KABANATA 2

16.8K 689 122
                                    

Kabanata 2.

Pinagmasdan ko ang kasuotan ng babaeng humigit sa akin. Mukha itong pinagtagpi-tagpi na tela. Napatingin naman ako sa suot kong t-shirt at pantalon.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng goblins at ogre? Madali lang silang patayin dahil hindi sila marunong mag-isip," pahayag ng babae.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil kanina pa umiikot sa isip ko ang salitang 'woods' na sinabi niya kanina.

"Woods? Ano po ang woods?" Tanong ko dito.

"Hindi mo rin iyon alam?" Gulat nitong tanong pabalik sa akin.

Tumango ako dahil hindi naman ako galing sa lugar na ito. Mukhang napunta ako sa hindi ko alam na lugar.

"Ang Woods ang tawag sa lugar kung saan kami galing. Sa lugar na iyon ay puno ng mababangis na hayop. Duon kami lumaki ngunit napagpasyahan ng Mayor ng Hinterland na bigyan kami ng tirahan at trabaho bilang isang hunter o kaya isang knight," paliwanag nito ngunit masyado akong gulat sa lahat ng mga pangyayari sa aking paligid na para bang ayaw maproseso ng mga salita sa aking utak.

"Hinterland po ba ang tawag sa lugar na ito?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Ako yata ay binibiro mo. Dito ka nakatira pero hindi mo alam?" Natatawang usal nito ngunit hindi naman ako nagbibiro. Gusto ko talagang malaman.

Isa pa, hindi talaga ako dito nakatira.

"City of Hinterland ang tawag sa lugar na ito. Sa labas ng matatayog na pader ay mga kagubatan at mga kalikasan na wala sa loob ng lugar na ito," paliwanag nito sa akin.

"May iba pa po bang tao ang nakatira sa labas ng Hinterland?" Tanong ko sa kaniya.

"Katulad namin mga barbarians. Kadalasan sa woods kami matatagpuan ngunit maunti lang ang populasyon dahil kadalasan ay namamatay dahil sa mababangis na hayop. Kaya nga nandito kami para hindi na namin maranasan ang hirap ng buhay sa labas ng city," pahayag nito sa akin.

Pansin ko nga na malalaki ang katawan nila bukod sa kanilang kakaibang kasuotan. Kahit babae siya ay malaki ang pangangatawan niya.

Napatigil ako dahil ngayon ko lang napansin ang mga tao sa paligid. Kung kagabi ay mag-isa lang ako. Ngayon naman ay hindi ko na mabilang ang mga taong nakikita ko.

Ang amoy ng pagkain sa mga stall ay humahalimuyak sa bango. Muli akong nakaramdam ng matinding gutom.

"Teka lang!" Napatigil kami sa paglalakad dahil sa humahangos na lalaking pumigil sa amin.

"Oh, hindi ba ikaw yung kawal kanina?" Tanong ng babaeng barbarian na kasama ko sa mukhang kawal na lalaki.

"Ako nga, kailangan ko lang icheck ang identity niya," turo nito sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko at agad akong kinabahan dahil alam kong wala akong maipapakita dahil wala akong kahit na anong dala.

Pinagmasdan pa ako ng kawal at tumigil ang tingin niya sa aking madumi at duguang paa dahil sa mga sugat. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa madungis kong itsura. Kaya siguro niya ako pinigilan dahil mukha akong pulubi na basta na lamang pumasok sa magandang lugar na ito.

"Patingin ng identity tag,"

Inilahad pa ng kawal ang kamay niya sa harap ko. Napalunok ako ng laway dahil sa kaba.

Tumingin ako sa kasama ko ngunit wala na ito. Siguradong sumama na ito sa kaniyang mga kasamahan at iniwan na ako dito sa pag-aakalang taga dito naman ako.

Gusto kong maiyak dahil sa kaba. Paano kung ipatapon nila ako sa labas na puno ng goblins at ogre? Kahit wala silang kakayahan mag-isip ay sigurado akong mas malakas pa sila sa akin kaya anong laban ko sa kanila.

The Girl In The City Of HinterlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon