Chapter 20

7K 167 1
                                    

Nagpalipas muna ako ng isang araw bago ko naisipang bumalik ng Manila. Nagpasalamat ako kay Tristan at nagpaalam na rin. Ipinangako kong babalik ako ng Cebu at kung magiging maayos ang lahat ay isasama ko si Aiden. Nagawa pa nga niyang magbiro nang sabihin ko ang plano kong iyon.

"Basta imbitahan niyo na lang ako sa kasal niyo, ha?" sabi niya at napangisi.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Tumigil ka nga."

Kinabukasan ay maaga akong umalis at nagtungo sa airport pabalik ng Manila. Habang nasa biyahe ay inisip ko ang mga plano ko at ang sasabihin ko sa kanya sa oras na makita ko siya.

Dapat bang dumiretso na agad ako sa kanya bago umuwi sa bahay? O ipagpapabukas ko na lang ang pagpunta sa kanila? Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko o hahayaan ko munang ligawan niya ako? Teka, willing ba siyang ligawan ako? Parang nakakailang naman yata 'yon dahil mas matanda ako sa kanya.

Nakatulog ako sa pag-iisip. Nagising ako nang marinig ko ang announcement na lalapag na ang eroplano sa NAIA. Agad akong umayos at hinintay na makapag-landing ang eroplano.

Naisipan kong dumiretso na lang sa bahay dahil sa naramdaman kong kaba pagkababa ng eroplano sa NAIA. Pakiramdam ko ay wala akong masasabi sa kanya kapag nakita ko siya. Pupuntahan ko na lang siya mamayang hapon, after lunch.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Mommy na nasa garden at nagme-merienda habang may mga hawak na papel. Nang makita niya ako ay napatayo siya.

"Oh, ngayon pala ang uwi mo. Bakit hindi ka man lang nagsabi?" tanong ni Mommy bago humalik sa pisngi ko.

Hinalikan ko rin siya sa pisngi. "I'm sorry, Mom. Biglaan lang. Nahanap na po namin si Tristan at nagkausap na rin po kami kaya napagpasyahan kong umuwi na po."

"Mabuti naman. Kumusta naman daw siya?"

Napangiti ako. "Ayun, maayos na maayos po siya ngayon. May sarili na po siyang bar at successful na rin."

Napangiti si Mommy.

"Aba, mabuti. Masipag siyang bata kaya hindi na ako magtataka kung maging successful talaga siya," sabi niya at natawa. "Teka, hinatid ka ba ni Aiden dito?"

Umiling ako at nawala ang ngiti sa mukha ko. "Hindi po. Actually, kaya po ako napauwi agad ay dahil sa kanya."

"Oh, bakit? Anong nangyari?"

Napagpasyahan kong huwag na lang munang ikwento kay Mommy ang mga nangyari dahil baka hindi niya lang maintindihan. Isa pa, alam kong may mga inaasikaso siya ngayon.

"Uhh, wala po Mom. Nagkatampuhan lang. Pupuntahan ko po siya mamaya sa kanila," sabi ko.

Napailing si Mommy. "Nagkatampuhan? Ano bang ginawa niya sa'yo?"

"Wala po. Ako po ang may ginawa sa kanya." Nasaktan ko siya.

Napabuntong-hininga si Mommy at nakita ko ang seryosong tingin niya sa mga mata ko na para bang sinusuri niya ako. "Oh, sige. Magpahinga ka na muna at mamaya mo na puntahan."

Tumango ako at nagpunta na sa kwarto para magpahinga. Hindi ko na muna inayos ang gamit ko dahil sa pagod.

Pinilit kong makatulog pero hindi mawala sa isip ko ang mga pwedeng mangyari mamaya. What will be his reaction if he saw me? Magiging masaya ba siya kapag nalaman niyang nakipag-break ako kay Tristan? Papaniwalaan ba niya ako kapag sinabi kong mahal ko siya?

Shucks! I feel like something bad is going to happen. Sana feeling ko lang 'to at wala talagang masamang mangyayari.

**

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon