Chapter 08
Inspiring
I really don't get Rex Niccolo. Hindi ko alam ano ba ang tumatakbo sa isip niya.
"I'll pay you! With interest. Ilan ba?" agad kong tanong nang bumukas ang elevator at likod niya agad ang nakita ko.
Napatingin sa akin ang ilang empleyado dahil napalakas ang boses ko. Bigla tuloy akong nahiya dahil minsan nga lang ako pumunta rito pero nagsisisigaw pa ako.
Nginitian ko ang ilan bago bahagyang yumuko at tahimik na sumunod kay Rex Niccolo. Nakarating kami sa opisina niya. I closed the door because I don't want the employees to hear me if ever I shout again.
"Bob? You're here?"
Nakita ko si Kuya Nikko na nasa couch ng office ni Rex Niccolo at mukhang naguguluhan pa na nakita niya ako rito.
"Kuya! I was looking for you!" mabilis kong sagot.
"Why?"
Tumayo si Kuya Nikko para mayakap ako. I hugged him back. Nagkatinginan kami ni Rex Niccolo kaya binigyan ko siya ng mariing tingin. Tinaasan niya ako ng kilay. Ang suplado! I just hope he shuts up because I don't want Kuya to know what we were talking about before we went inside the office. Amin na lang 'yon dahil sigurado akong kapag nalaman ni Kuya, baka ikwento niya pa kay Papa. And then I'd get scolded again for literally the smallest of things. Nakakasawa.
"May ilalagay ako sa sasakyan mo. I-drop off mo na lang sa bahay."
"What is it? Package?"
Ipinaliwanag ko kay Kuya Nikko ang sitwasyon. He was on the verge of lecturing me again about my spending but I cut him off too soon.
"Sige na, Kuya. I need to leave in..." sabi ko at tiningnan ang relo. Forty minutes na lang pala ang mayroon ako bago mag alas singko. "Five minutes. Kailangan ko nang bumalik sa Aquinas."
"Paano ka babalik doon? Kasama mo ang driver?"
"Hindi... I borrowed Ethan's car. Tapos na 'yon mag-enroll kaya kailangan ko nang bumalik."
"What the hell, Bob? Why would you drive Ethan's car?"
"Mamaya ka na magalit sa'kin. Please, tara sa basement at ililipat ko na lahat sa sasakyan mo."
Hinila ko na si Kuya Nikko palabas ng office. Marami pa siyang gustong sabihin pero pinigilan ko na. Bago tuluyang makalabas sa office ay binalingan ko si Rex Niccolo.
"I'll text you," sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya. Kung may oras pa sana ako ay magtatagal talaga ako roon para ipa-compute sa kanya kung ilan ba ang babayaran ko.
Maraming sinasabi si Kuya Nikko pero hindi ko na lang iniintindi. I just nod and say yes every now and then. Hindi ko nga alam kung ano ba iyong mga sinang ayunan ko.
"Papa will know about this. Pagagalitan ka na naman."
I shrugged. Kung bibigyan lang nila ako ng kalayaan hindi naman sila mamomroblema sa akin. They just have to believe that I know what I'm doing. Magastos at madalas pumarty, oo. But at least I'm responsible in my studies and I don't hurt people? E sa ginagawa nila sa akin, sinasaktan lang nila ako at mas lalo lang lumalayo ang loob ko sa kanila.
"So be it," sagot ko. "Thanks, Kuya. Balik ka na sa trabaho mo. Sorry sa abala." Mukhang may pag-uusapan sila ni Rex Niccolo kaya naroon siya sa opisina.
"I really don't know how to control you and your stubbornness," he said and shook his head.
"You can't. You all should just let me go. Hindi na ako bata."
BINABASA MO ANG
Nights Like This
RomanceBarbara Isobel Vallejo believes that the only way to fully enjoy life is through booze, parties and rebellion. Pinanganak sa mayamang pamilya, kailanman ay hindi niya naramdaman na kahihiyan ang pagkakaroon ng maraming pera. It was, after all, becau...