Napakunot-noo ako. Bakit ganito ang reaksyon niya?
"May problema ba? Bakit parang hindi ka masaya?" I asked.
He smiled a little. "Uhh, nope. Of course, I'm happy. Hindi na pala natin kailangang pumunta sa bahay niya bukas. Nagkita na pala kayo. Good for you."
May ibinulong pa siya na hindi ko narinig kaya tinanong ko siya. "Huh? Anong sabi mo?"
"Uhh, wala."
Napatango-tango ako at napangiti. "So, congrats to us. Natapos na ang paghahanap natin."
"Yup. Ibig sabihin, I can go back to my past routines. Work, work and work. We probably won't see each other anymore," bahagya pa siyang natawa nang sabihin niya iyon.
Nawala naman ang ngiti sa mukha ko. We won't see each other anymore. Alam ko naman 'yon. But then, kahit papaano pala mahirap tanggapin na pagkatapos nito, hindi na kami magkikita pang muli, even as friends.
Dahan-dahan akong tumango. I forced a smile. "Pero sabay naman tayong babalik ng Manila, 'di ba?"
"Yeah, of course."
Pumasok na kami sa loob ng hotel at tahimik kaming naglakad papunta sa room namin. Nang makarating kami ay walang imik na binuksan niya ang TV.
"Do you want to take a shower first?" I asked.
"Nope. Ikaw na muna. Mamaya na 'ko," sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin. Nakatutok lang ang mata niya sa TV.
Pumasok na ako sa loob ng banyo nang dala-dala ang damit ko. Pagkasara ko ng pinto ay napabuntong-hininga ako. Somehow, I felt hurt. Parang wala lang kasi sa kanya nang sabihin niyang hindi na kami magkikita pa ulit. Akala ko ba magkaibigan kami? Why can't we see each other as friends? I told him before. I can even accompany him if he wants.
Pagkatapos kong mag-shower ay naabutan ko siyang nanonood pa rin ng TV. Nang makita niya ako ay pinatay niya ito at tumayo. Bago pa siya makapasok sa banyo ay pinigilan ko siya.
"Uhh, Aiden…"
"Hmm?"
"D-do you want to... come with me tomorrow? I'll introduce you to Tristan," I asked.
He glanced at me. "Hmm, okay."
Tumango ako. Nagpatuloy na siya sa pagpasok sa banyo nang hindi tumitingin sa'kin.
Umupo ako sa harap ng salamin at nagsuklay ng buhok. Kanina lang grabe siya kung mag-alala. Ngayon naman, para lang akong hangin sa tabi niya.
Nang matapos siyang mag-shower ay dumiretso na siya sa kama niya at nahiga.
"Hindi ka pa ba matutulog?" he asked.
"Mamaya na," sabi ko.
Nagkibit-balikat siya. "Okay. Is it fine if I turn off the lights?"
Tumango ako bilang sagot. Pinatay niya ang ilaw at iniwang nakabukas ang lampshade. Humiga siya ulit at pumuwesto ng nakatalikod sa'kin.
"Goodnight," he said without looking at me.
"G-goodnight," I said. Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n.
Napabuntong-hininga ako. Tinitigan ko lang ang likod niya habang nakaupo ako sa kama. I suddenly felt something inside my chest. Why do I feel hurt? Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong ang lamig-lamig niya sa'kin.
Nagulat ako nang may maramdamang tumulo sa braso ko. Napakunot-noo ako. Tumingin ako sa taas at tiningnan kung may tagas ba ang kisame. Pero hindi naman umuulan. Besides, this is a hotel.
BINABASA MO ANG
Finding The Right One
RomanceLyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big revelation was revealed. Kinailangan niyang magpaalam dito. Unfortunately, she can't because her be...