KABANATA 12

6K 296 31
                                    

Kabanata 12.

Nang makabalik kami sa dorm ay walang imik ang tatlo na para bang nakahiwalay ang kaluluwa nila sa kanilang katawan. Hindi sila ganito kaya naninibago ako sa kinikilos nila.

Naupo ang tatlo sa kama ni Theiry ng makapasok kami sa aming dorm samantalang naupo ako sa kama ko kaharap sila.

Pinagkrus ko ang aking braso at pinanliitan ko sila ng mata. Nanahimik sila simula noong marinig nila usapan tungkol kay Sweven Ashdawn.

"Ano bang meron kay Sweven Ashdawn at para bang nalanta kayo noong narinig niyo na nakita sila noong ibang babae?" tanong ko sa mga ito.

"Nakita nila si Sweven Ashdawn samatanlang ako hindi," lugmok na usal ni Alkina.

"Ganito ba talaga ka-unfair ang mundo?" saad naman ni Jaireen na para bang sumuko na.

"Bakit ang malas nating tatlo?" Sinundan pa ng nakasimangot na si Theiry na para bang maiiyak.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kinikilos nila ngayon. Hindi ko rin sigurado kung nagbibiro ba sila o seryoso sila sa sinasabi nila.

"Sino ba yang si Sweven Ashdawn at para bang baliw na baliw kayo sa kaniya?"

Matapos kong magtanaong ay sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa akin bago sila nagkatinginan sa isa't isa.

"Oo nga pala, nakalimutan namin na bago ka nga pala sa Academy," unang nagsalita si Jaireen.

Tumango ako sa kanila.

"Speak," usal ko sa mga ito.

"Sweven Ashdawn. The most talented student in Hinterland Academy. Son of the Mayor and a hot-so-gorgeous-sexy human being," pahayag ni Alkina habang nakangiti at kinikilig.

Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang tawa ko. Para talaga silang fangirl.

"You can't say that he's handsome because he is more than that. It's even hard to describe him with the right words. He carried an air of coldness and danger around him. His eyes, even though was sharp, the laziness was still evident. You could only hold your breath if you made eye contact with him. He sees people as worthless things but you can't deny the fact that he deserve to treat people like that," mahabang saad ni Jaireen.

Napangiwi ako dahil sa huli nitong sinabi. He sees peoples as worthless things? Hindi ba sila na-offend sa bagay na iyon dahil ang iniidolo nila ay ganon ang tingin sa kanila?

"He is like a demigod for us. Everyone wants to capture his heart and marry him but no one can. You can compare him to an untamed mythical beast. Gorgeous and dangerous," seryosong usal ni Theiry na para bang nagdedescribe ng isang kaakit-akit na bagay na hindi niya kayang makuha.

"Are you guys serious?" Hindi makapaniwalang singhal ko sa kanilang tatlo.

Dinaig pa nilang tatlo ang mga fangirls sa mundong pinanggalingan ko. Hindi ko rin talaga masabi kung seryoso sila o pinagtitripan nila akong tatlo.

"Elara, I understand why you are frustrated but believe us. We are telling the truth and the truth only," seryosong saad ni Jaireen kaya hindi ako nakapagsalita. Napangiwi na lamang ako.

"To see is to believe. Kapag nakita mo si Sweven Ashdawn. Tsaka ka lang maniniwala sa sinasabi namin. Sa sobrang attractive at charming niya mahuhulog ka na lang basta. Hindi kami nagbibiro," usal ni Theiry.

Kung si Ravi ang dinedescribe nila ay maniniwala pa ako dahil saktong-sakto ang lahat ng description na sinabi nila kay Ravi.

"Kita mo naman kung gaano kabig deal sa lugar na ito si Sweven Ashdawn diba? Sa tingin mo magkakagulo ng ganon ang mga babae kanina kung tungkol lang sa isang average na lalaki? Maging kay Shawn Liwerman ay hindi sila nagkakagulo ng ganon," taas noong pahayag ni Alkina.

The Girl In The City Of HinterlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon