hindi ko nga lang alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.

Mananatili lang ako sa bahay ngayong araw na 'to. May trabaho din naman kasi si Aiden ngayon kaya hindi ko rin talaga siya mapupuntahan. Isa pa, ipinagbawal ni Mommy kahapon na makipagkita ako sa kanya hangga't hindi niya napapatunayan ang sarili niya kay Mommy.

Napabuntong-hininga ako. Nami-miss ko na agad si Aiden. Pakiramdam ko, matagal ko pa siyang makikita ulit. Hindi ko pa siya natatawagan mula kagabi. Pati rin naman siya, hindi ako tinawagan pero tinext niya ako na nakauwi na siya ng bahay. Tawagan ko kaya siya mamaya?

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig kong tumikhim si Mommy. Napatingin ako sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pagkain pero ramdam kong may gusto siyang sabihin. Hinintay ko kung ano man ang sasabihin niya.

"Pwede mo bang papuntahin ulit si Aiden dito mamaya?" tanong niya na ikinagulat ko.

Napakunot-noo ako. "For what, Mom?"

"I just want to talk to him. Don't worry. Wala naman akong masamang sasabihin."

Napaisip ako. May naiisip akong dahilan kung bakit gustong kausapin ni Mommy si Aiden pero naisip kong baka hindi iyon ang dahilan.

I sighed. "Okay. I'll try. Baka busy kasi siya sa trabaho."

Hindi na nagsalita pa si Mommy after no'n. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng tahimik.

Nang matapos akong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Pag-open ko ng cellphone ko ay tumambad sa'kin ang limang missed calls at tatlong texts galing kay Aiden. Binasa ko ang messages.

From: Aiden babe
Good morning, babe! :)

From: Aiden babe
Eat your breakfast, babe. I'll call you.

From: Aiden babe
What are you doing? Why aren't you answering my calls?

Naisipan ko ng tawagan siya pero bago ko pa man magawa iyon ay nakita kong tumatawag na siya. Napangiti ako. I immediately answered his call.

"Hello."

"Babe! Thank God, sinagot mo na."

Napakunot-noo ako. "Why? May nangyari ba?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya. "Nothing. Nag-alala lang kasi ako kasi hindi mo sinasagot."

"I'm sorry. Kumakain kasi ako tapos naiwan ko 'yong cellphone ko dito sa kwarto."

"Oh, okay."

"Hmm, nasaan ka? Work?"

"Yep. I miss you, babe. Sana nandito ka. Pero alam ko namang hindi pa pwede. I still need to please your mother."

I suddenly wondered what he's going to do to please my mother. "Ano bang gagawin mo para mapapayag mo si Mommy sa'tin?"

I heard him sigh. "I still don't know. But don't worry. Akong bahala. Basta babe, I love you and I'll do anything for you."

"I know, babe. I know. Nga pala, gusto mo bang pumunta dito sa bahay ngayon?"

"Hmm? Really? I mean, pwede ba? Hindi ba magagalit ang Mommy mo?"

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon