Chapter 05
Obsessed
I feel so humiliated! I am not broke. I have money! At hindi sana mawawala iyon kung hindi dahil sa suhestiyon ni Rex Niccolo kay Papa!
I'm a spender, I admit. Pero kahit kailan, hindi naisipan ng mga magulang ko na pagbawalan ako sa paggasta. That was the only way they could make up to me for all those years that I was alone because they're all swamped with work. Hindi ko maintindihan bakit ginawa iyon ni Papa ngayon! Dahil ba sa mga eskandalo ko ngayong taon? E kung paniniwalaan naman nila ako, mas magiging maayos ang lahat. They just have to believe me but instead they drew conclusions in their heads, e mali naman nga ang mga iyon!
Nakakainis! Nakakagalit!
"That's not where your car was parked," rinig kong sabi ni Rex Niccolo. Hindi ko sana papansinin ang sinabi niya pero narealize ko na tama siya. Padabog akong lumiko at dumiretso sa tamang daan.
Mas lalo lang akong naiinis na nagkautang pa ako sa kanya. He paid for my food! Hindi ko hiningi na gawin niya iyon pero binayaran niya. And it's not like I could protest in front of the manager and the waitress. Wala na nga akong pera, tatanggihan ko pa ang bayad ni Rex Niccolo? Baka pa hindi na ako palabasin doon. Nakakahiya talaga! Hindi na ako babalik sa restaurant na iyon kahit kailan!
"Next time, don't go out spending if you don't have money," aniya nang papasok na ako sa sasakyan namin. Natigilan ako. Hinarap ko siya at mariing tiningnan.
"Well, damn you! Kasalanan mo naman bakit nangyari 'yon."
His brows furrowed. "How is it my fault?"
Ugh. So annoying!
"Don't act like you're not at fault. It was your idea to cut off my money."
"That was your family's money. You didn't work hard for it."
Mas lalo yatang nagbaga ang galit ko sa sinabi niya. "Pakialam mo ba?! Binigay nila iyon sa akin kaya akin iyon."
"And in exchange for all that money, what do you give your family back? A ton of problems? Aren't you embarrassed with yourself?" he asked seriously.
Umawang ang labi ko at hindi agad nakasagot. How dare him...
"We have a big project and Architect Vallejo can't concentrate on it because he's so occupied with you. Doesn't that bother you?"
Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili. Naramdaman ko rin ang init sa mga mata ko. Don't cry, Bobbi! This isn't worth your tears.
"I hope you'd be more responsible. That will help your family a lot," muli niyang sabi bago ako tinalikuran. Gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko dahil masyado siyang pakialamero.
So what if my family tells him their problems? That doesn't give him the pass to say things like that to me. Oo at aware siya sa nangyayari sa pamilya namin. Pero kailangan ba talaga na makialam siya ng ganoon? That's too much. Saying mean things to me was overboard.
Pumasok na ako sa sasakyan at kasabay noon ang pagbuhos ng luha ko. Why am I even crying because of this... Walang kwenta naman. Nakita ko pa na kinausap ni Rex Niccolo 'yong isang guard at parang may ibinilin doon. Hindi ko na lang inisip kung ano ba 'yon at inutusan na ang driver na umalis na.
Nang makauwi sa bahay ay naisip ko pa sanang kausapin si Papa tungkol sa cards ko pero wala na akong lakas. Masyado akong naapektuhan sa sinabi ni Rex Niccolo kahit na hindi naman dapat. If it's true that Papa can't concentrate on his work because of me, should I risk fighting with him again tonight? E 'di mas lalo na naman 'yong nagalit at baka kung anu-ano pa ang sabihin sa trabaho. Tss.
BINABASA MO ANG
Nights Like This
RomanceBarbara Isobel Vallejo believes that the only way to fully enjoy life is through booze, parties and rebellion. Pinanganak sa mayamang pamilya, kailanman ay hindi niya naramdaman na kahihiyan ang pagkakaroon ng maraming pera. It was, after all, becau...