Gabi na nang makarating kami sa Hillsborough dahil sa matinding traffic. Tulad kahapon, inihatid niya ako sa Scarborough Park.
Agad kong inalis ang seatbelt nang makarating kami. Bago ako lumabas, tinanong ko kung saan ang susunod naming pupuntahan.
"So, where's our next destination?"
"I don't know. I'll check it later. Ite-text na lang kita," he said.
I nodded. "Sige. Alis na 'ko. Thank you."
"No problem."
And that ended our conversation. Doon ko napagtantong hindi pa kami ganoon ka-close. It's okay. Hindi rin naman magtatagal na magkasama kami. This deal is what we only have.
Bumaba na ako ng sasakyan at dumiretso ng umuwi. Naabutan ko si Mommy na nasa living room at kasalukuyang may inaayos na mga papers. I think it has something to do with the boutique.
"Hi, Mom," bati ko. I leaned and kissed her cheek.
"Nandiyan ka na pala. Kumain ka na?"
"Not yet. Maya-maya na lang po. What's that, Mom?" tanong ko at pinanood ang ginagawa niya.
"List of stocks. I'm organizing it dahil darating ang mga bagong stocks bukas from our factory. By the way, I need your time tomorrow."
Napakunot-noo ako. "Hmm, bakit po?"
"Tulad ng sabi ko, darating ang mga stocks bukas. Gusto ko sanang ikaw na muna ang mag-organize ng lahat sa boutique. Ang dami ko pa kasing ibang tinatapos ngayon. I still need to make new designs para sa upcoming fashion show natin. Other than that, kailangan ko pang i-meet ang tutulong sa'kin na mag-organize ng fashion show. Tapos—"
I cut her off. "It's okay, Mom. Ako na muna ang bahala sa boutique hanggang sa matapos mo lahat ng mga ginagawa mo. Don't stress yourself too much."
She smiled. "Thank you. Pasensya na kung kailangan ko munang kunin ang oras mo. Alam kong sinabi ko na magbakasyon ka muna pero—"
"It's okay, Mom. I'm happy to help."
"Don't worry. Mga ilang araw lang naman. Siguro kapag natapos ko lahat ng designs, babalik na 'ko sa boutique," she said.
I smiled. "Kahit ilang linggo pa 'yan, tutulong ako, Mom. Besides, six months naman akong nandito."
"No. I want you to enjoy. At hindi ko kukunin lahat ng oras mo para lang magtrabaho. Isa pa, alam ko naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon. Alam kong kailangan mo ng maraming oras para gawin ang ginagawa mo ngayon kaya hindi ko kukunin lahat ng oras mo para matulungan ako."
"So, you don't want my help, Mom?" I joked.
"I don't mean it like that. I mean—"
I chuckled. "Yeah, Mom. I'm just joking. I understand. Thanks, Mom."
She smiled. "Kumain ka na muna bago matulog, ha? Huwag kang magpapalipas."
"Yes po. Aakyat po muna ako sa kwarto ko."
**
Pagkaakyat ko sa kwarto ko, agad akong sumalampak sa kama at pumikit. Napagod ako ngayong araw na 'to at hindi ko alam kung hanggang kailan pa 'to. Dalawang tao pa lang ang nakikilala namin pero pakiramdam ko pagod na pagod na 'ko. And I'm sure marami pang 'Tristan Cruz' ang makikilala ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng message para kay Aiden.
To: Aiden
Hindi ako pwede bukas. I have to do some errands. I'll contact you kapag may libre na kong oras. Just tell me our next destination.
BINABASA MO ANG
Finding The Right One
Lãng mạnLyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big revelation was revealed. Kinailangan niyang magpaalam dito. Unfortunately, she can't because her be...