Chapter 19

6.6K 174 5
                                    

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang si Tristan ang tumatawag.

"Hello…"

"Good morning, missy!"

"Good morning," sabi ko habang inaantok pa.

"Oh, nagising ba kita? I'm sorry."

Tumingin ako sa relo kong nasa bedside table. It's 8:30 AM. "No, it's fine."

"Okay. So, pwede ba kitang yayaing lumabas mamaya?"

"Hmm, sure. Saan tayo pupunta?" I asked. Tumayo ako at tumingin sa katabing kama. Wala na si Aiden doon. Napakunot-noo ako. Saan siya nagpunta?

"Just... somewhere. Malalaman mo rin mamaya."

Lumabas ako sa kwarto at pinuntahan siya sa kitchen at living room pero wala rin siya. Where did he go?

"Lyza? Are you still there?"

"Y-yeah, yeah. Uhh, sige. Magkita na lang tayo mamaya. Gusto mo bang puntahan na lang kita sa bar mo or..."

"No, ako na lang ang pupunta sa'yo. Susunduin kita before lunch para sabay na tayong kumain."

Tumango ako. "Okay."

"Okay, see you."

Pagkatapos ng tawag niya ay ibinaba ko ang cellphone ko sa sofa. Saan kaya nagpunta si Aiden? Siguro nagpahangin lang? Or nag-jogging?

Umiling ako at hinayaan na lang kung nasaan siya. Baka nandiyan lang siya sa paligid ng hotel at namamasyal. Ang mabuti pa ay kumain na muna ako.

Kukunin ko na sana ang telepono para um-order ng makakain nang mapansin ko ang nakatakip na pagkain sa ibabaw ng mesa. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang pagkain na mukhang in-order ni Aiden dito sa hotel kasama ang isang note.

Note?

Kinuha ko ang note at binasa iyon. It was from Aiden.

Lyza, I'm sorry for leaving without saying goodbye. I'm going back to Manila first. I'm sorry. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita kang kasama siya. I'm too late. Kayo na. I respect that pero hindi ko kayang makita ang babaeng mahal ko na hawak na ng iba. Yes, I'm in love with you. All this time, I've been in love with you. And I'm sorry kung hindi ko 'to kayang sabihin ng personal. Pero ito ang tatandaan mo, no matter what happen, I'll never stop loving you. Kapag sinaktan ka niya, alam mo na kung saan mo ako hahanapin. I'm willing to lend my shoulder for you to cry on, even if you don't love me back. Just always remember that I love you. I love you so damn much.
- Aiden

P.S. I cooked your breakfast. Humingi ako ng permiso sa hotel para maipagluto kita. I hope you like it.

Nabitiwan ko ang note pagkatapos ko itong basahin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. He left me. And damn it! He's in love with me! He can't bear seeing me with Tristan so he left. He left me!

Anong nangyari? Akala ko ba sabay kaming uuwi sa Manila? Bakit hindi man lang niya ako hinintay? Balak ko pa namang magpaalam kay Tristan ngayon para umuwi na sa Manila para makasama kay Aiden pagbalik, but he left me. Anong oras siya umalis?

Hindi ako makapaniwala. He's in love with me. Kaya ba minsan hindi ko mabasa ang mga ginagawa niya? Kaya ba iba ang pakikitungo niya sa'kin? Somehow, I understand kung bakit siya umalis agad. Iyon ay dahil nasaktan siya nang sabihin kong kami na ni Tristan.

Gusto ko siyang tawagan ngayon para pabalikin dito. Pero alam kong hindi na magbabago ang isip niya. Besides, I don't want to be unfair to him. Alam kong masasaktan lang siya kung nandito siya. Kahit papaano, ayaw kong masaktan siya… because he's my friend.

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon