Chapter 21

6.8K 170 1
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng Daddy ni Aiden ay agad akong umuwi ng bahay at nag-impake. Nang tinanong ako ni Mommy kung saan ako pupunta ay sinabi kong sa Paris. Nagulat siya nang nalaman iyon.

"Sino ang pupuntahan mo sa Paris?" tanong niya.

"Si Aiden po," pag-amin ko.

Napakunot-noo siya. "Akala ko ba pinuntahan mo na siya?"

"Wala siya dito sa Pilipinas, Mom. Ang sabi ng Daddy niya, nasa Paris daw siya. Kaya ako pupunta doon ay para makausap siya," sabi ko habang patuloy na nag-iimpake.

Ilang damit ba ang dadalhin ko? Hindi ko naman kasi alam kung magtatagal ako doon. Bahala na nga. Kung sakaling magkulang, magsho-shopping na lang ako doon.

"You met his Dad?" gulat na tanong ni Mommy.

"Yes, Mom."

"Teka nga. Hindi ba makakapaghintay ang sasabihin mo kay Aiden at kailangang ngayon ka mismo umalis? Kakarating mo lang kaninang umaga, ah? Malapit ng gumabi," sabi ni Mommy.

Natigilan ako sa paglalagay ng damit sa bag ko. Napatingin ako sa orasan. It's 5:30 PM. Malapit na ngang gumabi. But I can't wait to meet him.

Tumingin ako kay Mommy. "I'm sorry, Mom. Sobrang importante lang po kasi talaga nito. Ipapaliwanag ko na lang po sa inyo pagbalik ko."

Napabuntong-hininga siya. "Oh, sige. Mukhang hindi naman na kita mapipigilan dahil nag-impake ka agad pagdating mo. Basta anak, mag-iingat ka doon. Alam mo ba kung saan mo siya pupuntahan?"

Tumango ako. "Opo. Ibinigay po ni Mr. Searrs 'yong address ng bahay nila doon."

"Okay, then. Basta tatawag ka kapag may nangyari. O kung hindi man kayo magkita, umuwi ka agad."

Iyon ang huling sinabi ni Mommy bago ako umalis para pumuntang airport at bumiyahe papuntang Paris. Kinabukasan na nang dumating ako sa Paris. Sa sobrang pagod, naisipan kong sa susunod na araw ko na lang siya pupuntahan. Pakiramdam ko kasi ay hindi na kaya ng katawan ko ang pagod.

Ngayon nga ay nandito na ako. Tiningnan ko ang address na ibinigay ng Daddy ni Aiden. Hindi ko sigurado kung dito nga ang tamang lugar na napuntahan ko. Hindi ko naman kasi alam kung kilala ng mga tao dito si Aiden.

But then, I still have to try, right?

Nakita ko ang isang babaeng nagdidilig sa isang bahay doon. Lumapit ako para magtanong.

"Excuse me, Ma'am," sabi ko.

Lumingon siya sa'kin at binitiwan ang hawak. Lumapit siya at bahagyang binuksan ang gate. "Yes? What can I do for you?"

"I was just wondering if you know Aiden Searrs?" I asked.

Umiling siya. "Aiden Searrs? I don't know any Aiden Searrs in this neighborhood. But I know that last name."

"You know 'Searrs'?"

"Yes. Yes," sabi niya at tumingin sa kaliwa. "Just go straight from here. Their last name is engraved on their gate. It's the largest house in this neighborhood."

Tumango ako at ngumiti. "Okay. Thank you for your time."

"You're welcome."

Naglakad na ako papunta sa daan na sinabi niya. Habang naglalakad ay sinusuri ko ang bawat bahay na nadadaanan ko. May pagkakahawig ang kulay ng mga bahay pero magkakaiba naman ang laki nito. Tinitingnan ko rin ang gate nila dahil baka mayroong nakasulat na 'Searrs' sa gate nila.

Napahinto ako sa isang malaking bahay. Tingin ko ay ito ang pinakamalaking bahay sa neighborhood na ito. Naalala ko ang sinabi ng babae kanina. Ang bahay ng mga Searrs ang pinakamalaki sa neighborhood na ito.

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon