Tagalog

1K 14 0
                                    

1. Akala ko sa ' H ' nagsisimula ang happiness , sa ' U ' pala .

2. Ang buhay sandali lang pero makasaysayan bawat mahalagang tao sa buhay mo may role na ginampanan pwede magtanong ? Ano ba naging role ng isang '' Patrick " sa buhay mo ?

3. Pangalan mo palang kinikilig na ako , pano pa kaya kung magkaapelyido na tayo ?

4. Kung ayaw mong mainlove ng todo , huwag mo na subukang tingnan pa ko bahala ka baka mabaliw ka ng husto .

5. Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya . Di ko alam Nalunod na pala siya at Nasagip na ng iba .

6. Hindi man tayo sabay pinanganak , kahit ikaw yung mas matanda o bata , magin akin ka lang promise , sabay tayong tatanda .

7. kung andito ka siguro sa tabi ko , wala siguro akong magagawa kundi titigan ka , tumingin sa mga mata mo pero sabay ng pagtitig ko sayo ang dalanging " sana hindi ka na mawala sa buhay ko .

8. Kahit wala ako , malayong malayo sayo tandaan mo di kita makakalimutan dahil kahit nasaan ako dala ko parin ang puso ko na walang ibang laman kundi pangalan mo .

9. Mahirap pag may sakit di makakain , hirap lumunok tapos sasabihin pa nila na " Kain ka na kahit tatlong kutsara lang " Asar ! pagkain nga lang hirap ka ng lunukin kutsara pa kaya .  ︶︿︶

10. Paano kung inlove ka na sa isang tao tapos one day bumalik yung una mong minahal ng sobra ? Sino pipiliin mo ? Yung dati na gusto mong balikan o yung ngayon na ayaw mong saktan ?

Quotes 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon