Chapter 1

39K 989 422
                                    

Chapter 1

Pinky Swear 


"I really don't know why she has to be here. Dito pa talaga sa lamesa natin!" I heard from Ate Cheska, Crisanta's older sister. Isa sa mga stepsisters ko.

She hates me more than everybody else. Si Franco, ang lalaking kapatid nila ay hindi naman kagaya nila. He hates me, too, but he's not really showy of his emotions. Malamig lang siya, at bihira na magsalita. Pero sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin, pansin ko ang nanlilisik niyang mga mata.

"I don't know, too, why Lola likes that girl. Minsan nagseselos na ako dahil malapit talaga siya kay Lola Victoria!" si Molly, pinsan nila nang buo. Mas bata sa akin.

"Maybe because of money? Mayaman daw ang japanese family niya. Nevertheless, hindi niya deserve na gustuhin. Anak sa labas," puno ng inis na sabi ni Nedie, kapatid ni Molly.

"Tss, girls are loud," si Franco at uminom sa kan'yang wine. He was wearing a dark blue suit for Grandma's extravagant party.

Sobrang awkward sa lamesa. Nakayuko lang ako habang nilalaro ang table napkin sa harap ko. I know that whenever you feel unlike, you should draw a distance, pero ayaw ko naman na magmukhang bastos sa oras na piliin ko na lumipat ng lamesa. Sa huli, ako rin naman ang mapapagalitan ni Senyor dahil gagawa na naman ako ng issue.

It's been years since I became officially part of their family by name, pero ayaw pa rn nila sa akin. Crisanta is just civil with me. Mas maganda na siguro na gano'n dahil madalas silang mag-away ni Ate Cheska sa tuwing nilalapitan niya ako.

"Hi!" biglang dumating si Mina suot ang light blue nitong gown. Something inside me rejoiced.

Tipid lang siyang nginitian. Kita ko naman ang pandidiri ni Ate Cheska at sinabayan pa ng pag-irap. She hates everyone who's friendly with me.

I don't know why there are people who hate to see a particular person happy. Some have valid reasons, some have shallow ones.

"Tara? May table tayo. Sabi ni Madam Victoria kunin daw kita sa lamesa namin..." malakas ang boses niya kaya dinig ng mga nasa lamesa.

Tumango ako at tumayo. Yumuko ako para magpaalam sa mga pinsan at kapatid ko. Wala naman silang sinabi, pero may mga munting bulong nang nakalayo na kami ni Mina.

Malalim akong huminga. Para akong nakalabas mula sa kulong na kahon.

"Dapat kanina mo pa sila nilayasan! Grabe, ang bigat ng atmosphere nung sinundo kita. How much more sa part mo, 'di ba?" hindi siya makapaniwala.

Pag-upo ko, nandoon na rin si Kyla at Cess na nag-uusap. Sa tingin ko naghahanap na naman sila ng gwapo rito sa party. Hobby naman nila 'yan. Palagi silang nagkakasundo kapag lalaki na ang pag-uusapan.

"Gwapo rin ang kapatid mong si Franco, Norwyn," Cess chuckled with Kyla after a long while.

I chuckled, too. "My siblings all look good."

Kahit ang bunso namin na si Gordy na anak ni Mommy at sir Rigor ay gwapo. Kahit bata ay marami na ang nagkakagusto sa kan'ya. The little boy is also cold towards me, but when I'm alone with him, he's kind.

"Crush ko 'yon, Cess! Maghanap ka na lang ng iba..." busangot na sabi ni Mina sa tabi ko.

Mina is half chinese, which explains why her eyes are chinky like mine. She's talkative, while I'm her opposite. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nabo-bore sa akin. She's so fond of me, and she's really clingy. At may gusto siya sa stepbrother ko.

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon