KABANATA 7

8.8K 292 7
                                    

Kabanata 7.

Matiwasay akong nakabalik sa dorm ngunit hindi rin ako nakatulog. Magdamag na mulat ang aking mata dahil sa nakita ko.

Nababaliw na ba siya?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan na nakita kong lumabas ng Academy si Ravi. Hindi lang sa Academy dahil sa mismong labas ng Hinterland siya bumaba. Okay lang sana kung sa kabilang bahagi siya ng wall ng academy bumaba dahil ang babagsakan niya pa rin ay loob ng Hinterland ngunit hindi.

Halos pagpawisan ako dahil sa kaba at takot para kay Ravi. Napapaisip na rin ako kung talaga bang estudyante siya ng Academy na ito o baka isang spy ng kung ano man ngunit alam kong malabo iyon.

Nakatulala ako buong umaga hanggang sa lumipas ang mga pang-umagang subject. Maging sa pagkain ay nakatulala lamang ako na para bang naiwan ang aking kaluluwa sa lugar na iyon kagabi.

Ako ang kinakabahan at natatakot lalo na sa tuwing naalala ko ang mga halimaw sa labas ng Hinterland City.

"Elara!" tawag sa akin ni Alkina kaya napatalon ako sa gulat. Inabutan niya ako ng wooden sword.

"See the dummies in front of you. Try to destroy them using 20 hits. I will check later if you succeed or fail," pahayag ni Mr. Spencer.

Nilingon ko si Alkina nang marinig ko siyang magsalita "Kanina ka pa tulala, ano bang nangyari sayo?"

Abala si Alkina sa paghampas ng dummy na nasa harapan niya kahit nagsasalita siya. Ngayon ay nagtetraining kami at si Mr. Spencer ang aming instructor.

Magkakatabi kaming tatlo nina Alkina at Jaireen pero malawak pa rin sa pagitan namin. Sa harap ng bawat estudyante ay may nakatayong dummy.

"Pansin ko din. Mukhang hindi rin nakatulog ng maayos si Elara," saad pa ni Jaireen habang abala din siya sa paghampas ng dummy sa harapan niya.

Bumuntong hininga ako. Sinimulan ko na ang pinapagawa sa amin ni Mr. Spencer.

Hindi ko na rin nagawang sagutin sina Jaireen at Alkina dahil naglakad na malapit sa amin si Mr. Spencer.

Ngunit nakakadalawangpung hampas na ako ay hindi pa rin nasisira ang dummy sa harapan ko. Mukha nga itong bago pa at hindi nagalaw.

Napatingin ako kay Jaireen at Alkina. Hindi rin tumba ang kanilang dummy ngunit wasak naman ang mga ito. Makikita mo ang hiwa sa paligid nito na para bang ginamitan ng matalim na espada. Nangunot ang noo ko dahil sigurado ako na ang gamit lang nila ay wooden sword.

"Paano niyo nagawa yan?" tanong ko sa kay Alkina.

"Aling 'yan?" Tanong pabalik ni Alkina sa akin. Tumingin ito sa dummy ko at halos manlaki ang mata niya dahil wala man lang itong sira.

"Don't tell me hindi ka gumamit ng aura?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alkina.

"Aura? What do you mean?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Aura. I mean ang energy na nilalabas ng ating katawan na nagagawa nating i-manifest sa ibang bagay. Hindi mo alam?"

Pinanlakihan ako ng mata ni Alkina.

Napakurap ako bago ako tumango naman ako. Hindi ako alam dahil hindi ako lumaki sa mundong ito.

"Mabuti pa ipakita nalang natin kay Elara ang aura na tinutukoy natin," saad ni Jaireen kay Alkina.

"Panoorin mo lang ako," patuloy pa ni Jaireen.

Pinanood ko siya at nakita kong lumiwanag ang wooden sword na hawak niya. Nabalutan ito ng puting liwanag. Hiniwa niya ang dummy ng walang kahirap-hirap at halos malaglag ang panga ko dahil nahati ang dummy niya.

The Girl In The City Of HinterlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon