KABANATA 5

13.4K 331 28
                                    

Kabanata 5.

Naglakad ako patungo sa kusina. Bumungad sa akin ang napakalawak na kusina at ang ilang mga chefs na abala sa kanilang mga ginagawa.

"Excuse me, pwede ko po bang dalhin ang ilang upuan sa gym? O kahit ang lamesa?" Tanong ko sa unang chef na nakita ko.

Matandang babae ito na mukhang mabait. Tumango ang matandang babae sa akin kaya napangiti ako.

"Thank you po."

Matapos kong magpasalamat ay lumabas na ako ng kusina. Naglakad ako palapit sa may upuan.

"What are you doing?"

Natigilan at nagulat ako dahil sa lalaking kanina lang ay nakaupo ngunit ngayon ay nasa tabi ko na. Hindi ako nakarinig ng footstep kaya hindi ko namalayan ang paglapit niya.

"Mr. Sevrus class. Sa tingin ko ay alam mo na ang kailangan kong gawin," sagot ko sa lalaking nasa tabi ko.

"You want to bring a chair, for real?" Tanong nito sa akin.

Ngunit nagtungo muna ako sa lamesa upang subukan na buhatin ito ngunit hindi ko nagawang i-angat man lang ang lamesa kahit konti.

"Bakit ang bigat nito," saad ko at sinubukan muli na buhatin ang lamesa.

Tumigil lang ako sa aking ginagawa nang makarinig ako ng natawa. Masama kong tiningnan ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko na para bang isang supervisor.

"Why are you so weak?" Pang-aasar nitong tanong sa akin kaya lalo ko siyang pinanlisikan ng mata.

Lumapit ito kung nasaan ako at gamit ang isang kamay ay inangat niya ng walang kahirap-hirap ang mabigat na lamesa.

"Do you want my help?" Seryosong tanong nito sa akin kaya hindi ako sigurado kung inaasar niya ba ako o talagang nagtatanong siya dahil gusto niya akong tulungan.

Ngunit natigilan akong muli dahil may naisip akong ideya.

"Are you busy? Wala ka naman ginagawa, hindi ba?" tanong ko dito. Tumango siya kaya napangiti ako.

"Kung ganon, ikaw nalang ang dadalhin ko tutal mabigat ka at pwedeng magdala ng tao," pahayag ko.

Muli akong tinawanan ng lalaki matapos kong magsalita. Para bang may sinabi akong nakakatawang joke sa kaniya.


"Seryoso ako."

"Fine, you want to carry me?"

Mabilis akong tumango nang marinig ko ang sinabi niya.

"Piggy back ride," tumalikod ako sa kaniya ng sabihin ko iyon.

"Ano palang pangalan mo? I am Elara," pagpapakilala ko dito habang nakatalikod.

Ramdam kong ipinatong niya ang kaniyang dalawang braso sa aking balikat.

"Ravi. You can call me Ravi," pagpapakilala nito sa akin.

Ngunit nagulat ako dahil bigla nalang ako nitong niyakap patalikod sa aking leeg. Hindi mahigpit ang pagkakayap niya sa aking leeg dahil nakakahinga pa ako ng maayos.

Natigilan ako dahil naramdaman ko ang kaniyang hininga malapit sa aking tenga. Siguradong nakayuko siya sa akin ngayon.

"I don't think you can carry me, Elara." Rinig kong bulong nito sa akin gamit ang kaniyang malalim na boses kaya wala sa sariling napalunok ako dahil sa kaba.

"F-Fine," saad ko at mabilis na lumayo kay Ravi.

Nang hinarap ko siya ay napansin ko ang ngisi sa kaniyang labi.

Dahil sa kaba ay hindi ko na pinansin pa ang lalaking kasama ko. Napagpasyahan ko nalang na simulan ang dapat kong ginawa kanina pa.

"Let me help you," saad nito sa akin.

Pinagpatong-patong niya ang anim na upuan.
Nagulat ako ng buhatin niya ito palabas.

"Hindi pwede. Ako dapat ang magbuhat at baka may makakita," pahayag ko dito ngunit hindi siya tumigil.

"Ravi," tawag ko dito kaya nilingon niya ako.

Ilang segundo akong tinitigan ni Ravi bago niya napagpasyahan na ibaba ang mga upuan na hawak niya.

"Okay," he said with a straight face.

Binuhat ko ang mga upuan at halos magulat ako dahil sa bigat nito ngunit pinilit ko pa rin bitbitin. Iniwan ko na si Ravi sa loob ng main building.

Nang makarating ako sa gym ay nagtungo agad ako sa harap ni Mr. Sevrus.

"Name," saad nito sa akin at tumingin sa aking bitbit.

"Elara Mauve Feath," tugon ko kay Mr. Sevrus.

"Elara Mauve Feath. You brought 6 chairs from dining hall. I will give you a 3 out of 10 marks. Do better next time," ani ni Mr. Sevrus.

Hindi ko alam na bibigyan pala kami ng marka. Akala ko ay para sa attendance lamang iyon. Kaya pala walang nagdadala ng upuan dahil mababa lang ang marka na makukuha.

Wala akong nagawa kundi ang ibalik na ulit ang mga upuan. Nang makarating ako sa main building ay nakita ko si Ravi pagpasok ko.

Walang sabi-sabing kinuha niya ng walang kahirap-hirap ang mabibigat na upuan sa akin. Sinundan ko siya papasok ng dining hall.

"Alam mo na siguro kung bakit walang nagdadala ng mga upuan sa klase ni Mr. Sevrus," pahayag sa akin ni Ravi. Tumango ako.

"Kaya dapat ikaw nalang talaga ang dinala ko," tugon ko sa kaniya.

Akala niya hindi ko siya kaya. Hindi man lang subukan para malaman. Mukha siguro talaga akong mahina sa paningin niya.

"I can carry you but you can't carry me. Mas mabigat pa ako sa lamesa na nandito," saad pa ni Ravi.
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako naniniwala lalo na dahil hindi siya mataba, siguro ma-muscle lang siya.

"Teka, wala ka bang klase?" Tanong ko kay Ravi dahil mukhang nakatambay lang siya dito.

"Meron pero inaantok ako," sagot nito sa akin kaya napailing nalang ako.

"Good for you."

Nang maibalik na namin ang mga upuan ay nagtungo na ako sa labas.

Nang makarating ako sa gym ay nakita ko rin si Alkina na nakaupo sa gilid at nagpapahinga. Nilapitan ko agad siya.

"Anong dinala mo?" tanong ko sa kaniya.

"Cabinet na may laman, ikaw ba?" sagot nito sa akin kaya natawa ako.

"Upuan ng dining hall."

The Girl In The City Of HinterlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon