Isang linggo na ang lumipas mula nang makilala ko ang family ni Aiden. Paminsan-minsan ay nagpupunta ako sa kanila kapag may libre akong oras at kung minsan naman ay nagde-date kami ni Aiden. Hindi nga lang madalas dahil may trabaho siya. Pumapayag naman si Mommy na umalis ako lagi ng bahay dahil ang akala niya ay ine-enjoy ko ang bakasyon ko. Nakaka-guilty lang dahil nagsisinungaling ako sa kanya kapag nagtatanong siya kung saan ako pupunta.
Hindi ko na binalak pang sabihin kay Mommy ang tungkol sa relasyon namin ni Aiden. Tulad ng sinabi ko ay hihintayin kong maging maluwag na ang schedule niya sa boutique bago namin sabihin iyon.
Ngayon nga ay nandito kami ni Aiden sa SGC Main Office. Nakatambay lang ako dito sa office niya at pinapanood siya habang nagtatrabaho siya.
Maya-maya ay tumingin siya sa relo niya at agad na tumingin sa'kin.
"Aren't you bored? I noticed you've been gawking at me for an hour now," he said and smirked.
Napanguso ako. "Hindi naman nakaka-boring na panoorin ka."
"Do you want me to call Nica? You can go shopping with her if you want."
Umiling ako. "Hindi na. Okay na 'ko dito. Saka baka busy din siya. Ayoko namang makaistorbo."
"Are you sure?"
I nodded. He smiled. Nagpatuloy na siya sa pagtatrabaho. May mga tinitingnan siyang papers at maya't maya siyang may tinitingnan na files sa laptop niya.
I smiled. Ang gwapo niya pala lalo kapag seryoso.
Napawi ang ngiti ko nang may maalala. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Napalingon naman siya sa'kin.
"Do you have something to tell me?" he asked.
"Uhh, kasi hindi na masyadong busy si Mommy ngayon. I actually asked her last night if she has time. Tingin ko kasi, oras na para ipakilala kita ng pormal sa kanya," sabi ko.
Akala ko ay kakabahan siya dahil sa sinabi ko. Pero ngumiti pa siya ng malawak.
"Great! When?"
"Kung okay lang, bukas sana... kung hindi ka busy."
Tumango siya. "I'll cancel all my appointments tomorrow. O kaya baka pakiusapan ko na lang muna si Andy na siya muna ang bahala dito."
I smiled. "Okay."
"I can't wait to formally meet your Mom," he said while smiling widely at me.
**
Kinabukasan, sinabi ko kay Mommy na dadalhin ko si Aiden sa bahay para mag-dinner. Nagulat siya pero hindi naman siya nagtanong. Hinayaan ko na lang. I find it weird though.
Nang gumabi na ay tumawag sa'kin si Aiden at sinabing papunta na siya. Sinabi ko iyon kay Mommy kaya ipinahanda na niya sa katulong ang dinner na pinaluto niya kanina.
Nag-ayos na ako ng sarili at ganoon din si Mommy. Mga ilang sandali lang ay nakarinig kami ng pag-doorbell. I think he's here.
Ako na ang lumabas para buksan ang gate. Bumungad sa'kin ang nakangiting si Aiden habang may hawak na bouquet of white roses.
"Good evening," bati niya at ibinigay sa akin ang bulaklak. He kissed me on my cheek. Napangiti ako at agad na tinanggap ang bulaklak.
"Good evening. Halika na. Pasok ka."
Sumunod siya sa'kin sa pagpasok sa loob ng bahay. Sa sala pa lang ay sinalubong na kami ni Mommy. Nakangiti siya pero nahalata kong hindi ito masyadong masaya. Napalunok ako. Kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Finding The Right One
RomanceLyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big revelation was revealed. Kinailangan niyang magpaalam dito. Unfortunately, she can't because her be...