Chapter 16

27K 866 439
                                    

Chapter 16

Ruckus


Hiraya was with Kuya Tiago when they fetched us in the condo. Sabay-sabay na raw kaming pupunta sa subdivision para mas masaya sabi ni Kuya Tiago.

"Tiago na lang itawag mo sa akin. Kuya is making me damn old!" Humalakhak si Tiago habang nanonood kasama namin ni Hiraya. Mooze is still in the bathroom.

"Aren't you old, though?" pang-aasar ni Hiraya.

Tiago smirked. "Baka gusto mong sabihin ko sa kuya mo na crush mo---"

Mabilis na tinakpan ni Hiraya ang bibig ng pinsan niya. Kitang-kita ang pagsingkit ng mga mata ni Tiago. May mga munting tawa na lumalabas pa rin sa kan'yang bibig kahit nasa ibabaw na ang kamay ni Hiraya.

I chuckled and Hiraya blushed. Umayos siya ng upo na parang nahihiya sa kan'yang inasta.

"Stop talking about it, okay? I am not even bringing your heartbreak up..." sabi ni Hiraya sa Kuya Tiago niya.

Kuya Tiago was silenced. He was acting like he wasn't affected, pero parang kabaligtaran. That heartbreak must've hurt him a lot...

Kanina pa sila nandito. When they arrived, I was still shy and stiff since it's the first time I'm gonna hangout with them. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na isipin kung paano na mamaya. I know they really have a big family. Pero hindi naman yata lahat ay meron mamaya.

"Parang si Zeus. Parang gago," tawa ni Kuya Tiago nang lumabas si Mooze sa kwarto. Magkapareho kami ng kulay ng damit. It was light pink.

"Pake mo?" sagot ni Mooze sa kan'ya at kinindatan ako.

I looked away and I caught Hiraya pouting. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Tahimik siya pero alam kong maingay siya sa mga taong malapit sa kan'ya. Maybe she's not comfortable around me yet. Bakit ang pinsan niyang lalaki?

"Tara na..." sabi ni Mooze matapos kunin ang susi ng sasakyan niya sa itaas ng ref.

Tumayo na ako. Noong una katabi ko pa si Mooze na naglalakad, pero nang pababa na kami ay nakatabi ko na si Hiraya. Hindi malayo ang edad niya sa akin kaya... baka pwede kaming maging magkaibigan, 'di ba?

She made me stop. I realized in an instant that she's trying to draw us distance from Mooze and Kuya Tiago. Napansin kaagad nila pero hinayaan na lang kami.

"Are you already his girlfriend?" she asked curiously and it surely made me have a face of a tomato. We started walking slowly.

Umiling ako habang ako at napansin ang hawak niya sa aking braso. I feel like an older sister to her.

"Hindi... We are friends," nasabi ko dahil hindi ko alam kung paano sasabihin na nanliligaw na ang Kuya niya.

She eyed me like she doesn't believe my words even a bit.

"Totoo? Ang hirap maniwala kasi madali lang makakuha ng babae si Kuya. He's so skilled at it. Parang specialty niya. Kadiri..." and she frowned and rolled her eyes afterwards.

I laughed a little. "Mooze said he's changing..." I am not trying to defend him.

She shrugged. "I noticed, too. I feel like he's already loyal for the first time in his life..." and she stared at me while nodding consecutively.

Naghiwalay na kaming dalawa sa parking lot dahil dalawang sasakyan ang gagamitin. Kay Kuya Tiago siya sumakay at siyempre ako kay Mooze. Hindi naman daw kalayuan ang subdivision nila...

"What did you talk about with my sister? Girl talk, huh? Maayos 'yan para makilala mo nang mabuti ang sister in law mo..." at nasundan 'yon ng tawa.

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon