Kabanata 11.
There's a lot of strange things happening to me. I really don't know what's going on but I am really trying hard to live my life accordingly. I questioned my life every day but at the end of the day I always found my questions unanswerable.
When Ravi said that he felt like I will disappear, one question emerged on my mind.
'If I really disappeared from this world, are you going to find and search for me?'
I want to ask that question for Ravi but I cannot. I was unable to find the words for him. Para bang nakabara sa lalamunan ko ang mga salitang bubuo sa tanong na iyon.
Para sa akin, may malaking pader ang naghaharang sa aming dalawa. I am not sure if I can't break the wall or I am not just willing to.
"And I really like your name. It suits you well, Elara."
"I like your name too, Ravi." Nginitian ko si Ravi matapos kong magsalita.
Napagpasyahan ko nalang na isantabi ang laman ng isip ko dahil wala rin akong mapapala. Ngunit bilib din ako kay Ravi dahil malakas itong makaramdam. How is it even possible to feel something accurately?
"Alam niyo na ba yung balitang kumakalat ngayon? Maraming goblins ang nakaakyat malapit sa east wall barrier."
"Oh, narinig ko din ang balitang yan. Totoo ba? Akala ko ay sabi-sabi lang."
"Inatake ng mga goblins ang karwaheng sinasakyan ng Vice General Knight Feath at kasama pa nito sa loob ang kapatid nitong babaeng nag-aaral sa Hinterland Academy. Namatay ang coachman at nahimatay ang babae nitong kapatid ngunit nagawa naman patayin ni Vice General Knight Feath lahat ng nakapasok na goblins."
"Ngunit bakit daw umakyat ang mga goblins? Sa pagkakaalam ko ay hindi sila umaakyat sa walls."
"Yun na nga, iniinbestigihan pa nila ang nangyari. Narinig ko iyon sa aking pamangkin na isang knight."
Napatingin ako sa mga matandang nakaupo hindi malayo sa amin. Umiinom ng kape ang nagsalita na para bang uhaw na uhaw bago muli itong magsalita.
"Naku, isa pa. Mukhang seryoso ang bagay na iyon..."
"Elara."
Tawag sa akin ni Ravi kaya nawala ang atensyon ko sa tatlong matandang nag-uusap.
"Is that true?" tanong bigla ni Ravi sa akin. Siguradong narinig din niya ang pinag-uusapan ng tatlong matanda kaya tumango ako. Wala rin akong balak itago iyon.
Bumakas ang pag-aalala sa mata ni Ravi ngunit mabilis din iyong nawala. Hindi tuloy ako sigurado kung tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ako.
"Why didn't you tell me? I forced you out. Are you alright?" Seryosong saad ni Ravi sa akin.
Natawa ako nang marinig ko ang sinabi ni Ravi. Nagsalubong ang kilay ni Ravi dahil sa biglaan kong pagtawa.
"I am alright. I fainted because of shock but don't worry about me. I am really perfectly fine now," natatawa kong sagot kay Ravi.
Napatigil lang ako sa pagtawa ng makita ko ang ekspresyon sa mukha ni Ravi. Para bang kanina lang ay nagbibiro pa ito pero ngayon ay bakas sa mukha niya ang sobrang pagkaseryoso.
Hindi na ito nakangiti o nakangisi.
He's really good at changing mood easily. Para bang may switch sa katawan ni Ravi na kapag napindot mo ay magbabago bigla ang mood niya.
Tumikhim ako dahil mukhang hindi na nakikipagbiruan si Ravi sa akin.
Tumayo ito at kumpara kanina malumanay niya akong hinigit patayo.
BINABASA MO ANG
The Girl In The City Of Hinterland
FantasyEscaping from the person she hates the most. Elara found herself in a strange and perfectly fine abandoned city but it turns out that she unknowingly entered a different world. Genre: Fantasy/Romance/Adventure Read at your own risk. Ebook available...