KABANATA 8

7.5K 273 35
                                    

Kabanata 8.

Bakit ko nga ba inisip na magkaibigan kaming dalawa? Masyado yata akong nagiging komportable sa mundong ito kaya akala ko lahat ng makilala at makausap ko ay magiging malapit na sakin.

Sinipa ko ang sangang nakaharang sa aking daan. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Kung ayaw niyang makipagkaibigan sa akin ay okay lang. Hindi ko siya kailangan. Hindi rin masama na mag-alala sa kapwa tao.

Kasalanan ko ba na nag-aalala lang ako dahil baka masuspend siya o baka may mangyaring hindi maganda habang nasa labas siya ng Hinterland.

Konsensya ko pa kapag nangyari iyon.

Habang naglalakad ako pabalik ay tsaka ko lang napansin na parang walang mga halimaw sa lugar na ito. Kaya siguro malakas ang loob ni Ravi na lumabas dahil wala naman palang mga halimaw sa parte na ito.

Napairap ako sa ere.

Bumuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad. Hinarap ko si Ravi na kanina pa ako sinusundan.

"Kaya kong makabalik mag-isa," seryosong usal ko sa lalaking kaharap ko. Naiinis talaga ako dahil hindi ko magets kung bakit napaka lamig ng pakikitungo niya ngayon. Para bang hindi kami magkakilala.

Ibang-iba noong nakausap ko siya sa dining hall. Para siyang ibang tao.

"There's a lot of ogres around here," pahayag niya sa akin. Napairap muli ako dahil sa tono ng boses niya.

"I can handle them," tugon ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Ravi. Napakamot ito sa kaniyang ulo bago mabilis na humakbang papalapit sa akin.

"Let's go back."

Matapos magsalita ni Ravi at nang makalapit siya sa akin ay hinawakan nito ang aking kamay. Hinigit ako ni Ravi at mabilis na naglakad.

"Teka lang, kaya ko naman mag-isa. Hindi mo na ako kailangan samahan pabalik! Gawin mo nalang ang kailangan mong gawin," lintanya ko kay Ravi ngunit hindi niya pinansin ang mga sinabi ko.

"Ravi. Are you listening?"

Napabuga nalang ako ng hangin dahil hindi ako nito pinapansin. Nang makarating kami malapit sa pader ay binitawan na nito ang aking kamay.

Ngunit nagulat muli ako dahil binuhat ako nito na para bang sako.

"What are you doing? Ravi, put me down!"

"You're noisy, Elara."

Muli akong nagulat ng tumalon si Ravi paakyat sa taas ng pader. Halos malaglag ang panga ko dahil hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ang bagay na iyon.

Nang makarating kami sa kabilang bahagi ng pader ay ibinaba niya na ako.

"Next time, just ignore me," pahayag ni Ravi sa akin.

"I will. Hindi mo na kailangan sabihin sa akin." Seryoso kong tiningnan si Ravi bago ako naglakad pabalik sa dorm.

Nang makabalik ako ay pabalang akong humiga sa kama. Nakakainis. Hinatid niya lang ako pabalik para sabihin na huwag siyang pansinin sa susunod. Sino ba siya?

Hindi ko na talaga siya papansinin at kakausapin kahit kailan tutal hindi kami magkaibigan.

Mabilis na lumipas ang araw. Tatlong linggo na din ako dito sa Academy at sanay na ako sa araw-araw na schedule.

Sa susunod na linggo ang araw kung saan kailangan namin lumabas ng Hinterland upang pumatay ng goblins. Isa iyong practical exam para sa amin.

Kailangan namin pumatay ng 20 na goblins kada estudyante. Pwede naman humanap ng kapartner upang may katulong at pwede rin na mag-isa kung kaya naman.

The Girl In The City Of HinterlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon