Kabanata 9.
The next morning. I received a letter from my brother saying that he received my letter.
Noong una, naguluhan pa ako kaya matagal akong tumitig sa maikling sulat ngunit hindi nagtagal ay nakuha ko din ang ibig niyang sabihin.
Nabasa niya na at siguro magpapadala nalang ito ng carriage para sa akin.
Nakaupo ako sa kama at handa ng umalis. Nakasilip si Theiry sa may bintana at abala sa pagtingin sa labas.
"Elara, nakita ko na si Mommy!" masayang sigaw nito makalipas ang ilang saglit. Napatayo ako at sumilip sa may bintana.
"Take care, Theiry," saad ko sa kaniya ng bitbitin niya na ang maliit na suitcase na dadalhin niya pauwi.
"You too Elara. See you on Tuesday!" nakangiti nitong saad sa akin habang kumakaway.
Nang makalabas si Theiry ay sumilip muli ako sa bintana. Pinagmasdan ko ang mga estudyante sa baba at ang mga nakaabang na carriage.
Naisipan ko ng bumaba ngunit hindi ko ginawa dahil madami ng estudyante sa labas na nag-hihintay din. Mas mabuti rin na dito mag-hintay sa aming dorm upang makita ang mga paparating na carriage.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal mag-hihintay sa aking sundo at hindi ko rin alam kung sino ang susundo sa akin.
"Elara."
Napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita. Nawala ang atensyon ko sa tao sa labas. Mabilis akong napalingon sa taong biglang sumulpot sa loob ng dorm namin ni Theiry.
Malakas na tumawa si Ravi ng humarap ako sa kaniya. Para bang inaasahan niya na ganon ang magiging reaksyon ko.
Nanlaki naman ang mata ko ng marealize ang isang bagay.
"Are you crazy? What are you doing here? Do you want to be punish?" Nanlalaki ang matang tanong ko dito.
"Punish? No one can punish me, Elara." Nginisian ko ni Ravi na para bang confideng na confident siya.
"Get out. Boys are not allowed here."
"I came here to bid farewell. I plan on coming with you but I need to do something," pag-iiba nito ng usapan.
"Alright," maikling saad ko sa kaniya.
"Disappointed?" Nakangising usal ni Ravi na halatang nang-aasar. Otomatikong napairap ako dahil sa sinabi niya.
"Why would I?"
"Because I am," sagot nito sa akin. Hindi ako nakaimik.
Muli akong tumingin sa labas.
"Are you going home too?" Tanong ko kay Ravi habang ang aking mata ay nakatingin sa mga tao sa baba.
"No," maikli nitong sagot.
Ilang minuto akong hindi nagsalita. Nilingon ko si Ravi at napailing nalang ako ng makita kong wala na ito sa loob ng dorm.
Muli akong tumingin sa labas. Ang una kong nabungaran ay ang naglalakad na si Ravi sa baba hindi kalayuan sa mga kumpol ng estudyante.
Pinagmasdan kong mabuti ang naglalakad na si Ravi. He looks different from afar. Like a different person. He was emitting a dangerous and unapproachable presence. Like a monarch that rules the underworld. Not to forget that he has this undeniably perfect appearance. Like the God sculpted his face and body meticulously with a perfection in mind.
I don't really understand him sometimes. He's like this world. Full of mysteries and dangerously fascinating.
Nawala ang atensyon ko kay Ravi ng makita ko si Kuya Elioth na bumaba sa isang carriage. Nanlaki ang mata ko sa gulat at bago pa ako makagalaw ay nagtama na ang aming paningin na para bang alam niya na nakatingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Girl In The City Of Hinterland
FantasyEscaping from the person she hates the most. Elara found herself in a strange and perfectly fine abandoned city but it turns out that she unknowingly entered a different world. Genre: Fantasy/Romance/Adventure Read at your own risk. Ebook available...