Chapter 06

490 17 0
                                    

Chapter 06

Friends


Gulat na gulat ako sa sinabi ni Mama tungkol kay Yael. I'm aware that he's into me, alright. For years. Pero kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na obsessed siya sa akin. That's just too extreme!

Yael can be very extra with his gifts, I know, but I always return it to him if I know that it's too much. Kung accessories, bag o sapatos, okay lang. Pero iyong yate? I begged him to take it back kasi sobra sobra naman iyon. And now, a freaking house and lot? Ayos lang ba siya?!

"Is that true, Ma?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

"I'll send you the papers tomorrow if you're not convinced. Huwag mo na siyang tanungin dahil gusto kong lumayo ka na roon."

I'm convinced, actually. And hella surprised. My parents may be tired of my shit but I know they wouldn't create a lie of that weight. Lalo pa kung para lang sa rason na layuan ko si Yael. There are other ways to convince me but lying won't be one of those. Napapailing na lang ako sa sobrang pagkagulat.

"He's insane for that!"

Mama gave me a warning glare. Her face is telling me that if I don't follow her, I'm totally done for. Sa kalsada na ako pupulutin.

"I never liked that boy. His influence on you always gives me headaches. I'm telling you, Bobbi. Follow my orders or suffer the consequences. And don't even think of accepting that house and lot because you'll see..." sabi ni Mama. Sa tingin niya pa lang, alam kong malupit na ang hindi niya natuloy na banta.

Wala naman talaga akong balak tanggapin iyon. I won't accept something like that. Especially if it's from someone who's not my blood.

Matagal akong natulala kaiisip sa nalaman mula kay Mama. Halos hindi ko na maramdaman ang pagkapahiya na naranasan kanina sa hapag. I wanted to text Yael but everytime the thought pops in my head, Mama's words linger on my ear.

Susundin ko ba siya? Probably. If I do, I'll get my money back. Kung hindi, maghihirap ako. At sa tayog ng pride ko, hindi ko hahayaan ang sarili na mangutang sa mga kaibigan. I'll never do that! Magtitiis na lang ako kaysa ang gawin 'yon!

So this means that from now on, I have to avoid Yael... It's going to be hard since we've been friends for years. At weird kapag bigla ko na lang puputulin ang ugnayan namin. But I know it's weirder if I confront him about the house and lot. Ano ang magiging reaksiyon ko kapag sinabi niya na para talaga iyon sa akin at dapat tanggapin ko? I'm sure I'll freak out. At s'yempre, gagawin ko ang lahat para kumbinsihin siya na bawiin iyon.

My phone beeped for a message. Kinuha ko iyon para matingnan.

Yael:

Last night out before your school starts? I miss you.

Napakurap kurap ako sa nabasa. Dati naman, hindi ako naninibago kapag sinasabi niya na namimiss niya ako. The usual kiss and heart emojis don't even bother me. Pero dahil sa sinabi ni Mama, medyo nailang ako bigla. I know obsessed is such a heavy word pero... hindi rin imposible kung iisipin ko talaga.

Hindi ako nagreply at nag-isip pa kung iblo-block ko ba si Yael. In the end, hinayaan ko na lang. Hindi ko na lang bubuksan sa susunod ang mga texts niya kung sakali.

Another message came in. Halos mabitawan ko iyon sa gulat. It's from Rex Niccolo. Hindi ko naman inaasahan na magti-text siya sa akin. Lalo pa't sa tingin ko, hindi naman dapat at wala namang dahilan para gawin iyon.

Rex Niccolo:

Are you okay?

Alam ko kaagad kung ano ang tinutukoy niya. Must be the awful dinner that we had. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan bakit siya imbitado roon. Well, it's not the first time that he joined us. May mga iilang pagkakataon na rin naman noon. I just don't remember it well because I always rush when eating with my family. Minsan, wala lang talaga akong pakialam sa paligid.

Nights Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon