Chapter 18

475 16 5
                                    

Chapter 18

Shift


"Black coffee again?" tanong ko kay Rex Niccolo na nasa harap ko para umorder.

It's a busy Wednesday evening. Marami ang tao sa coffee shop at halos lahat ay estudyante mula sa Aquinas. I get the reason why everyone's here. It's midterm week. Nandito sila para mag-aral.

"I don't need something that strong. Can you recommend a drink?"

"Oh? That's new..."

Sa ilang beses niyang punta rito sa coffee shop mula nang makabalik siya galing Hong Kong, laging black coffee ang kinukuha niya. I don't have a say on it but sometimes I'm tempted to switch his order. I understand he's a busy working man but too much coffee intake can't be good, right? Hindi ko nga lang iyon ginagawa dahil baka magreklamo pa siya kapag ganoon at mapapagalitan pa ako.

But now that he asked, of course I have something in mind.

"We have bottled water here," suhestiyon ko at nilahad ang nakahilerang bote ng tubig sa tabi ng cash register.

"Really..." aniya sa mababang tono, tila hindi natuwa sa sinabi ko.

"I'm not joking. Mag tubig ka na lang."

"Ayaw mo ba akong pagbilhan?" tanong niya.

"Well, you asked for my recommendation, didn't you? I'm saying have some water."

Nilingon ko ang likod niya at nakitang wala namang tao. Kung mayroon, dapat hindi na kami nag-uusap dahil baka mainip ang susunod.

"I'll have water, then," he said after a minute of just staring at me. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tuwa na naramdaman ko sa sinabi niya pero nakaramdam ako noon.

"Wala nang bakante. Are you staying?"

May bakanteng upuan sa isang table sa gitna pero alam kong hindi naman siya uupo roon. Lalo pa't pare-parehong nagre-review ang mga nakaupo roon. Whenever he goes here, he prefers to sit alone. Problem is, now, there is no available seat for him.

Inangat ni Rex Niccolo ang hawak na bottled water.

"Can't stay here with just this, anyway," aniya.

"Right... I don't think that's allowed."

He paid for the water and left. Pinapanood ko ang likod niya nang bigla akong kalabitin ni Jao.

"Boyfriend mo?" tanong niya. He's busy wiping one cup when he approached me.

"Sino?" tanong ko pabalik.

"'Yong kausap mo?"

My eyes widened. "Rex Niccolo? God, no," natatawa kong sagot.

"Talaga? Parang pumupunta lang 'yon dito para sa'yo," ani Jao na mas lalong nakapagpatawa sa akin.

"Hindi mo man lang naisip na baka masarap ang kape dito kaya bumabalik?"

"Hindi. Maraming mas magandang coffee shop sa labas."

That's true. May Starbucks 'di kalayuan at isa pang coffee shop sa parehong block. But I can't be the reason why Rex Niccolo goes here. That's ridiculous.

"Hindi mo ba pansin na panay ang sulyap noon sa'yo kapag kumukuha ka ng order at siya naman nakaupo kung saan?"

"Huh? Hindi." Why would Rex Niccolo do that? I personally don't stare at somebody unless I need something from that person. Kung ganoon din siya, wala siyang dahilan para gawin 'yon dahil bayad na ako sa utang ko sa kanya.

Nights Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon