KABANATA 13

6.1K 277 19
                                    

Kabanata 13.

"I am surprised. You have a friend," hindi makapaniwalang saad ko.

"What do you take me for?" Nakangising usal ni Ravi kaya natawa ako.

"I thought you are just a lone wolf," natatawang pang-aasar ko dito.

Ilang minuto pa kaming nagstay ni Ravi ngunit napagpasyahan ko nang bumalik dahil baka natauhan na ang tatlo kong kaibigan.

Ngunit ng makabalik ako sa dorm ay ganon pa rin sila.

Lumipas ang mga oras at ng matapos kaming kumain ng dinner ay bumalik na sina Alkina at Jaireen sa kanilang dorm. Maaga kaming natulog ni Theiry dahil may klase na bukas.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa yugyog ni Theiry.

Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang maayos na itsura ni Theiry. Tapos na siyang maligo at magbihis kaya naman nagmamadali akong bumangon.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay agad akong hinigit ni Theiry dahil sabi niya ay gutom na siya. Nang makababa kami ay nakita namin si Alkina at Jaireen.

"Tamang-tama ang labas namin," saad ni Jaireen habang nakangiti.

Nang makarating kaming apat sa dining hall ay agad kaming kumain.

"Sa isang araw na ang labas natin sa Hinterland City," usal bigla ni Alkina.

"Kaya nga. Kinakabahan ako dahil hindi pa ako nakakakita ng goblins sa personal." - Jaireen

"Isipin nalang natin na madami tayo para hindi tayo matakot," pahayag ni Theiry habang ngumunguya.

"Sabagay may punto ka. Sabay-sabay tayong lalabas kaya madami tayo," pagsang-ayon ni Jaireen.

"Ganito nalang, sama-sama nalang tayo. Dahil apat tayo at kailangan makahuli ng 20 goblins ang bawat isa. Kailangan lang natin humuli ng 80 na goblins. Mas mabuti na magkakasama tayo," suhestyon ni Alkina.

"Tama. Tama. Payag ako. Kahit hindi ko kayo kaklase ay pare-parehas naman ang kailangan natin gawin at sabay-sabay tayong lalabas. Magandang ideya," masayang usal ni Theiry. Tumango lang ako sa kanila dahil walang problema sa akin iyon.

"Mapoprotektahan pa natin ang isa't isa," saad ni Jaireen at sumang-ayon rin.

Tumango lang ako sa kanila.

"Pero sa tingin niyo, magpapakita kaya si Sweven Ashdawn sa isang araw? Araw 'yon ng practical examination natin kaya ibig sabihin required siyang umattend. Tama ba?" Biglang pahayag ni Theiry.

Napailing ako dahil nagsisimula na naman silang pag-usapan si Sweven Ashdawn. Kahapon lang ay parang bumagsak ang mundo nila dahil lang hindi nila nakita ang lalaking iyon.

"Oo nga, Theiry!" Masiglang saad ni Jaireen na para bang nabuhay lahat ng dugo sa katawan niya.

Nakita ko na para bang nagning-ning ang mga mata ng tatlo.

"This time, siguradong makikita na natin si Sweven!" Masayang saad ni Alkina.

"Hindi na tuloy ako makapag-hintay na lumipas ang araw na ito at lumipas ang bukas," excited na pahayag ni Jaireen.

Nang lumipas ang oras ay pumunta na kami sa aming classroom. Si Theiry lang ang napahiwalay sa aming apat dahil hindi namin siya kaklase.

Nakinig lang ako kay Ms. Lirothin ng tinuturo nito sa buong klase. Si Alkina naman na katabi ko ay halatang walang gana sa pakikinig at pahikab-hikab lang. Maging si Jaireen na nasa harapan namin ay mukhang tulog na habang may nakaharang na libro sa harap ng kaniyang mukha. Hindi ko sigurado kung pansin ba siya ni Ms. Lirothin o hinahayaan lang talaga ni Ms. Lirothin na matulog si Jaireen.

The Girl In The City Of HinterlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon