Chapter 12

26.4K 763 346
                                    

Chapter 12

Feelings


"Susunduin kita pagkatapos ng training mo---"

I immediately reacted to that. He was already telling his terms and the past terms were fine to me. Pero ito...

"That can't be. They will assume things..." sabi ko.

I already said to him that it's not good in the eyes of the people that we're living under the same roof. As long as possible, I want to avoid being talked about by random people. I don't think I could tolerate more hateful words...

"Susunduin lang naman?" he said while he was cooking something in the kitchen.

I was on the chair, in front of the countertop while waiting for the food. Hindi na kasi kami kumain sa labas dahil baka may makakita sa aming schoolmates. Hindi na rin pinayagan si Mina na dumalaw pa kaya nagluto na siya...

"Hindi nga pwede. Baka malaman nila na sa isang bahay lang tayo nakatira..."

Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit kailangan dito ako manatili... Bakit kaya hindi na lang ako idala ni grandma sa Japan? But then, Senyor will surely get mad at her for helping me out. For now, I think this is quite fine. Pansamantala lang naman...

"I don't know why it's important."

"I'm still a minor, Mooze. And we're still young. Why can't you understand?" Mahina ang boses ko kahit naiinis na naman sa kan'ya.

"Fine!" at napamura siya at hinarap ako. Hawak niya ang isang sandok habang naka-topless at naka-apron. "Sino ang susundo sa'yo?"

"Si Kuya Rovic, ang driver ko..."

"Sa tingin mo magiging driver mo pa rin 'yon? They don't care about you anymore!"

That hurt! Grabe, wala talagang pinipili ang kan'yang bibig.

"Kuya Rovic is under my grandma," puno ng pasenya na sabi ko. "Ano? Mayroon pa ba?" I asked him.

Sabi niya, dahil daw nasa puder niya ako, kailangan daw talaga ng mga terms. Buong akala ko pa naman... malaya na ako. May rules din pala sa kan'ya. Manirahan na lang kaya akong mag-isa? But it's not safe...

"No boyfriends..." aniya at humarap na sa niluluto.

"Okay. I don't do that anyway," I said honestly and sipped on my strawberry milk.

"Well, I'm the only exception. Pwede kang mag-boyfriend kung ako," aniya at may tumakas na mababaw na halakhak.

Umiling ako kahit 'di siya nakatingin. "I don't like romance," pag-amin ko.

Hindi naman sa ayaw ko. It just feels like I don't deserve to have one right now. My life is still complicated, and I have so many things that are in line preceding it. And also, I know that love can wait if it's true.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi ayaw mo 'ko..." he said in his serious tone this time.

I didn't respond to that. Hindi totoo na ayaw ko siya... Noon, hindi ko nagustuhan ang trato niya sa mga babae. Kasi hindi tama na gawin mong experience ang ibang tao para sa sarili mo. You can't just take advantage of your looks and hurt other people. He was so immature, that's why I didn't like him before.

"May iba ka pa bang rules?" I askes instead.

He shrugged while still cooking. Parang naging mabigat ang mood sa aming dalawa. Is it because I didn't even contradict his claim? Na ayaw ko siya? Hindi ko kasi alam ang dapat sabihin doon...

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon