"Anong oras ka naghintay dito?" tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin. "Uhh… 10:00 AM?"
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo niya. "10 fucking AM? Ganoon katagal tapos hindi mo man lang naisipang kumain? Hindi mo man lang ba naisip na baka matagal pa akong darating?"
Napayuko ako at nilaro ang mga kamay ko. "Eh, kasi... excited akong... makita ka, eh."
Natahimik siya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong namumula ang tenga niya. Nakita ko rin ang paglunok niya nang magtama ang paningin namin. Napakunot-noo ako.
Tumikhim siya at pumungay ang mga mata. "Ano ba kasing naisipan mo at nagpunta ka dito? 'Di ba dapat tapos na ang deal natin? Dapat masaya ka na ngayon?"
"Paano ako magiging masaya kung iniwan mo 'ko? Tapos iniwanan mo lang ako ng sulat na sinasabi mong... sinasabi mong... m-mahal mo 'ko. Kung mahal mo 'ko, bakit ka umalis?" tanong ko habang nilalaro pa rin ang kamay ko. Pasulyap-sulyap akong tumitingin sa kanya.
"I know you know why I left."
Dahan-dahan akong tumango. "Oo. Alam ko naman, eh. Pero kasi... nalungkot ako na bigla mo na lang akong iniwan."
Tumingin ako sa kanya nang hindi siya nagsalita. I don't know what he's thinking. Nakatitig lang siya sa'kin na para bang sinusuri ako.
Mga ilang sandali lang ay napabuntong-hininga siya. "Okay. I'm sorry for leaving you just like that. Naisip ko lang kasi na baka kapag hininintay pa kitang magising, baka pigilan mo akong umalis."
"Of course! Ayoko namang iwan mo 'ko doon ng mag-isa."
"But you can always call Tristan," sabi niya at mukhang may napagtanto. "Oo nga pala. Bakit ka nagpunta dito? You left your boyfriend?"
Mabilis akong umiling. "Hindi ko siya boyfriend."
Napakunot-noo siya. "What? What do you mean?"
"I broke up with him."
Ilang sandali siyang natahimik. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa na parang nakakatawa ang sinabi ko. Napakunot-noo ako.
"You're kidding, right?" tanong niya habang tumatawa pa rin.
Umiling ako.
"No, I'm not," sabi ko at tumingin sa kanya ng seryoso. Nang mapansin niyang seryoso ako ay tumigil siya sa pagtawa. Tinitigan niya ako sa mata.
"You're serious? What? Why? Sinaktan ka ba niya? Ano? Anong ginawa niya sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong.
He looks frustrated and worried. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mas lalo namang kumunot ang noo niya nang makita ang reaksyon ko.
"Why are you smiling like that? C'mon! Sabihin mo sa'kin ang nangyari."
Tumango ako at tumikhim. "Okay, fine. Sige na. I-e-explain ko na lahat."
Bumuntong-hininga muna ako bago nagsimulang magpaliwanag.
"Noong araw na umalis ka at iniwan mo 'ko, nalungkot ako. I admit. Nasaktan din ako. Sino ba naman ang gustong maiwan, 'di ba? So, nakipagkita ako kay Tristan hoping na mapasaya niya ako. Pero habang kasama ko siya, hindi ko makalimutan na iniwan mo 'ko dahil ayaw mong masaktan pa kita. Napansin niya 'yon pero sinabi ko na lang na may sakit si Mommy. Pero nahalata niyang nagsisinungaling ako kaya sinabi ko ang totoo. Sinabi niya rin sa'kin na nakipagkita ka sa kanya nang araw na 'yon bago ka umalis. Then at the end of the day, we broke up," paliwanag ko.
Hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko pero sa itsura niya, mukhang naguguluhan siya.
"Iyon na 'yon?"
BINABASA MO ANG
Finding The Right One
RomanceLyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big revelation was revealed. Kinailangan niyang magpaalam dito. Unfortunately, she can't because her be...